Chapter 8.2: Jeremy's Side

456 19 9
                                    

~ FLASHBACK CONTINUATION ~

JEREMY's POV

 

 

"Uy Ara! Mamansin ka naman." sabi ni Red kay Ara. Pero still,hindi pa rin siya pinapansin ni Ara.

 

 

"Uy! Ito naman masyadong pikon. Sige na! Uy! Ililibre kita ng ice cream." Bigla namang nagningning ang mga mata ni Ara. Haha! Basta ice cream eh!

 

"I-ice cream? sige ba! Bilhan mo muna ako." Sabi ni Ara kay Red habang naka-pout! Tsk! Kahit kailan talaga itong babaeng ito ang cute kapag nagpa-pout!

 

"Oo na!" Sabi ni Red kay ara sabay lingon sakin at abot ng pera niya. T-teka,wag niyang sabihing---

 

"O,Jem. Bilhan mo muna kaming dalawa ni Ara ng ice cream. Bilis." Utos niya sakin. Sabi na nga ba eh! Naku alam ko ang ganyang mga style! Gusto lang niyan maka-points kay Ara! At siyempre,hindi ko hahayaang mangyari yun noh! Pero hindi ibig sabihin nun na tatanggihan ko na yung utos sakin ni Red. Para rin naman ito kay Ara dahil gusto niya ng ice cream eh,so bibili na lang ako but in one condition.

 

"H-huh? A-ako?" tanong ko.

 

"Ay hindi! Baka may iba pang Jem dito." Hindi rin naman siya pilosopo ano? Tumawa naman si Ara dahil sa kapilosopohan nitong si Red. Haay! Ang sarap pakingggan ng mga tawa ni Ara!

 

"Oo na! sige na! Basta meron din ako!?" Pagrereklamo ko! Aba syempre,ako ang bumili pero sila kakain lang? No way!

 

"Oo na! Bilis! Nagugutom na kami ni Ara!" As if namang nakakabusog yung ice cream! Tss. Binilisan ko na ang takbo ko at naghanap sa kanto ng nagtitinda ng ice cream. Yan kasi yung gusto naming tatlo eh! Si Ara nagturo saming kumain ng ice cream na nilalako at nung nasarapan kami,inulit ulit na namin ni Red! Hhahaha! Ignorante lang kaming masyado.

Naglibot-libot ako sa daan pero wala namang naglalako ng ice cream. Lumabas ako ng compound para makahanap pero wala pa rin. Aish! Naku panigurado nakaka-points na yun si Red.

Tumakbo ako para mas mabilis makahanap at Viola! May nakita rin ako kaya agad akong pumunta doon at bumili ng tstlong ice cream. Wag na kayong magtaka kung paano ko dinala ang tatlong baso ng ice cream gamit lamang ang dalawa kong kamay. Diskarte lang yan! Yung dalawa hawak hawak ko at yung isa naman kagat kagat ko yung baso! O diba,astig? Hahaha!

Pumunta na ako at pagbalik ko,nag-uusap na ang dalawa! Naku hindi pwede yan! Hinding hindi. Agad akong humarang sa pag-uusap nila!

 

"Sir,Madame. Eto na po yung ice cream na pinapa-bili niyo! (sarcastic) "

 

 

"Thank You! You may go now." Calm na sabi ni Red. Binatukan ko nga.

Mr. Sungit meets Ms. Clumsy (Milky Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon