BUMAGSAK ang katawan ni Desiree. Muling umalingawngaw ang putok mula sa baril ni Nick at nagsuka ng dugo si Marvelo na hawak ni Ciejhay.
"Hadlang lang 'yan sa pagyaman namin." Ibinaba ni Shintaro ang Video Camera at kinuha rin ang baril sa gilid ng Short.
"Ecaii. 'Tol. Takbo!" pagsigaw ni Ciejhay ay mabilis niyang itinulak ang bangkay ng kanyang tito Marvelo at sinugod ang dalawa.
Mabilis na kinuha ni Ecaii ang kamay ng nakababatang kapatid. Pinulot ni John Mark ang palakol at sa isang hampas ay naputol ang taling nakagapos kay Elajoy. Niyakap ni Ciejhay sina Shintaro at Nick upang makagawa ng paraan ang mga kaibigan na tumakas.
"Ciejhay!" sigaw pa ni Ecaii dahil papaalis na sila.
Ang mga lalaking nakamaskara ay nakatitig pa rin at hindi sila ginagalaw hangga't walang utosna nagmumula sa dalawa.
"Tumakbo na kayo!" tanging tugon at sigaw ng binata.
"Kumilos na kayo!" sigaw ni Shintaro habang umaalis sa pagkakayakap ni Ciejhay dahil nahihirapan silang tumayo at makagalaw.
Nagtakbuhan na ang mga natitirang kaibigan nang makita nilang bumunot na ang mga lalaking nakamaskara ng baril sa bulsa.
"Bwisit ka 'tol." Naabot ni Nick ang tumalsik na baril at muling umalingawngaw ang isang pagputok.
"Huh? Ciejhay?" nanikip bigla ang dibdib ng dalaga.
Nagpatuloy sila ng nagpatuloy at dahil sa takot na nararamdaman ay nagkahiwa-hiwalay sila ng direksyon. Masyadong mapuno kaya't hindi nila napansin ang isa't isa.
"Ate! Nasaan na sila kuya JM?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Shaira habang nanginginig pa rin sa takot.
Maririnig muli ang sunod-sunod na pagputok at mas lalong tumindi ang pangambang nararamdaman nila. Nagpatuloy ang magkapatid sa pagtakbo at pagtakas sa gubat na hindi nila alam ang tamang direksyon.
"Isa ka pang hadlang 'tol." At sinipa pa ni Nick ang katawan ni Ciejhay na wala ng buhay. "Habulin natin sila," dagdag pa ng binata.
Tumango si Shintaro at kakaibang inis at galit ang naramdaman nila sapagkat mukhang makakalayo na ang mga taong magbibigay ng malaking halaga sa kanila mula sa buhay ng mga ito. Nagpapatuloy sina, Pearl, Elajoy, John Mark at Ecaii kasama ang bunsong kapatid.
"Hah!" napaluhod ng bigla si Pearl nang tamaan sa dalawang binti.
Ngumiti ang lalaking nakamaskara at hindi nag-alinlangang muling magpaputok. Natumba ng dilat ang dalaga at bumagsak ng wala ng hininga. Hinihingal din sa pagtakbo si Elajoy at hindi na alintana ang mga madadaanan. May mga pagputok muli at labis ang kanyang pagtangis.
"Hindi!" sigaw niya at patuloy na tumatakbo.
Sa ilang sandali ay napadapa siya dahil sa tinamaan sa bandang leeg. Lumapit ang lalaking nakamakara. Naitaas pa ng dalaga ang isang kamay ngunit walang awa na siyang pinaputukan nito.
Matinding masid ang ginagawa ni John Mark habang humahakbang ng mabilis. Hindi ang sariling kapahamakan ang kanyang iniisip kundi ang dalagang nahiwalay sa kanya.
"Ecaii. Nasaan na kayo?" bigkas nito at may pag-aalala sa mukha.
"John Mark! 'Tol." Napataas siya ng kamay dahil sa papalapit na si Nick.
Nakatutok ang hawak nitong baril. Ngumiti si Nick habang pinagmamasdan ang kaibigang galit na galit.
"Wala ka bang huling mga salitang sasabihin bago mamatay?" mayabang na tanong ni Nick.
"Wala na akong masasabi sa kasamaan mo!" sigaw pa ng binata.
"Kung ganoon, sa akin lang si Ecaii." Unti-unti ng pinipindot ni Nick ang baril.
Bumagsak sa kintatayuan si John Mark nang hampasin ni Shintaro ng hawak nitong baril. Napatingin sa kanya si Nick at ngumiti.
"Gusto kong madala muna si Ecaii ng buhay. May gagawin ako sa kanya." At nagpatuloy ang dalawang traydor sa paghahanap.
