sls 1

1.1K 26 0
                                    

"Wala na bang bago?" I asked—massaging my forehead.

High school pa lang ako, pero tumutulong na ako sa resto bar namin. Wala rin naman akong ginagawa, so might as well help them.

"Sorry talaga, Astra. Wala kaming mahanap na pwedeng kumanta e. Kung hindi mahal, busy," nakatungong wika niya.

"Fine. Try again Linda. Kailangan na nating makahanap ng kapalit."

"Sorry talaga, Astra. Bakit kasi hindi na lang ikaw ang kumanta. Maganda naman boses mo," suhestiyon niya. Napailing naman ako sa sinabi niya.

As much as I wanted to help on that part, hindi ko kaya. Hindi sanay na kumanta sa harap ng maraming tao. I don't have the confidence.

"I really can't. Try ko din maghanap sa school, baka may pasok sa standards ko. I need to go now, kayo na ang bahala dito," nagmamadali kong paalam.

I checked my wristwatch again, then breath deeply, I still have time. Ayokong ma-late, hindi ko kaya.

"Sure, sana makahanap ka." Tumango ako at mabilis na kinuha ang bag ko at lumabas ng resto bar. Kokonti palang ang tao dahil masyado pang maaga. Mamaya pa dadami 'yan kapag lunch time and dinner time.

"Astra!" rinig kong sigaw. Lumingon naman ako at nakitang si Yanni pala 'yon.

She's a dear friend of mine. Simula noong nag-highschool ako siya na ang kasama ko. Magkalapit lang din kasi ang bookstore ng Mama niya sa resto bar namin kaya lalo kaming naging magkaclose.

Sa taas kasi ng resto bar namin ay may maliit na apartment—condo type. Doon ako minsan natutulog. Kila Yanni naman asa second floor ng bookstore nila ang bahay nila. Samantalang kami ay may bahay pa malapit sa resto bar.

"Nakahanap na ba kayo?" tanong niya. Umiling naman ako.

"Wala pa din e. I'm thinking of searching sa school. Baka may makita ako kahit soloist lang, pero mas okay pa din kapag banda," I pursed my lips.

"May nabalitaan akong bagong band sa school natin. Fifth Avenue ata 'yon, I heard they're good. Cover pa nga lang nagagawa nila hindi katulad ni Kuya Kent," kwento niya.

Kuya Kent is the former singer of our resto bar. Minsan sariling gawa ang mga kanta niya, na-discover siya ng isang music entertainment ngayon. As much as we want him to sing for us, mas malaking oportunidad 'yon kaya pinakawalan na namin. Kaya bigla kaming nawalan ng singer, hindi agad kami nakapaghanap ng kapalit. Papa's busy being the chef, kaya ako ang nag-ma-manage.

"Ano daw grade? Baka pwedeng makausap. Babayaran naman sila kung makakapasa sila sa standards ko."

"Tsk! Sis 'yang standards mo kasi sobrang taas, kaya wala kayong ma-hire e. Baka nga hindi pa makapasa 'yong mga 'yon sa 'yo. Ang picky mo kasi," sermon niya. I rolled my eyes.

Anong magagawa ko, hindi ko kasi talaga maramdaman 'yong emotions nila hahang kumakanta. Oo, maganda boses nila, pero hindi 'yon sapat para tumagos sa puso ang mga kinakanta nila.

"Sana magaling sila. Ang daming naghihintay sa bagong singer sa bar," wika ko at huminga ng malalim. Fifth Avenue? Hope they can satisfy me. Sana sila na ang hinahanap ko.

"Ikaw na lang kasi ang kumanta. Mag-mask ka kung ayaw mong makita ka nila. At least ma-e-enjoy muna nila ang boses mo bago kayo magpalit ng singer," suhestiyon niya.

Isa pa siya, alam naman niyang hindi ako kumakanta ng basta-basta. At saka busy ako para sa mga ganiyang bagay. I still have so many things to do, kaysa pagkanta para sa kanila, pero baka nga 'yon na ang kalabasan kapag wala talaga kaming mahanap.

I can't let Papa down, ilang taon nilang sinikap na palaguin ang resto bar. My mother died watching the resto bar grow. Hindi ko hahayaan magalit siya sa akin habang binabantayan niya ako dahil lang sa ayaw kumanta.

"Pero alam mo ba, may nasagap akong chismis tungkol sa FA."

"Flight attendant?" Naguguluhan kong tanong. She burst into laughters. Pinaghahampas niya pa ako habang tumatawa ng malakas. Napakasadista talaga ng babaeng ito. Pwede namang tumawa ng hindi nanghahampas e.

"Gaga, hindi. Fifth Avenue kasi. Ang haba masyado e," natatawa niya pa ding sagot sa tanong ko.

I mentally slapped myself. Bakit hindi ko naisip na pwede ngang acronym 'yon? Argh.

"Saan ba daw sila mahahanap? May free time ako mamaya, i can go and check them."

"Ask ko kila Isha. Sila maraming source e. Wait," kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Isha - kaibigan 'yan ni Yanni.

Ewan ko ba, pero hindi kami magkaintindihan ng isang 'yan. Baka siguro dahil magkaiba kami ng ugali. May pagka-bad girl kasi ang isang 'yan. Sinasama niya kami dati ni Yanni sa mga bar escapades niya kahit high school pa lang kami, syempre hindi ako pumayag. Resulting para hindi kami magkaayos. Hindi ko na rin naman pinansin pa - I know I did the right thing kahit na nagka-gano'n kami.

"Katabing room lang pala natin. Bakit hindi mo kilala?" nagtatakang tanong niya pagkatapos ng tawag.

"Mga kaklase nga natin hindi ko tanda 'yong iba, sila pa kaya?" irap kong tanong. Napatango na lang siya sa sinabi ko at bumulong-bulong.

Nakarating na kami sa room. Marami ng tao, pero dahil may pa seating arrangement ang adviser namin hindi na kami nahirapang maghanap ng upuan. Magkatabi kaming dalawa. Buti nga at hindi alphabetical ang seating arrangement namin. Baka sa una na naman ako napunta kung ganoon.

"Ang gwapo talaga nila Rash. Grabe, sayang hindi mo nakita, tumugtog sila kanina sa may corridor noong kokonti pa lang ang tao," napalingon ako sa likod nang marinig 'yon.

Rash? Who is he? Baka pasok 'yan sa hinahanap kong singer.

"Excuse me. Who's Rash?" pagsingit ko sa usapan nila.

"Vocal ng FA, Astra. Hindi mo pala sila kilala?" gulat niyang wika.

Ay hindi sis, kilala ko, pero trip ko magtanong sa inyo.

"Oo e," ngiti ko—pinipigilang umirap. Ang obvious naman kasi ng tanong ko.

"FA daw. Baka 'yon ang hinahanap mo," wika ni Yanni. Ngumiti ulit ako doon sa kanila at bumaling na sa pwesto ni Yanni.

"Sana nga, gwapo daw. Hays, sana talaga sila na 'yong hinahanap ko. I really need a performer at the end of this week," frustrated kong wika.

"Sana nga, sis," pagdudugtong niya sa sinabi ko.

Shining Like StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon