"Astra, okay ka lang ba? You seemed preoccupied," napatigil ako sa paglalaro sa ballpen na hawak ko. Inangat ko naman ang ulo ko dahil doon.
"Huh? Ah, sorry," I shifted on my seat, then put down the pen that I'm playing with.
"As I was saying. The sales are still manageable. Bumaba, but it is not enough to say na malaki na ang naging loss natin," napatango naman ako sa naging report niya.
Buong meeting ata nakatanga lang ako sa harap niya. Naririnig ko siya, but the words don't seem to process in my mind. Basta ang nainitindihan ko lang, ayos pa ang Argos sa ngayon.
"You may go now, Linda," pagtataboy ko sa kaniya.
Heck, I feel mentally and physically drained today. Imbis kasi na makatulog ako kagabi, mas lalo lang akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Umuwi na din pagkatapos noon si Rash. Habang ako naman ay naiwang nakanganga at hindi ma-process ang mga pinagsasabi niya.
Kinuha ko naman ang cellphone nasa harap ko at lakas ng loob na diniala ng number ni Yanni. Dahil sa nangyari kagabi, I realize na naman okay kung mag-uusap kaming dalawa. Whatever happen, then it should be okay right? Kaysa naman sa mamatay na ako sa kaiisip kung anong nangyari.
'Let's talk.'
Maiksi kong text sa kaniya. Napailing na lang ako, papayag ba siya kung gaanon ang text ko. Para namang ang demanding pakinggan e. Bahala na nga.
Halos mapatalon na ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko 'yong kinuha at binasa ang text niya sa akin.
'Sure. Park. 12 pm.'
"Huh! Maikli din ang naging sagot niya. Galit ba talaga siya?" halos sabunutan ko na ang sarili kong buhok dahil doon. Tinaas ko naman ang cellphone at tiningan ang oras. 11:50, malapit na.
Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na. Medyo malayo ang park kaya mas okay kung lalakarin ko na 'yong mula ngayong oras. Makakarating ako siguro doon bago mag-12 pm.
Pagkarating ko sa Park ay halos walang tao. Kokonti lang naman kasi talaga ang pumupunta dito. Unless, may mga practice ang mga studyante. Malapit kasi ang park sa school kaya nagiging practice area ng group projects, kapag walang bahay na available.
Katabi lang ito ng munisipyo, kaya sure na safe talaga dito dahil may nagbabantay na mga tanod. Pagpasok din sa park ay nandoon ang police station ng bayan kaya walang problema.
Ginala ko ang mata ko hanggang sa nakita ko siya malapit sa may tennis court. Nakatayo lang siya doon at nanonood sa mga naglalaro. Dahil doon ay tahimik ko lang siyang nilapitan.
"Yanni," I called her out. Lumingon naman siya sa akin. She didn't even budge to form a smile. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na ikinawala ng ngiti ko.
"Ano bang kailangan mo? May gagawin pa kami ni Tryon ngayon kaya kung pwede... pakibilisan na lang," slight pain pang through my chest because of her words.
So, something's really strange about this. Simula noong sumama siya kay Tryon nag-iba na ang ugali niya.
"Why do you hang out with him?"
"Ano naman? Gusto ko e," madiin niyang sagot sa tanong ko. Bumaon ang mga kuko ko sa aking kamay dahil doon.
Her tone... she's lying. Kilala ko si Yanni simula pa noong mga bata kami, alam ko ang bawat galaw ng bituka ng isang 'yan. Hindi niya ako maloloko.
"The truth, Yanni," madiin kong saad. Napaiwas naman siya ng tingin dahil doon.
"I feel suffocated, while I'm with you. Gusto kong lumaya sa pagiging best friend mo lang at nahanap ko 'yon habang sumasama ako kay Tryon," nakayuko niyang saad. Another pang strikes to my chest. Ganoon niya ba kaaway maging kaibigan ko?
She feel suffocated - bakit? May ginawa ba akong mali para makaramdam siya ng ganoon. Pinakayoko sa lahat ay 'yong pinagtataguan ako. Brave as it may sound, but I want the harsh truth. Mas gusto ko ang criticism, kahit anong form pa, kaysa paasahin ang sarili ko.
"Why do you need to do that? Pwede mo namang sabihin sa akin, Yanni. Best friend mo ako... I can listen... makikinig akong mabuti," halos magmakaawa na ako sa paliwanag niya.
"I just feel like that. Hindi ko alam, basta. Nagising na lang ako na, ayoko nang maging kaibigan ang isang Astra. You're very famous. Too much... for me to stay."
"Bakit kailangang pakialam mo pa sila? Ano naman kung kilala ako? Mas matagal kitang nakilaka kumpara sa kanila," umiling naman siya sa sinabi ko.
"No, Astra. Hindi mo kasi naiintindihan e. I'm mentally and physically drained in being your friend. Hindi naman ikaw ang problema e. It's... just that, hindi ko na kayang magpatuloy pa. Masisiraan na ako ng bait, tuwing kasama kita," naiiyak niyang paliwanag.
Mabilis ko namang hinawakan ang dalawa niyang balikat at seryong tinitigana ang mga mata niya. Mabagal pa din siyang umiiling.
"Alam mo naman ikaw lang ang kaibigan ko 'di ba?"
"You have the whole FA besides you, Astra. Hindi ka nila iiwan," iling niya sa sinabi ko kanina.
"No, Yanni. Iba ang FA at iba ka. Mas kaya kong mawala sila sa tabi ko kaysa ikaw ang mawala sa akin," agap kong saad.
It may be harsh, pero mas kaya kong isugal ang pagkakaibigan namin ng buong FA kaysa mawala ang taong matagal ko nang kasama. I could lose everything, but this friendship? I can't just sit back and watch it fall without even doing something.
"Astra, hindi na kailangan. Masaya ako dahil may nakilala ka nang ibang tao bukod sa akin. They deserve you as much as you deserve them. Huwag mong siraan ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa akin. I'm not worth it," she paused and then, deeply sighed before continuing.
"Nandito lang ako palagi, Astra, pero hindi na kasing dalas noong dati. Live your life. Make friends, huwag lang ako. Treasure FA, as much as they treasure you."
"Why does it feels like nagpapaalam ka sa akin?" kinakanahan kong tanong sa kaniya. Her words, parang hindi si Yanni ang kausap ko. The playfulness is gone, all I can sense are worries and delight, but why?
"I want to watch the Music Fest with you for the last time, Astra. Doon kahit isang araw lang, ibalik natin ang dati. Sa ngayon, forget about me. Forget that a certain Yanni is connected to your life," tumalikod na siya pagkatapos noon. Nanghihinang napaupo na lang ako habang pinapanood siyang humkbang palayo sa akin.
It wasn't still clear, but I'm afraid I'll never hear the answer that will satisfy my curiosity. For that was the last... and the start... of my downfall. I thought I already fall and get lost, but I didn't realize that was just a beginning. Can somebody tell me what to do?
BINABASA MO ANG
Shining Like Stars
RomanceWhen he started singing, he shines like the brightest star in the night sky. A star that I don't want to stop from shining, because when it does I know I'll be lost in the dark.