Bitten - Chapter 25

30 7 0
                                    

“Nahanap mo ba?” Napailing ako sa tanong ni Lukas. Humahangos akong napaupo sa gilid.

“Subukan natin do’n.” Untag ko saka kami nagpunta sa covered court kung saan maraming mga taong nakatambay. Malaki ang chance na makita namin siya ro’n. Naikot na yata namin buong court pero wala talaga, hindi namin siya makita kaya nagpasya na lang ulit kaming maglibot sa labas.

Tirik na tirik ang araw pero heto kami at nag-iikot-ikot sa kabuuan ng kampo para hanapin ‘yong lalaki. Hindi ako pinatulog no;n ng dalawang araw. Lalo lang akong napaisip sa misteryong nangyayari sa mga pulis. Kung kalaban ba namin sila o kakampi. Ang gulo na. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan. Hangga’t maaari, ayokong mag-isip ng mga masasamang bagay na posibleng mangyari. Ligtas kami rito e pero pakiramdam ko may mali. Lalo lang lumakas ang kutob ko no’ng nakita namin ang lalaking ‘yon. Parang tama lahat ng hinala ko. Na hindi kami totoong ligtas dito.

“Baka nakaalis na siya rito.” Humahangos ding saad ni Lukas saka ako tinabihan.

“Hindi pa. Mahigpit ang mga bantay.” Saka ko tinuro ang mga nakapalibot na mga sundalo. Ni hindi nga yata kami makakalabas dito kung hindi dahil sa kanila.

Hindi ko maiwasang isipin ang mga mangyayari sa amin dito sa mga sunod na araw. Paano ang pagkain? Habang buhay na lang ba kaming nakakulong dito? Habang buhay pagtitiisan ang mga pagpaparinig ng mga sundalo at pulis?

“Sinong hinahanap niyo?” Napalingon kami pareho kay James.

“Ah wala.” Sagot ko saka nagkunwaring ineenjoy ang panonood sa mga taong paroon at parito.

Tinaasan niya lang kami ng kilay. Hindi siya kumbinsido. Alam ko naman pinagsususpetyahan kami nina James. Ramdam ko ang mga mata nilang nakamasid sa ‘min ni Lukas. Ayaw naman naming sabihin sa kanila ‘yong tungkol doon lalo na at kutob lang ang meron kami. Gusto muna naming makasiguro at mahanap ang lalaking ‘yon.

“Palabasin niyo ‘ko!” Naalerto yata ang tainga ko nang marinig ‘yon. Alam ko ang boses na ‘yon. Siya ‘yon. Napatayo agad kami ni Lukas saka iginala ang paningin sa buong paligid.

“Doon!” Aniya saka tinuro ang isang lalaking pinipigilan ng mga sundalo. Mukhang mayroong kumosyong nangyayari sa may entrance.

“Sandali!” Nahawakan ako ni James sa braso bago pa man ako makatakbo kaya wala akong pagpipilian kundi ang harapin siya. “Sa’n kayo pupunta?”

“Magpapaliwanag kami mamaya. Sa ngayon may kailangan kaming puntahan.” Inalis ko na ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napalingon ako kay Lukas at Nakita siyang naghihintay sa akin. Pahakbang n asana ako ulit kung hindi lang ako nahawakan ni James sa pulsuhan.

“Bakit?” Tanong ko. Titig na titig lang siya sa akin saka bumaba ang hawak sa mismong kamay ko. “James?” Nagtatakang tawag ko sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin saka ako binitawan.

Natauhan lang ako nang muling marinig ang sigaw no’ng lalaki. Tumakbo ako at nilapitan si Lukas saka kami sabay na nagtungo sa kumosyon. Naabutan namin ang lalaking nagpupumiglas sa kamay ng mga sundalo. Nagpupumilit siyang lumabas at ayaw siyang payagan ng mga bantay. Tama nga ako. Balak nila kaming ikulong sa apat na sulok ng kampong ‘to. Hindi para protektahan kami sa mga rabid. May mas malalim silang dahilan. Mas mabaho at nakakasulasok na rason.

“Kasama po namin siya.” Mahinahong saad ko kaya naagaw namin ang atensyon ng mga sundalo. Nagkatinginan naman sila saka binitawan ang lalaki.

“Bumalik na kayo sa mga tent niyo. Bawal kayong lumabas.” Maotoridad na sabi no’ng isa saka malakas na itinulak ang lalaki. Agad naman namin siyang dinulugan ni James, na nakasunod pala sa amin.

BittenWhere stories live. Discover now