Chapter 11: Grocery

464 17 2
                                    

Chapter 11: Grocery

 

 Sarah’s POV

 

 

Andito kami ngayon ni Jeremy sa SM Megamall at nag-g-grocery ng mga ingredients na gagamitin namin para sa project sa cooking class namin which is about desserts.

At syempre,dahil nga si Jeremy ang kasama ko ngayon at dalawa lang kaming nag-g-grocery,badtrip ako! Ang sungit sungit kasi talaga nitong lalaking ito eh. Parang pinagsakluban ng langit at lupa young mukha. Haixt.

Masaya naman ako this past few days dahil nga lagi kong kasama ang new friends ko na walang iba kundi ang mga P5. Pero may revelation din akong nalaman na inaamin kong ikinalungkot ko talaga.

FLASHBACK

 

Papunta na ako sa gate at uuwi na dahil uwian na namin. Pero habang naglalakad ako,narinig ko ang boses nila Xander at Jeremy na parang nag-tatalo? Sinubukan kong hanapin kung nasaan sila at nakita ko nga silang nandoon sa P5 Room at hindi nga ako nagkamali,nag-tatalo nga ang dalawa. Hindi ko na lang sana sila papansinin dahil inisip kong baka may hindi lang sila napag-unawaan pero napatigil ako sa narinig ko.

“Xander,sinabi ko na nga sayo na ayaw ko ng makipag-kaibigan sa nerd at weird na babaeng yun. Atsaka,pumayag lang naman ako sa gusto mong ipagawa sa akin na kaibiganin yung babaeng yun para mapalapit ka sa kanya,kahit hindi ko alam kung paano ka mapapalapit sa kanya kung kakaibiganin ko siya,dahil nga sabi mo ay may gusto ka dun sa weird na yun. Kaya pwede ba? Ayoko na! Mukhang malapit na rin naman kayo sa isa’t-isa eh. Nakita ko nga kayong lagging magkasama sa park. Siguro tapos na ang trabaho ko. Sige,aalis na ako.”

 

“Wait lang naman,Jeremy! Pw----”

 

“Ah,basta! Ayoko na! Atsaka,bakit kasi yung weird at nerd na babaeng yun pa ang nagustuhan mo? Eh ang dami-daming babaeng magaganda at sexy kesa sa Sarah na yun noh! Nag-iiba ka na Xander! Iba na yung taste mo pagdating sa mga babae. Ang baduy mo. Tss.” Sabay walkout ni Jeremy pagkatapos niyang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon. At dumiretso sa pinto,pero napahinto siya ng makita niya ako sa harap ng room nila. Malamang nalaman na niya na narinig ko kung ano ang mga pinagsasasabi niya tungkol sa akin.

“Siguro alam mo na ngayon kung bakit kita kinaibigan? Well,sinasabi ko sayo,acting lang yun! Hindi yun totoo. Masyado ka kasing tanga. Makikipag-kaibigan ka kaagad sa taong hindi mo naman kilala. Tss.” Sabay talikod sakin at umalis.

Si Red naman ang lumabas ng classroom at nabigla siya kung bakit ako nandoon.

“S-sarah? B-bakit ka nandito?”

 

“Yan ba talaga ang gusto mong itanong sa’kin Red? O,ang katanungan kung narinig ko ba ang pinag-usapan niyo ni Jeremy?”

Mr. Sungit meets Ms. Clumsy (Milky Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon