CHAPTER 24

56 6 1
                                    

NAKITA nito sa pinakabandang dulo ang isang puting lalagyan. Tinignan niya ang pangalan at ito'y naglalaman ng likidong asido.

"Ito na lang nang maging mabilis ang lahat." Napapatawa si Marz habang bitbit iyon at kinuha rin nito ang isang mahabang patalim.

Bumalik siya sa gitna at naroon na ang huling tauhan na kanyang gagawan ng Death Pictorial. Nagtungo siya sa harap nito at sandaling inilapag ang patalim sa lupa. Pinatingala niya ito sa pamamagitan ng pagsabunot sa buhok.

"Tikman mo ang init at hapdi na mararamdaman din ninyo sa impyerno." Itinaas niya ang kabubukas na lalagyang may asido.

Marahan niya iyong ibinuhos sa mukha ng tauhan. Sa bawat sigaw nito ay siyang paglabas ng usok at amoy mula sa nasusunog na laman. Hanggang sa halos makita na ang bungo nito.

"Masyado kang maingay." Pinulot ni Marz ang patalim at ibinaon sa loob ng bunganga.

Idiniin niya pa ng idiniin hanggang sa magsuka na ito ng dugo. Sa panggigigil at galit ay mabilis niyang binuot ang patalim. Pinagsasaksak niya ang dibdib nito hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga at mamatay.

"Sa wakas, natapos at naipaghiganti na natin ang mga nawala nating kaibigan at kasamahan." Sa huling mga salita ni Ecaii ay nagyakap-yakap sila ng mahigpit.

Ang hikbi nilang lahat mula sa sakit na sinapit at pangungulila ng sandali sa mga namatay na kaibigan mula sa kamay ni Nick, ng Death Pictorial Organization at laro ng kamatayan. Ang mga pinatay ng kusa, nanlaban at sumalang.

Matapos ang ilang sandaling pag-alala, gumawa sila ng apoy at unang sinunog ang patay na punong may mga parte ng katawan na ang ilan ay mula sa lolo at lola ni Ciejhay.

"Huwag na ninyong subukan pang maghanap ng gagawa para sa Death Pictorial. Nakita na ninyo ang lupit ng paghihiganti kapag kayo ay hindi nagtagumpay." May tapang na sabi ni Ecaii sa harap ng Video Camera bago iyon itapon sa apoy.

"Ang lahat ng mga kagamitang ito na may bahid ng dugo ay hindi na dapat mahawakan ng malinis na kamay. Magiging mapait lamang itong nakaraan sa atin at sa lahat." Si Dyen naman ang magsalita at inihagis nila ang lamesa kabilang ang mga nagamit na pamatay.

"Ang garapong ito at mga larawan na bahagi ng laro ay isang kasuklam-suklam na imahe. Wala ng dapat na maulit ang mga nangyari na tulad nito." Pagbigkas ni Eric ay sunod iyong inilagay sa apoy.

"Kung nasa impyerno na ang mga kaluluwa ninyo, dapat ding nasa mainit na apoy ang inyong mga katawan." Wika nila Emily, Cherry at Lynvic at pinagtulungan nilang itapon ang mga bangkay ng mga tauhan sa Death Pictorial Organization sa nagliliyab na bagay.

Maaamoy ang usok na nagmumula roon. Unti-unting nagiging abo at naglalaho.

"Tapos na ang lahat ng paghihirap." Nakayukong sabi ni Jaynoel.

"Isang karanasang hindi natin malilimutan at mananatiling madilim sa ating mga isipan." Malalim na paghinga ang binitawan ni Marz.

Lahat ng mga natitirang bagay at iba pa tulad ng baril ay isinama nila sa pagsunog. At ang pinakahuli ay ang bangkay ni Nick.

"Hindi kami makapaniwalang ang pinagkatiwalaan at parang itinuring naming kapatid ang makikipagkasundo sa impyernong Organisasyon at maglalagay sa amin sa bingit ng kamatayan. Kamatayang tuluyang dinanas ng napakarami sa atin." Tuluyan muling dumaloy ang luha sa mga mata ni Ecaii sapagkat sobrang pinakanami-miss niya ang kapatid na si Shaira.

Puno man ng pinsala, dugong natuyo at bakas ng Death Pictorial ay matiwasay at payapang na umuwi ang mga magkakaibigan. Dala ang bangkay ng mga yumaong kasamahan.

Lumipas ang mga araw at buwan. Nailibing na ng maayos ang nabigyang hustisyang mga kaibigan o kasamahan at kadugo. Wala na sila sa poot ng nakaraan. Nagpasalamat ng lubos si Ecaii at mga kaibigan nito kay Lan, Jeff, Mico lalaong-lalo na kay Joseph.

Muling sumigla ang Paaralan nang muling dumating ang araw ng kanilang pasukan. Nakangiti silang tinahak ang daan at pinto patungo sa loob ng kanilang Classroom. Kumalat na ang balita tungkol sa kanilang pinagdaanan at naging maayos naman ang minsnag nagpabigla sa kanila. Nagyakap ang magkakaibigan dahil sobra silang nasasabik na ipakita ang larawan ng ginawa nilang Pictorial.

"Ready?" nakangiting tanong ni Ecaii at sabay-sabay silang umupo sa kani-kanilang silya.

Mayamaya'y pumasok na ang kanilang guro. Guro na nagpagawa sa kanila ng Pictorial.

"Students, maaari na ninyong ipasa ang inyong mga Pictorial Photos." Naghihintay ang guro sa kanyang lamesa.

Masaya iyong pinagmamasdan ng kanilang guro. Pinakahuling nagpasa sina Dyen at Ecaii. Nang matuon ang atensyon ng guro sa mga larawang naipasa ng magkakaibigan, nanlaki ang mga mata nito.

"Huh?" sandali iyong napatingin sa mga nakangiting kaibigan bago ibalik muli ang tingin sa mga larawan at iniisip na baka namamalik-mata lamang ito.

"Ecaii at Dyen, lumapit nga kayo sa akin," tawag ng guro upang tanungin ang mga ito.

"Yes, Ma'am?" tumayo ang dalawang dalaga at lumapit dito.

"Ano itong ipinasa ninyo sa akin?" nakayukong tanong ng guro.

"Pictorial Ma'am," tugon ni Dyen.

"Isang Death Pictorial ma'am," tugon din Ecaii.

Pinagmamasdan ng guro ang mga larawang kuha sa naganap na Death Pictorial nitong nakaraan. Kuha mula sa mga kaibigang sumalang dito.

"Tulad nito, Ma'am." Unti-unting tumitinga ang nanginginig na guro.

"Huh?" gimbal nito nang matanaw ang mga hawak na patalim ng dalawang dalaga na may bahid na ng dugo. "Huwag." Ngunit huli na sapagkat naisaksak na ang mga iyon sa kanyang leeg.

Humalakhak ang dalawa at sinabayan ng mga kasamahang naging mata rin sa larong Death Pictorial noon. Maririnig ang malalakas na sigawan sa loob ng kanilang Classroom at buong Paaralan. Matatanaw ang mga sariwang dugong nagkalat kasabay ng iba't ibang mga lamang-loob.

Hindi nakuntento ang mga magkakaibigan sa paghihiganti at ninanais pa nilang makarinig ng sigaw mula sa pinahihirapan, madama ang mainit na dugo galing katawan ng pinaslang at mapanood ang unti-unting pagkawala ng hininga ng mga iyon.

WAKAS

At diyan nagtatapos ang aking nobelang DEATH PICTORIAL kung saan ay sama-sama nating sinubaybayan ang pakikipagsapalaran ng mga bida sa isang laro ng kamatayan na kung tawagin ay Death Pictorial mula sa isang Organisasyon. Kung paano natin sinabayan ang sigaw at pagtangis... at ang hindi inaasahang wakas.

Tragic? Mahilig po kasi ako sa ganoon dati at ibinalik ko lang. Hehe! Baka na-trauma lang ang ating mga natirang bida kaya't nagkaganoon. Pero isang lubos na pasasalamat ang nais kong banggitin at bitawan bilang regalo o ganti sa pagsubaybay, pag-suporta at pag-aabang ng aking nobela o mga nobela. Isang karangalan na naman sa akin na nakatapos ako ng akda rito sa UHS/Wattpad kasama ninyo mga pinakamamahal kong mambabasa. Sa muli, maraming salamat po.

Hanggang sa mga susunod ko pang nobela. Ako'y umaasa pa sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta upang makasulat muli ng panibagong akda na kaabang-abang at kapana-panabik. Kayo ang aking lakas at inspirasyon kasunod ng Panginoon.

May Part 2? Pag-iisipan ko pa. Hehe!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon