Bitten - Chapter 6

85 14 2
                                    

Nang makalabas kami sa kwartong iyon ay isang pasilyo ang sumalubong sa ‘kin. Masikip at marumi. Ngunit may mga ilaw na sapat lang para magbigay liwanag.

Mabagal ang paghakbang ko habang palipat lipat ang paningin sa kung saang parte ako makarinig ng kaluskos.

Nagitla ako nang isang mabangis na hayop ang kumalampag sa isang bakal na pintuan. Nakakadena ito ngunit bakas sa kilos nito ang kagustuhang makawala. Napaatras ako sa kabilang bahagi ngunit agad ding napaalis doon nang may kumalampag na naman doon.

“Tahimik!” Sigaw ng lalaki na nagpagulat sa akin lalo.

Tila maamong aso na nagsibalik sa kulungan nila ang kung anong kumakalampag doon. Napagtanto kong, hindi na sila normal na tao. Infected na sila na ikinadena. Hindi ko mapigilang hindi matakot sa lalaking naglalakad sa unahan ko. Paano nila nagawang ikadena at ikulong ang mga ulol na iyon. Mababangis sila ngunit...

“Aww...”

Nauntog ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Pagtingala ko ay agad bumungad sa akin ang likod niya. Malapad na likod na pawis na pawis. Napaatras ako nang agad itong lumingon sa akin. Ngumiti siya pero, hindi ko ma-appreciate na ngiti iyon nagmistulan lamang itong isang nakakakilabot na ngisi.

Tumigil kami sa isang kwarto. Maliwanag pero marumi. May isang mahabang mesa at may kung anong bagay ro’n na naging dahilan para bumaliktad ang sikmura ko. Gustuhin ko mang magtakip ng bibig ay hindi ko magawa, sa kadahilanang nakatali pa rin ang magkabilang kamay ko.

Sa ibabaw ng mesa ay nagkalat ang mga lamang loob. Nakakadiri. Sa harap nito ay mayroong lalaking nakatayo at naghihiwa ng kung ano mula ro’n. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko ginawa. Tinibayan ko ang sikmura ko at pilit iniintindi kung anong ginagawa niya. Naduwal na talaga ako nang isubo nito ang mamula pula pang laman na hindi ko alam kung ano!

Napaupo ako at napayuko sa sahig dahil sa pagsusuka. Tumingin sa akin ang lalaking tinatawag nilang Boss kaya natakot ako kung anong gagawin niya sa ‘kin. Sasaktan niya ba ako? Dahil nasuka ako at nadumihan ang dating marumi nilang sahig?

“Okay ka lang ba?” Tanong nito sa ‘kin na hindi ko sinagot.

“Tangina! Hoy! Lumabas ka nga ditong gago ka!” Dugtong niya pa na napakalakas kung kaya’t natakot ang lalaking nasa mesa at nagtatakbo. Sinundan ko ng tingin ang pintuan kung saan siya lumabas.

“Tawagin mo akong, Jose.” Wika niya at pinaupo ako sa isang silya na tingin ko ay malapit nang bumigay. Pumunta siya sa isang mesa na nakalagay sa dulo. Maraming pakete doon na kulay puti. No’ng una ay inisip ko kung ano ito. Hanggang sa magsink in sa ‘kin na, drugs. Illegal drugs. Ang dami! At hindi ko alam kung saan nila nakuha iyon.

Iniiwas ko ang tingin doon at nagkunwaring nakatingin sa paligid nang lumingon ito at abutan ako ng tubig. Hindi ko kinuha ang tubig at umiling iling lamang.
***

Lumipas ang ilang minuto na nakaupo lamang ako dito habang nakatitig sa sahig. Nakatali pa rin ang kamay ko at sa harap ko ay nakaupo siya. Ang Boss nila na Jose ang pangalan. Kanina pa siya nakatitig sa akin at hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos at hindi niya ako pinababayaan.

“Uhh. N-naiihi a-ako.” Bulong ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“Ano ‘yon?” Batid kong nakangiti na naman siya sa ‘kin bagay na lalo kong ikinatakot ng sobra.

“Naiihi po ako.” Mas malakas na sabi ko. Narinig ko ang tunog ng yabag ng paa niya palapit sa akin. Nakangisi siyang humawak sa braso ko bago ako iginiya sa pinto! Ang pinto kung saan lumabas ang isa sa mga adik na alagad niya.

Hindi ko pinahalatang na-excite ako sa paglabas sa pintong iyon. Nanatili akong tahimik at nakasunod sa kaniya. Nagpapasalamat akong binitawan niya ako sa braso at naunang maglakad. Nakalabas nga kami. Nasa isa kaming luma at abandunadong warehouse. Sa kaliwa ay nakahilera ang iilang truck na sunog. Sa kanan ay naka imbak ang mga naglalakihan at kinakalawang na mga drum. Doon kami tumungo at tumigil.

BittenWhere stories live. Discover now