Chapter 8.1: Jeremy's Side

483 17 4
                                    

JEREMY'S POV

"Hi, Jeremy." biglang bati sakin nitong wierdie girl.. I mean si Sarah

"Hello." Walang gana kong sabi.

Nandito ako ngayon sa park. Nagmumuni-muni. Inaalala ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan,paano, at kanino ko naramdaman ang first love ko. And at the same time,my first heartbreak.

Kaso,bigla namang dumating itong babae na ito. Ayan tuloy,nawala ako sa pag-iisip!

"Umm.K-kamusta ka na?" mukha ba akong okay,ha?! Pagkatapos mo kong istorbohin sa pagdradrama ko? Haiixtt. Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong si Xander,hindi ako magtitiis sa babaeng ito!! Bakit ba kasi siya pa yung nagustuhan ni Xander? Eh ang dami dami dyan!

Pero syempre,kahit ayoko talaga makipag-usap dito,kailangan eh! Para hindi ako mahalata!

"Okay lang! Ikaw,kamusta ka na?" Sabi ko ng masaya! Of course,acting ko lang yun!

"Ah..o-okay l-lang din." wala akong paki!

Oh well,akala ko naman kung ano ang sadya ng babaeng ito! Yun pala tinatanong lang kung bakit ako nakipag-kaibigan sa kanya! Sus! Kung alam lang niya na ayaw na ayaw ko talaga sa kanya!

Pero siyempre sinabi ko na lang na kasi wala siyang masyadong kaibigan kaya ko ginawa yun. And after nun,nagpaalam na ako sa kanya at umalis na dun  pero hindi ako umalis ng park,lumipat lang ako ng side,yung malayo sa kanya. Gusto ko lang kasi talagang mag-isip isip.

Umupo na ako dito sa swing at inalala ko na naman ang babaeng yun! Kainis! Bakit ba hanggang ngayon siya pa rin? Bakit ba hindi ko siya magawang alisin dito sa puso ko at maghanap na lang ng iba??  Bakit siya?? Bakit siya pa?? 6 years na ang nakalipas pero bakit ba kasi siya pa rin?? Lecheng puso naman ang meron ako! Nagbubulag-bulagan! Ang dami-daming iba dyan eh!

Sa totoo lang,bata pa ako ng makilala ko siya! Ng mainlove ako sa kanya. Ang akala nga ng lahat dito sa campus,eh si Amber ang dahilan ng pagiging heartbroken ko ngayon. Si Amber, isa sa pinakamagandang babae at pinaka-sikat dito sa campus. Niligawan ko siya. Pero hindi ko siya minaha. Hindi ko siya nagawang mahalin. Panakip-butas ko lang siya. Oo. Panakip-butas.

Panakip-butas ko lang siya dahil umaasa ako na baka makalimutan ko ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Pero hindi ko siya nakalimutan. Hindi rin naman ako nagsisi na ginawa kong panakip-butas si Amber dahil pinagpustahan lang din naman pala niya ako. Inamin niya sakin ang lahat. At siyempre, inamin ko rin naman sa kanya. Kaya wala rin namang nasaktan. Wla rin namang nakasakit.

Ang swerte nga ni Amber eh! Kasi siya,may boyfriend na. May lovelife na siya. Masaya na rin siya. Samantalang ako,eto. Wala. Nasasaktan pa rin.Kasi naman si Ara eh! Bakit ba niya kami iniwan ni Red?? Sabi niya babalik siya. Pero bakit wala siya?? Bakit??

Oo. Ara. Si Ara. Si Ara ang first love ko. Bakit ganun?? Bakit niya ako sinaktan. Ang sakit kaya na ang bestfriend mo,hindi man lang sinabi sayo na aalis siya. Si Ara,ang pinaka-unang babaeng naging bestfriend ko. Isang araw,bigla na lang ako sinabihan ni Red na umalis na daw si Ara. Kinuha na daw sila ng tita niya. At nagtaka rin ako kung bakit hindi niya sinabi sakin. Hindi man lang siya nagpaalam. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko na siya kahit mga bata pa lang kami nun. Tanging si Red lang ang nakaka-alam na may gusto ako kay Ara. Natatakot kasi akong sabihin kay Ara eh! Naman kasi! Ang bata ko pa nun para maramdaman ang LOVE LOVE na yan. At ang bata ko pa din para sa HEARTBROKEN thingy na yan. Ara naman kasi eh! Kakaiba ka ah!

FLASHBACK!

5 months na rin ang nakalipas simula ng makilala ko sina Red at si Ara. Naging close talaga kaming tatlo. Naging magkakaibigan din yung mga magulang namin. Haha! Astig nga eh! Buti na lang at mababait yung mga parents namin kasi tinutulungan nila yung family ni Ara. Nakapag-trabaho na rin yung mama at papa niya ng maayos. At dun din sa kompanya namin. Kaya nga lagi kaming nagkikita eh! Naging magkakaklase rin kaming tatlo sa isang private school. Pero libre na si Ara. Kami kasi may-ari ng school na yun eh! Pero for elementary lang yun.

"Uy! Andyan na pala kayo!"

"UY! Ang gwapo mo ngayon Jem ah! Haha! Baka mainlove sayo niyan si Ara."sabay siko ni Red kay Ara.

"Red! Ano ka ba? Pinapunta mo ba ako dito  para asarin? Aalis na nga lang ako.-" sabay lingon ni Ara sa mama niya.

"Mama,Papa,alis na po tayo dito. Ayoko dito. Inaasar naman nila ako eh!" sabay pout ni Ara. Haha! Ang cute niya!

"Naku anak,hindi pwede. Kailangan nandito tayo kasi 25 celebration ito ng company ng parents nila Jeremy. Kaya diyan ka lang ah?! Makipag-laro ka na lang sa kanila Jeremy at Xander. Okay?! Sige,pasok lang kami sa loob." At umalis na ang parents ni Ara. Si Ara naman,nag-pout ulit! HAHA!

"Yan! Hindi ka daw pwede umuwi. Wawa naman si Ara. Ayaw mo lang kasi makita si Jem eh! Kasi kinikilig ka. Namumula ka. HAha." Tiningnan lang kami ni Ara ng masama. Haay naku. Pagbigyan niyo na kaming tatlo. Mga bata pa kami eh,kaya asaran lang ng asaran. HAHAH!!

"Hala! Iiyak na yan si Ara. Iiyak na yan!" pang-aasar ni Red. Naku! Tama na yan Red. Pikon pa naman yan si Ara.

"Uy! Red,tama na nga yan." sabi ko. Tapos bigla akong tiningnan ni Ara ng masama. UH-OH!! Galit na siya!

Tapos biglang umalis si Ara. Naku lagot talaga itong si Red sakin. Ayaw na ayaw ko pa namang ginaganyan si Ara. Ang ganda-ganda pa naman niya ngayon sa suot niyang dress tapos..--grr.. Humanda talaga yang si Red.

"Uy! Sundan mo na yung crush mo. Baka kailangan ka nun. Haha!" bulong sakin ni Red.

"Crush mo rin naman yang si Ara eh! Lagot ka talaga sakin Red. Bakit mo ginaganyan crush mo ah?" Opo. Crush naming dalawa si Ara. Hehe! Nagcocontest pa nga kami niyan pagdating kay Ara eh!

Sinundan na namin si Ara. At nakita namin siya doon sa may park at nakaupo asa swing.Malungkot. First time ko lang siyang nakitang malungkot.

"Humanda ka talaga sakin RED!"

"Uy! Wala namang ganyanan! Tara na nga! Magsosorry na nga ako eh!"

"Siguraduhin mo lang kundi..alam mo na."

"Oo na! For my PRINCESS. Magpapakumbaba na ang kanyang PRINCE. PRINCE RED."

"Che! Ako ang prince niya!"

at pinuntahan na namin si Ara. Umupo kami sa tabi niya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Ay! KAmi pala! Hala! Galit nga! Ohmy! Uhttokhae? (What should I do?)

Mr. Sungit meets Ms. Clumsy (Milky Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon