CHAPTER 23

21 5 0
                                    

WALANG ibang ekspresyon kundi galit ang makikita kay Eric habang nilalapitan ang ikalawang tauhan. Hinawakan niya iyon sa buhok at pinatingala. Naalala nito sandali ang matalik na kaibigang si John Mark na binaril ng dalawang beses. Marahan niyang iniangat ang unang patalim at malakas na isinaksak sa leeg ng hawak-hawak.

"Matitikman ninyo ang gawaing ikinasisiya ninyo." At pinulot niya ang ikalawang patalim.

Malakas niya rin iyong isinaksak sa kaliwang dibdib. Umagos na ang dugo mula sa leeg na parang gripo ng tubig at ganoon din sa kaliwang dibdib. Sunod nitong pinulot ang huling patalim. Isinaksak niya naman iyon sa kanang dibdib at sa isang iglap ay tuluyang nalagutan ng hininga ang tauhan. Kahit may dugo ang kamay ay pinunasan ni Eric ang tumulong pawis sa ulo at noo.

"Ako naman ang gagawa ng Death Pictorial." Wala ng may sumagot at tumugon na lamang.

Lumapit si Lynvic sa lamesa at sandaling nagmasid kung ano nga ba ang kanyang gagamiting pamatay. Nakaagaw pansin sa kanya ang uri ng kutsilyo na ginagamit sa pantadtad ng karne at medyo may kalakihan iyon. Nakangiti siyang pinulot ito at lumapit sa ikatlong tauhan na inilagay ng mga binatang kasama sa pinakagitna.

"Tolture ang nais ninyo hindi ba? Na may kasamang disenyo? Gagawin natin." Napatitig pa ang tauhan sa pag-angat niya ng hawak na pamatay. "Hawakan ninyo siyang mabuti nang maging perpekto ang aking disenyo at pag-aayos." Nakangiti si Lynvic at nasa isip niya ang sinapit naman ng matalik na kaibigang si Shiela.

Hinawakan nila Jeff at Mico ang magkabilang kamay ng tauhan. Si Jaynoel naman sa ulo upang manatili iyong nakatingala.

"Mabilis lamang ito ngunit medyo masakit." Malakas na pinatama ng dalaga ang pamatay kaliwang balikat.

Maririnig ang malakas na sigaw. Bumaon pa iyon sa buto. Hinugot niya iyon at ang kanang balikat naman ang pinatamaan. Muling hinugot at pinapadaan sa leeg ng tauhan.

"Mamaya na ang leeg na ito." Mabilis niya namang pinatama sa kanang mukha.

Makikita ang nahiwang laman sa pisngi. Sunod ay sa kaliwang mukha. Tumulo ang sariwang dugo.

"Maganda ang pagkakatulo. Makatotohanan." Sunod niyang pinatama sa bandang kanan ng leeg.

Halos maubos na ang tinig ng tauhan sa kasisigaw mula sa sakit na nararamdaman. Nakasentro naman ang Video Camera na hawak-hawak ni Lan sa bawat eksenang ginagawa ni Lynvic. Sunod ay sa kaliwang bahagi ng leeg. At ang ang pinakahuli, malakas niyang pinatama ang pamatay sa pinakagitna ng ulo.

"At diyan nagtatapos ang pag-aayos." Makikita ang panandaliang pagdaloy ng nangniningning na luha sa mga mata ng dalaga.

Sa lakas ng kanyang puwersa ay halos lumabas na ang utak ng tauhan. Binitawan na ito ng mga kasamahan at bumagsak sa lupa.

"Ako naman." Hindi na nagdalawang-isip pa si Emily na lumapit sa lamesa at pulutin ang may kalakihang barena. "Ayos, umaandar ito sa pamamagitan ng likidong baterya." At sunod siyang bumalik sa gitna kung saan inilagay ng mga kasamang binata ang ikaapat na tauhan.

Pinaandar niya iyon at tulad ng Chainsaw ay nakapangingilabot ang ingay na binubuo nito. Ingay na nagpapanginig sa natitirang mga tauhan ng Death Pictorial Organization.

"Hindi ko na 'to patatagalin pa. Bubutasin lang naman natin ang pinaka-importanteng parte ng Nervous System. Alam mo ba 'yon?" napatawa ng mahina ang dalaga. "Bahagi na kung saan nanggaling ang pinag-iisip ninyong kasamaan at kasakiman. Ang utak mo." Itinutok nito ang dulo ng barena na umiikot sa pinagitna ng noo.

Hinawakang mabuti ni Jaynoel ang ulo ng tauhan upang maging matagumpay ang nais na Death Pictorial ni Emily.

"Kamatayan ang nais ninyo, patuloy naming ibibigay." At dahan-dahang ibinabaon ng dalaga ang barena.

Unti-unting nabubutas ang noo at nagtatalsikan ang kaunting laman at sariwang dugo. Galit at pagtulo ng pawis ang matatanaw sa itsura ng dalaga. Ilang sandali ay tuluyang nabutas ang ulo nito. Sa huling sigaw ng lalaki ay siya namang paghinto ng barena. Tuluyan iyong nalagutan ng hininga habang dilat pa ang mga mata. Napabuga ng hangin si Emily bago bitawan ang hawak. Bumalik ito sa kinatatayuan nila Ecaii na nanonood at nasisiyahan sa ginagawa nilang paghihiganti.

"Sa wakas, ako naman ang gagawa ng Death Pictorial na ginawa ko na rin kanina. Hindi ko iyon matanggap at dahil sa karanasan, mas gagawin nating kasuklam-suklam." Walang alinlangang lumapit si Cherry sa lamesa at maiging nagmasid sa mga pamatay na naroroon.

Naagaw ng kanyang atensyon ang mga karayom na medyo may kahabaan at kalakihan.

"Masubukan nga ang mga ito. Mukhang magandang idisenyo sa iyo." Pinulot niya ang mga iyon at bumalik sa kinaluluhuran ng tauhan na inilagay ng mga binata sa gitna. "Saan ba magandang itusok?" tila nag-iisip kunwari ang dalaga.

Ilang segundo'y pinagmasdan niya ang unang karayom na itinaas. Binuklat niya ng bahagya ang unang mata ng tauhan at mariing ibinaon ang karayom sa pinakagitna. Napapasigaw ang lalaki sa sakit ngunit tila bingi na ang mga magkakaibigan sapagkat paghihiganti ang ngayo'y iniisip nila. Sunod ang isa pang karayom sa ikalawa namang mata.

"Masyado kang maingay kaya't binigyan mo ako ng ideya." Pinatikom ito ni Cherry at isinara ang mga labi sa pamamagitan ng pagtusok ng limang karayom mula itaas pababa. "Napakalambot lamang pala." At ibinaon ang isa pang karayom.

May natitira pang apat na karayom. Wala na siyang maisip na pagtusukan at pinagbabaon niya na lamang iyon sa pisngi nito. Maririnig ang ungol at tinig na hindi na makalabas sa bibig ng tauhan. Binunot niya ang isang patalim sa naunang namatay.

"Para sa huling sandali." Malakas niya iyong sinaksak sa leeg.

Nanginig ang buong katawan niyon at nalagutan ng hininga.

"Magaling, Cherry." Pumalakpak ng sandali si Jaynoel. "Ako naman ang gagawa ng Death Pictorial." Nagtungo kung saan ang binata upang pulutin ang itak at palakol.

Hinahampas niya pa iyon sa ere upang kunwaring sinubukan kung epektibo. Inilagay nila Marz ang ikaanim na tauhan sa gitna. Inutusan ni Jaynoel na patayuin ito dahil sa gagawin niya.

"Sayang naman kung hindi ko ipagpapatuloy ang Death Pictorial na kanina sana'y gagawin ko." Tinutukoy nito ang nasa larawan na para sana sa kapalaran ni Marz— isang taong may nakabaong palakol sa pagitan ng dibdib at itak sa ulo. "Alam kong hindi mo iyon nakalimutan." Inihanda ng binata ang itak.

Itinaas sa ere at malakas na pinatama sa pinakagitnang bahagi ng ulo. Halos hindi makapaglabas ng tinig ang tauhan habang tumutulo pa ang dugo pababa sa mukha. Hindi na nag-isip pa si Jaynoel at itinaas naman nito ang palakol.

"Damhin ninyo ang sakit ng gawaing ipinagpalit ninyo sa buhay ng iba para sa pera." At tuluyan iyong inihampas ng binata sa pagitan ng dibdib.

Maririnig pa ang natamaang mga buto. Bumagsak iyon sa lupa na wala ng buhay at dilat din ang mga mata.

"Hindi man lang ako pinagpawisan." Dinuraan pa iyon ni Jaynoel bago bitawaan ang mga pamatay na ginamit. "Ikaw na Marz. Para sa pinakahuli at matatapos na ang Death Pictorial." Itinuro pa ng binata ang huling tauhang natitira.

Tumango ang binata at nagtungo sa lamesa. Nagmamasid siya sa mga pamatay na naroon at kung ano ba ang kanyang gagamitin.
_________

IPAGPAPATULOY...

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon