Bitten - Chapter 22

34 6 1
                                    

“Naririnig mo ba ‘yon?” Pareho kaming naalerto ni Kulas nang marinig ang sunod sunod na tunog ng makina ng sasakyan. Base sa tunog niyon, mukhang malalaking vehicle ‘yon, truck o kaya mga bus. Binuksan ni Kulas ang maliit na bintana pero wala kaming nasilip.

Napalingon ako kina Aling Cecil at sa anak niya. Mukhang takot na takot na sila sa mga ganoong tunog. Sino ba namang hindi matatakot kung bala ng baril ang maaaring tumapos sa buhay mo at hindi ang kagat ng mga rabid. Sinenyasan kami ni Kulas na manahimik na lang. Mukhang nag-iikot ang mga 'yon sa mga kabahayan.

“Shit.” Hinarap kami ni Kulas nang makarinig kami ng mga kalabog sa kabilang bahay. Dahil isa yata itong apartment, pader lang ang pagitan.

“Magtago tayo.” Aniya saka kami iginiya sa loob ng kwarto. Agad kaming nagtago nina Aling Cecil sa ilalim ng kama. Samantalang nagtago si Kulas sa likod ng pintuang nakabukas.

Sigurado akong ginagawa nila ‘to hindi para iligtas ang mga tao. Kundi para siguraduhing patay kami sa hindi ko malamang dahilan. Rinig ko ang malalakas na kabog ng dibdib ko kasabay ng biglang pagbukas ng pinto sa sala. Nahigit ko yata ang paghinga ko habang pinapakiramdaman ang mga yabag ng sapatos nila sa sahig. May isang pumasok sa kwarto, paa niya lang ang tanging nakikita ko.

“Wala rito!” Sigaw niya. Maya-maya pa’y nakarinig ulit ako ng mga yabag ng sapatos. Naghintay kami ng ilang minuto bago ‘yon nawala at napalitan ng katahimikan. Mukhang nasa kabilang bahay na sila. Sinenyasan kami ni Kulas na manatili muna doon ng tahimik. Takot na takot ako. Kahit pa narinig ko na ang pag-andar paalis ng mga sasakyan nila, hindi pa rin maalis ang takot sa dibdib ko.

Paano kung nasilip nila kami sa ilalim ng kama? Paano kung mas pinag-igihan nila ang paghahanap?

“Shanaya.” Dalawang kamay ang humila sa akin paalis sa ilalim ng kama. Bumungad sa ‘kin ang nag-aalalang mukha ni Kulas. Mukhang kanina pa sila nakaalis sa pinagtataguan nila at ako na lang ang nasa ilalim ng kama.

“Wala na sila, okay? Kumalma ka na.” Mahinahong saad niya saka ako inalalayang maupo sa kama.
“Ano bang problema ng mga pulis na ‘yon.” Napapailing na niyakap ni Aling Cecil ang anak niya na takot na takot din dahil sa nangyari. Hindi na ako magtataka kung magkakaroon ng trauma ang mga batang gaya niya na naipit sa ganitong sitwasyon.

“Sina James.” Nag-aalalang sambit ko. Napabuntong hininga lang si Kulas.

“Ligtas sila.” Mukhang pati siya ay nahihirapang kumbinsihen ang sariling ligtas nga ang mga kaibigan namin.

“Kailangan na nating kumilos.” Bitbit ang mga sarili namin, nagpasya kaming lumabas sa bahay na pinagtaguan din namin ng ilang araw. Wala naman kaming biscuit na madadala man lang sa kadahilanang walang laman ang mga cabinet sa bahay.

Tirik na tirik na ang araw pero heto kami at naglalakad sa kalagitnaan ng kalsada. Ngayon, napagtanto kong kaya sobrang tahimik dito dahil sa kagagawan ng mga pulis at sundalo. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa kanila dahil walang mga rabid na pakalat kalat o dapat akong mangamba dahil rabid man o taong hindi infected, pinapatay nila.

Ingat na ingat kami sa bawat hakbang na ginagawa. Takot na magdulot ‘yon ng ingay at makaattract ng mga rabid na nagtatago sa mga sulok.

Ilang araw kaming naglakad na walang kain, walang tulog. Nagkasya na kami sa paminsan-minsang pamamahinga sa mga lugar na tingin namin ay ligtas. Tuyot na tuyot na ang lalamunan at ang labi ko. Pakiramdam ko, mauubusan na ako ng tubig sa katawan. Ilang araw nga ba kaming naglakad? Dalawa? Tatlo? Apat? Hindi ko na alam.

“Shanaya!” Siguro dahil sa panghihina, gutom at pagod, natumba ulit ako sa kalsada. Hilong-hilo na ako. Agad akong sinaklolohan ni Kulas. Nakatingala lang ako habang nakatingin sa nakakasilaw na araw at langit. Gusto ko ng magpahinga.

BittenWhere stories live. Discover now