Halos mawalan na ng hininga ang magkapatid dahil sa pagkakahingal mula sa patuloy na pagtakbo. Bakas sa kanilang mga mukha ang labis na takot.
"Nandito lang si ate Ecaii." Pinapalakas ng dalaga ang loob ng nakababatang kapatid.
Umalingawngaw ang mga baril na nanggagaling kung saan. Napatigil si Shaira nang may maramdaman itong masakit sa ulo.
"A-ate..." nanginginig nitong sabi at bumagsak sa kinatatayuan.
"H-hindi. Shaira!" sigaw at hikbi ng dalaga at niyakap ang nakadilat ngunit hindi na humihingang kapatid. "Hindi ka puwedeng mawala. Pakiusap! Shaira..." patuloy niyang pagtangis.
Hindi na maramdaman ng dalaga ang paghinga dahil sa namatay na kapatid. Nakarinig siya ng mga yapak na papalapit. Napatingin siya sa kanyang unahan at natanaw pa ang isang lalaki bago tuluyang hinimatay.
Nagpapatuloy sina Shintaro at Nick sa paghahanap sa dalaga dahil natagpuan na nilang patay na ang mga kaibigan nito kabilang si Elle.
"Hindi siya maaaring makalayo!" galit na bigkas ni Shintaro.
Huminto si Nick sa paghakbang at nagtatakang napatigil din ang kasama. Nagkatinginan sila sa hindi maintindihan na titigan.
"Bakit Nick?" nagtatakang tanong ni Shintaro.
"Pasensya. Ngunit ako lang ang dapat na yumaman." At pinaputok nito ang hawak na baril sa ulo ni Shintaro.
Lumapit pa doon si Nick at isinara ang nakadilat nitong mga mata.
"Hindi rin kita kailangan Shintaro. Kaya ko ng pangunahan ang Death Pictorial na ating binuo." At nagpatuloy siya sa paglakad.
Mula sa itaas kung pagmamasdan ay makikita ang mga bangkay ng magkakaibigan kabilang ang ilang nagtraydor na pinatay. Matatanaw din si Nick at mga tauhan ng Death Pictorial na patuloy na naghahanap sa natitirang si Ecaii.
"Ecaii. Nasaan ka!" malakas na sigaw ng taksil na si Nick kasabay ng pag-ulan at pagkidlat.
Ang dugong nagmumula sa mga katawang namatay na ang binalak sana'y Pictorial at hindi Death Pictorial ay sumabay na sa daloy na tubig. Natapos ang araw na iyon ay hindi nga natagpuan ang hinahanap.
Magpapatuloy...
At diyan nagtatapos ang unang Episode. Abangan ang ikalawa at huling Episode kung saan masasagot ang ilang katanungan at pagkawala ng mga bagong taong makikipagpagsapalaran at sasabay sa hamon ng Death Pictorial.
DEATH PICTORIAL (Epoisode II)
PROLOGO:
Tumunog ang Cellphone ni Dyen dahil may isang mensahe ang kanyang natanggap. Tila ayaw pa dumilat ng dalaga dahil masyado pang maaga at inaantok pa ito. Tumunog muli ito hudyat na may bagong mensahe muli."Ang aga naman nitong mag-text." Inis niyang sabi at kinuha ang Cellphone at tiningnan iyon.
"Ecaii?" at binuksan ang mensaheng nagmula sa numero ng matalik na kaibigan. "Sa wakas! Nagbigay din sila ng Reponse." Tumayo siya ng may ngiti at mabilis na hinanap ang numero ni Eric.
Tinawagan niya ito at napahinga siya ng maluwag nang sagutin iyon ng nobyo.
"Hello, Dyen. Ang aga mo naman napatawag?" halata sa tinig ng kabilang linya na inaantok pa.
"Maghanda na kayo dahil ngayong araw ang alis natin." May ngiting tugon ng dalaga sa kausap.
"Ayos!" maririnig pa ang tawa kay Eric. "Sige, at tatawagan ko ang iba nating mga kasamahan." At ibinaba nito ang Cellphone.
Nakangiting nagta-type si Dyen at tumugon sa mensahe ni Ecaii na tuloy sila sa pagtungo sa Mindanao. Ilang sandali lang ay may tugon na ito kung saan ang Address nila Ciejhay ang nakalagay. Nagpasalamat siyang muli sa mensahe.
_________IPAGPAPATULOY...
Episode 2– mga bagong taong haharap sa laro ng kamatayan. Magpapatuloy sa naumpisahang kapalaran.
BINABASA MO ANG
Death Pictorial (Completed)
Mister / ThrillerPAGBUBUKAS: Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga taong nasilaw at nalunod sa pera. Sa modernisasyong paraan, ang salapi ay mabilis na nakukuha. Ngunit sa bawat piso ay panganib ang kapalit. Buhay ang kapalit ng libo-libong barya. Paano kung ik...