Bitten - Chapter 21

42 7 0
                                    

“Sandali!” Natigilan kaming lahat sa paglalakad at napalingon sa isang babae. Payat siya at marungis katulad namin. Natatandaan kong kasama siya ng grupong nandoon sa malaking bahay kanina.

“S-sasama ako sa inyo.” Napangiti si Klara saka siya nilapitan at inakbayan. Tansiya ko’y nasa kalagitnaan siya ng teen age year. Siguradong lahat kami ay nabuhayan at umaliwalas ang mukha, ibig sabihin lang no’n ay may tiwala siya sa amin.
Tahimik kaming naglakad kahit na nakakapagtakang walang pakalat kalat na rabid sa bandang ito, lalo pa at mukhang malapit na kami sa highway kung saan maraming establishment at kung ano ano pa. ‘Yon naman talaga ang balak namin. Maghanap ng makukuhanan ng pagkain.

Naalerto kami nang bahagyang mapaatras si Kulas nang papaliko na kami. Sinenyasan niya kaming umatras ng tahimik.

“May mga rabid sa bandang ‘yon pero may tindahan akong pinupuntirya.” Napabuntong hininga siya saka kami tinitigan isa-isa.

Sumilip ako at tiningnan ang lagay ng parteng tinuro ni Kulas. Napabuntong hininga ako nang makitang naipon sa gawing ‘yon ang mga rabid. Nagkalat sila. Siguradong mauubos kaming laahat kapag pinilit naming dumaan sa gitna ng sandamakmak na mga rabid na nakaabang.

“Mag-iingay ako, bilisan niyo ang pagpasok doon. Sina James na ang bahala—”

“Teka, Kulas. Wala namang ganyanan, gago." Pagtutol ni James habang halos hindi na maipinta ang mukha niya.

“Suicide ‘yang plano mo.” Dugtong pa ni Ahl saka siya naglakad para silipin kung anong meron sa kabilang kalsada. Lahat naman siguro kami ay tutol, kahit sino pa ang magvolunteer na gawin ‘yon ay hindi kami papayag.

“Iyon lang ang paraan para makakain tayo. Kasya na ‘yon sa loob ng ilang linggo.” Mahinahong paliwanag ni Kulas dahilan para mapasingap ako. Seryoso ba talaga siya sa balak niyang ‘yon? Hindi niya ba alam kung gaano kadelikado para sa kaniya ‘yon lalo na at gusto niyang gawin ‘yon nang mag-isa. Napadako ang tingin niya sa ‘kin, hindi ko alam kung anong sasabihin. Sasang-ayon ba ako?

“S-sasama na lang ako sa kaniya.” Hindi makapaniwalang nilingon ako ni Klara. Ngayon, lahat sila ay nakatingin na sa akin. Papalit-palit ang tingin nila sa ‘min ni Kulas.

“Susubukan din naming maghanap ng boundary.” Dugtong pa ni Kulas. Napabuntong hininga na lang si James kahit na bakas na bakas sa mukha niya ang pagtutol. Alam ko na kung anong plano. Mas madali kaming makakahanap ng tulong kung kakaunti lang kami. Mas ligtas din sila doon sa loob ng store.

“Sasama ako sa inyo, Ate.” Umiling-iling lang ako. Maagap namang kinarga ni Ahl si Shein na gustong sumama sa amin.

“Tara.” Nagulat pa ako nang hawakan ako ni Kulas sa kamay. Gano’n na din sila pero walang nagsalita ni isa. Sa puntong ‘yon alam kong si Kulas pa rin ang nasunod at wala silang ibang magagawa kundi ang suportahan siya, kami.
Binitawan din naman agad ni Kulas ang kamay ko saka pinulot ang latang nasa kalsada. Nilagyan niya ‘yon ng mga bato. Saka niya pinasadahan ng tingin sina James.

“H’wag niyo nang hayaang mabawasan pa kayo.” Bilin niya na tinanguan lang ni James.

“Mag-ingat din kayo.” Sagot ni James saka ako tiningnan at tipid na nginitian. Naluluha si Klara saka ako nilapitan at niyakap, hanggang sa hindi ko namalayan na halos lahat kami magkakayakap na. Hindi inda ang pawis at amoy ng bawat isa. Nag-iiyakan. Halos ayaw na ngang bitawan ni Shein ang kamay ko, kung hindi lang siya kinumbinse ni Ahl at Klara.

“Hihintayin namin kayo rito.” Nakangiting saad ni David. Mukhang ‘yon ang nagsisilbing pangako namin ni Kulas. Ang makabalik dito na may dalang tulong.

“Makakaasa kayo.” Saad ko saka sinuklian ang ngiti niya. Maya-maya lang ay sinenyasan sila ni James na pumunta sa kabilang parte ng kalsada.

“Ganito ang plano. Mag-iingay sina Kulas tapos tayo takbo lang papunta doon. Walang lilingon. Okay?” Tinuro ni James ang malaking tindahan na mukhang kumpleto na ang kakailanganin nila. Bukas ‘yon at mukhang walang rabid na nasa loob.

BittenWhere stories live. Discover now