Epilogue

113 12 5
                                    

Hello! This is the last chapter of Bitten. Thank you for supporting Lukas and Shanaya's story until the end. Thank you for the patience.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Tumigil ang bus na sinasakyan namin nang makita ang Arko na nagsasabing papasok na kami sa Probinsya ng Pangasinan. Sarado ang arko. May mga mahahaba at malalaking kahoy na nakaharang sa daan. Gabi na kaya naman wala kaming ibang makita sa labas ng bus. Tanging ang ilaw mula sa bus ang nagsisilbing liwanag namin.

“Nandito na tayo.”

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung papapasukin ba kami. Nag-eecho sa utak ko ‘yong sinabi ng sundalo na hindi nila kami papapasukin. Naitakip ko ang braso sa mga mata dahil sa sobrang liwanag. Nakakasilaw ‘yon kaya kinailangan naming mag-iwas ng tingin. Nang mag-adjust ang paningin ko sa liwanag, nakita ko ang sobrang daming sundalo na nakaabang sa kabilang bahagi ng arko. May mga hawak silang baril at lahat ‘yon ay nakatutok pa sa bus na sinasakyan namin. Mas natakot ako nang makitang may kanyon pa silang dala.

“Bababa tayo nang nakataas ang mga kamay.” Saad ni Lukas na nasa tabi ko. Tumango naman kami at sinundan siya.

Sobrang tahimik. Mga yabag lang ng paa namin ang maririnig sa kapaligiran. Nakatutok ang mga baril nila sa amin. Kinakabahan ako. Pagkatapos kasi ng mga nangyari sa amin, nawalan na ako ng tiwala sa mga sundalo at pulis. Bakas sa mukha ng mga kasama ko ang takot pero sinunod naman nila ang bilin ni Lukas. Maging ang mga sakay sa kabilang bus ay ganoon din ang ginawa sa amin. Nakita ko si Shein na nakakapit sa damit ni Mama.

Apat na sundalo ang lumapit sa amin, saka ko lang napansing iba ang uniform nila sa mga sundalong pumapatay ng mga tao at rabid.

Nakitang kong dinukot ng isa ang walkie talkie niya bago nagsalita roon. “Ichecheck po namin. Over.” Aniya saka kami binalingan.

Hinayaan lang namin silang suriin kaming lahat. Mukha namang kumbinsido na silang lahat na wala kaming mga kagat. Sinenyasan niya ang isang sundalo kaya tumango ‘yon.

“Sumunod kayo sa ‘kin.”

“Pa...papatayin niyo rin ba kami?” Tanong ng isa naming kasama.

“Hindi.” Nginitian kami ng isang sundalo. “Ligtas na kayo rito.”

“Paano ‘yong sinabi sa amin? Na balak ni Mr. President na bawasan ang populasyon gamit ang virus?” Tanong ko kaya ako naman ang nilingon niya.

“Tinutulan ‘yon ni Vice President at ng iba pa sa Senado, kaya ligtas na kayo rito.”

Sa sinabi niyang ‘yon, napaiyak ang mga kasamahan namin. Ang iba ay nagsiyakapan. Parang wala na silang pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga sundalo. Masaya kaming lahat.

“Mama!” Patakbo kong nilapitan si Mama saka siya niyakap nang mahigpit. “Ligtas na tayo, Shein, Mama.” Saad ko habang yakap silang dalawa.

“Alam ko, anak.” Nakangiti pero umiiyak na sagot ni Mama.

Kabaliktaran ng nararamdaman ko noong una kaming dinala sa safe zone kuno, wala akong nararamdamang takot at pangamba ngayon. Napupuno ang puso ko ng kagalakan. Ang saya ko! Pinapasok nila kami sa loob ng arko at pinasakay sa bus. This time, magkakasama na kaming magkakaibigan sa loob ng isang bus.

“Ligtas na tayo, Shanaya!” Sigaw ni Klara saka ako dinamba ng yakap. Namalayan ko na lang na nakikiyakap na rin sina David hanggang sa hindi na halos ako makahinga.

“Worth it lahat ng pagod.”  Saad ni James habang nakangiti siya.

Halos ayaw naming bumitaw ni Klara sa isa’t isa, natigil lang 'yon dahil aandar na ang bus na sinasakyan namin. Anila’y dadalhin nila kami sa lugar kung saan makakapagsimula kami ng bagong buhay. At hindi nga nila kami binigo.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon. Mga maayos na establishment, may hospital at kung ano-ano pa. Sa pagkakaalam ko’y dadalhin nila kami sa project na pinagawa ng gobyerno ilang buwan ang nakakalipas. Hilerang bahay na mukhang classroom ang mga ‘yon. Pakiramdam ko tuloy survivors kami sa bagyo. Doon daw kami pansamantalang mananatili habang hindi pa nauubos ang mga rabid.

Patuloy pala ang buhay rito. Hindi naantala ang klase at trabaho. Sa amin lang talaga natigil, sa lugar namin kung saan kami naipit sa pinaka worst na sitwasyon.

“Dito, makakapagsimula kayo ng bagong buhay.” Nakangiting sabi ng taong nag-aassist sa aming mga bagong dating.

Napangiti rin ako. Sa wakas, makakapagsimula ulit kaming lahat.

“Masaya ka ba?” Napalingon ako kay Lukas na nasa tabi ko na pala.

“Hmm. Sobra.” Sagot ko saka siya nakangiting nilingon. “Ikaw ba?” Tumango lang siya bilang sagot. Apat na araw ang lumipas simula nang mapunta kami rito. Totoo namang binigyan nila kami ng bagong buhay. Binigyan nila ng mga bagong trabaho ang mga dating nawalan ng trabaho habang nagpatuloy sa pag-aaral ang mga batang tulad nina Shein at Cara.

Nacontact na rin ni Lukas si Ate Myra at nalaman niyang, nakabalik pala ito sa America bago pa man magsimula ang virus. Kaya alam kong magaan na ang pakiramdam niya. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari magmula no’ng araw na papasok ako sa skwelahan pero kumalat ang virus. Ang pagligtas sa akin ni James. Si Jim at si Math at ang iba pa naming kasamahan na nawala sa amin.

Sinong mag-aakalang may pag-asa pa pala kami. Akala ko talaga, rabid ang totoong kalaban namin. Kagaya sa mga pelikulang napapanood. Kung saan apocalypse ang matinding kalaban. Sino namang mag-aakalang mas nakakatakot kalaban ang mga tao. Siguro tama nga ‘yong kasabihang, “Mas matakot ka sa buhay, kaysa sa patay.”

“Tara.” Napaangat ako ng tingin at natigilan sa pagbabalik tanaw. Nakatayo na si Lukas at nakalahad ng kamay.

“Saan?”

“Basta.” Untag niya. Tinanggap ko rin naman ang alok niya.

“Sabi nina James, kinukwento mo raw ako sa kanila. Anong klaseng kwento naman?” Tanong ko kaya bahagya siyang natawa. Napailing-iling siya. Mukhang ayaw niya talagang magsalita kung anong mga kinukwento niya at bakit.

Bigla ko tuloy naalala ‘yong mga panahong naiinis siya sa akin dahil daw tanga ako at iyakin. Akala ko talaga si Lukas ‘yong tipo ng taong hindi marunong ngumiti at palaging galit. Hindi naman pala siya ganoon. Idagdag pang, siya pala ‘yong kalaro ko noong mga bata pa kami.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napangiti ako. Sabay kaming naglalakad habang magkahawak ang mga kamay. Napatingin ako sa kaniya habang naglalakad. Mabuti na lang at may mga taong kagaya niya, nina James. Mga taong handang tumulong sa gitna ng sakuna. Mga taong maaasahan at hindi makasarili.

Sa puntong ‘to, narealize kong hindi rabid ang nakakagat sa amin.

We were bitten, not literally.

We were bitten. Hindi ng mga rabid, kundi ng mga tao.

At tingin ko, ‘yon ang pinakamasaklap na naranasan naming lahat.

*end*

Story finished: 07/09/20

BittenWhere stories live. Discover now