sls 26

346 11 0
                                    

"Astra. Your Lola called, she wants to talk with you," nanigas ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Since when did Lola want to talk with me?

"Ano daw sabi?" madiin kong tanong kahit sa loob-loob ko ay halos matumba na ako sa kaba. I know my own Lola hindi 'yon tatawag kapag hindi importante.

The truth is she didn't agreed on my parent's wedding. Napilitan lang siya dahil masisira ang apelido nila kung hindi pananagutan ni Papa si Mama. Kalaunan ay lumipat sila Papa sa Sitio Verdi. Doon ay minsan lang namin makita si Lola.

"Binaba niya din ang tawag nang nalamang wala ka. Call her, baka importante ang sasabihin ni Donya," she shrugged before walking away.

"Before I forgot. Nasa office mo 'yong number," mabilis akong pumasok sa office ko para tingnan ang number na sinasabi ni Linda. Kinuha ko naman ang cellphone ko at dinial ang number na 'yon.

"Hello," matigas na wika ni Lola. Lumunok muna ako bagi sumagot sa bati niya.

"Lola."

"Oh, it's my granddaughter! You called me at last," napangiwi naman ako sa naging tono niya. Her tone sounds sophisticated, pero alam kong naiirita siya sa akin.

"What do you need, Lola?"

"Come back home. Patay na ang magaling kong anak. We need you here," walang prenong sagot niya sa tanong ko.

"La, ito ang bahay ko."

"Ungrateful! Just go home. Ang magagaling mong pinsan walang ginawa kung hindi painitin ang ulo ko. Kailangan ko nang tutulong sa akin sa Hacienda," I can picture her massaging her temples with a frown.

Seriously kadalasan naman ay ganoon ang nagiging itsura ni Lola. She can smile, pero mas gugustuhin mo pang makita ang seryoso niyang mukha kaysa doon.

"May business akong binabatanyan dito, Lola."

"Leave it there. Siguro naman ay may manager ka diyan 'di ba? Kahit ngayong taon lang. Your Tito wants a break. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko," I can almost hear the plead in her voice, that was very unusual to hear. Mas sanay akong matigas ang tono ni Lola.

"One year. Papayag ako. Promise me, Lola. Babalik ako dito after that," matigas kong turan. I know how witty my Lola can be. Ayokong matali sa Hacienda lang. Masyadong maraming problema sa Hacienda, mas gusto ko pa din dito sa Sitio Verdi.

"I promise, hija. 1 year is enough."

"But, La. How about my studies? I can't skip it," ngiwi kong pagdadahilan. Seryoso ayoko talaga doon. Iba ang ugali ng mga pinsan ko doon.

"Of course. May eskwelahan naman dito, hija. Mas maganda pa ito kaysa sa pipitsugin niyong eskwelahan diyan," I can sense the disgust in her tone. Napangiwi na lang ako.

Makapipitsugin naman si Lola. Okay pang naman 'yong school dito. Public School nga lang, pero kung academic ang pag-uusapan nangunguna ang school namin sa buong Sitio Verdi.

"You planned it all?" I suspiciously asked. Dama ko talaga na planado na niya 'to. Si Lola 'yong klase ng taong gagawin lahat masunod lang ang gusto niya.

"Hija, how can you say that," napailing na lang ako.

Great! Nahulog lang naman ako sa bitag ni Lola. One year in Lola's house, will be tiring as hell.

"I'll leave after the finals," desidido kong wika bago pinatay ang tawag. Napahinga na lang ako nang malalim.

I think I got myself in trouble. A big, big trouble.

Nakaayos na ako para sa party mamaya. Ayoko mang pumunta ay ayaw pumayag ni Rash. Suot ko ngayon ay isang bagong dress na binitbit ko kahapon. Old rose turtle neck top backless dress. The skirt ended up in my knees, tama lang para hindi masabihan ng kung ano-ano. The dress has an ombre style on it, light to dark old rose. The skirt is too flowy na konting ikot ko lang ay dalang-dala na agad siya.

I decided to pair it up with my old rose colored closed top heels with 2 inch heels. May maliit siyang ribbon na nakapalibot sa taas. I look to girly. My hair is just straighten, para naman medyo matakluban ang likod ko. While I put two clips near my ears to make it more neat and elegant.

Tumunog ang cellphone ko. Hudyat na nandyan na si Rash sa baba. I dab a little bit of nude lipstick again to my lips before finishing up. Kinuha ko naman ang shoulder bag na naglalaman ng cellphone at regalo ko bago lumabas.

"Astra! You look great today. Saan date niyo?" natawa naman ako sa papuri ni Linda.

"Nah, birthday party ng Lola ni Rash. Ikaw muna bahala dito, okay?"

"Oooh, meet the parents naman pala. Siya sige, enjoy!" napangiti na lang ako nang mapait sa sinabi niya.

Meet the parents? As if I'm his girlfriend.

Umiling na lang ako bago lumakad muli papunta kay Rash. Hindi ko mapigilang hindi mapatawa sa suot ni Rash ngayon. He look great indeed, but it was still improper. Nakasuot lang naman siya ng black tight ripped jeans plus boots. V-neck shirt for the inside with a black americana on top. Napailing na lang ako sa suot niya.

"Paano naman ako titigil kung ganiyan ka kaganda? Are deliberately seducing me, baby? A kiss will be enough," halos malaglag ang panga ko sa bungad niyang 'yon.

"Rash!" banta ko sa kaniya. Umiling naman siya at mabilis na dinampi ang labi niya sa akin.

"What the-" napatigil naman ako ulit ng bigla niya akong hinalikan ulit. This time with his lips moving, wala na akong nagawa kung hindi tumugon na lang at ikawit ang kamay ko sa leeg niya.

This is how his kisses could affect me. Ewan ko ba, pero iba talaga ang epekto noon sa akin. I should've hit him for invading my privacy, pero imbes na gawin ko 'yon at tumutugon na lang ako sa halik niya.

Marupok na ba ako kung hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtugon? Then, If I am, so be it. Basta sa kaniya lang ako magiging marupok.

Forever will I, Astral Keia Argos, submit myself to a man named Rashiel Vonn Verilla. My moon paired with my star-like name.

Shining Like StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon