CHAPTER 10

30 9 0
                                    

"MAGALING! Maayos ang aking pagkakakuha." Bigkas ni Marvelo habang tinititigan ang Camera.

Napatawa ang tatlong nagtaksil. Hinatak ni Nick at Rhaiin ang bangkay ni Jean at isinandal sa isang puno. Mayamaya'y dinukot muli ng lalaki ang Cellphone upang ipagtanong kung sino ang susunod na gagawa ng Death Pictorial. Sa ilang sandaling pakikipag-usap ay tumango ito at tinitigan si Elle na panay pa rin ang paghikbi habang nakaluhod.

"Sinabi ng Boss namin na bigyan ka ng limang minuto upang lumayo." Ngumiti si Marvelo. "Matapos ang oras ay ipapahabol kita. Takbo!" sigaw ng lalaki.

Marahang napatayo ang dalaga at hindi pa makapaniwalang pinapatakas siya ng mga ito.

"Umalis ka na Elle. Please!" iyak na sabi ni Ecaii.

Napatitig doon ang dalaga at dali-daling humakbang palayo. Nang malawa sa paningin niya ang mga kaibigan ay isang mabilis na takbo ang kanyang ginawa habang habol ang paghinga dahil sa takot at kaba.

"Kailangan kong makalayo." Pinupunasan pa nito ang luhang dumadaloy.

Sunod na tumitig ang lalaki kay Jerson. Isang hindi makakaing tingin ang iginanti ng binata rito.

"Ikaw ang susunod na sasalang!" at tatlong mga lalaking nakamaskara ang nag-alis kay Jerson sa pagkakagapos at hinawakang mabuti.

"Bakit ako? Hindi ka ba natatakot?" galit na tanong ng binata.

"Hindi. Bakit naman ako matatakot, Jerson?" itinutok nito ang hawak na baril. "Dito ka dapat matakot at sa mga nakita mo." Humalakhak ito at sinabayan nila Nick.

Napatingin doon si Jerson at hinding-hindi niya mapapatawad ang pagtataksil ni Nick sa kanila.

"Sumunod ka na lang 'tol nang yumaman din ako." Pang-iinsulto ni Nick dito.

"Wala na akong utol na nagngangalang Nick!" dumura pa ito sa harapan. "Pagsisisihan mo itong kabaliwang pinaggagawa ninyo!" at ibinalik ang tingin sa lalaki.

Ngunit hindi nagigimbal sina Marvelo at Desiree kabilang ang mga tauhan ng Death Pictorial Organization. Lumapit ng bahagya ang lalaki at itinapat nito ang dulo ng baril sa noo ng binata.

"Isang pagkakamali mo lang, hindi ka na aabutan ng bukas." Tinig nitong nananakot.

Napalunok ng laway si Jerson at kinabahan ng itutok sa kanya ang armas nito. Pero hindi niya dapat pairalin ang takot at pangamba dahil hindi niya nais pang maulit ang mga napanood kanina. Ibinabang muli ni Marvelo ang baril at lumayo ng kaunti kay Jerson.

"Hindi ko malaman kung bakit ka nasama sa kalokohan at kabaliwan nila Rhaiin at Shintaro tito at pinsan." Hindi na mapigil ang galit ni Ciejhay at gustong-gusto ng makawala sa pagkakagapos.

"Gusto mo bang malaman?" patanong ni Marvelo at lumapit sina Rhaiin at Shintaro.

                          •••FLASH BACK•••

Habang nag-uusap sina Rhaiin at Shintaro sa Cottage ay saktong naroroon sina Desiree at Marvelo kagabi.

"Ito na 'yung paraan natin para yumaman. Mabuti't napapayag natin si Nick. Si Ciejhay na lang ang hadlang." Ngingiti-ngiting sabi ni Rhaiin.

Sa labas ay nakikinig ang dalawa at sinisiguro kung ano ang tinutukoy ng mga itong pagyaman.

"Ang Death Pictorial lang pala ang solusyon sa problema natin. Sana'y na ako sa patayan kaya magiging madali ito sa atin." Napakasama ng tinig ni Shintaro.

"Ano'ng Death Pictorial ang sinasabi ninyo?" pumasok na ang dalawa sa loob ng Cottage na ikinagulat ng magkaibigan.

Nagkatinginan pa sila at nagdadalawang-isip na sagutin ang tanong ni Marvelo.

Death Pictorial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon