"But Heaven is for them and not for us
And I've been feeling like half for long enough
But how come every night I'm sat here thinking"The show is starting now. Mag-isa lang siyang kumakanta ngayon sa stage. Busy daw kasi 'yong tatlo, biglaan kaya ko choice kung hindi tumugtog siya mag-isa.
"If I should hold on
Pray one day that this home
Won't make me so stone cold
Long live the ones who hold on
So I hold on"His voice is different now. It's too cold, rough and deep. Iba ang atake ng kanta niya ngayon kaysa noong isang buong banda sila.
"Feeling kinda fragile
But I guess that's just the way it is
'Cause ever since you left us
They've been fighting over what's hers and his"The song... the lyrics is too deep. His staring at me. I stared back, responding to in his intense stare.
"If I should hold on
Pray one day that this home
Won't make me so stone cold
Long live the ones who hold on
So I hold on"Masigabong palakpakan ang namayani matapos niyang kumanta. I can hear his deep breaths because of the mic. I stand para sana salubungin siya nang biglang may humarang sa aking lalaki.
"Miss, do you want some drinks?" ngiting asong tanong niya sa akin. Ngiwing umiling naman ako sa kaniya.
"No, thank you," nagpipigil inis kong sagot. Aalis na sana ako nang bigla niya ulit akong hilahin. Napangiwi naman ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Miss ganda naman. Kanina ka pa nag-iisa doon, join me!" wika niya habang nilalapit ang mukha niya sa akin. Napapiglas naman ako sa ginagawa niya. He's disgusting, kung hindi lang siya customer baka kanina ko pa siya nasapak.
"Mr. I really need to go. My boyfriend's waiting for me," pagdadahilan ko. Baka kapag nalaman niyang may boyfriend ako ay tumigil na siya.
"Sino namang boyfriend mo, miss? Nag-iisa ka nga kanina tapos 'yan ang idadahilan mo? H-huwag ako, miss," natatawa niyang sagot. Pinilit ko muling pumiglas, pero masyado talaga madiin ang pagkakahawak niya sa akin.
"Bro, baka naman pwedeng bitawan mo na siya," napalingon naman ako sa likod ko dahil sa narinig. Masama ang tingin ni Rash sa lalaking nakahawak sa akin, especially doon sa kamay niyang nasa braso ko.
"S-sino ka naman?" mayabang na tanong niya. "Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami ng girlfriend ko?"
Nandidiring napalingon akong muli doon sa lalaki. Girlfriend? Niya? Okay na akong maging single forever kaysa ganiyan.
"Bro, hindi pa bulag ang girlfriend ko para pumatol sa 'yo," matigas na wika ni Rash. His veins protruded. I can sense that he's going to burst kapag nagpatuloy pa ito.
"Rash," I called him out. He needs to calm down. Madali lang naman kausapin ang mga ganito. I deal with drunk customers often.
"Ha! Ikaw ang boyfriend niya? Wala ka pa nga sa kalingkingan ko," mayabang niyang sagot. Napailing na lang ako sa ginawa niya. Ni hindi na nga niya maibukas ang mata niya, kaya siguro malakas ang loob na sabihing mas gwapo siya.
"Care to unwrap that filthy hands of yours?" naiinip na niyang tanong. Napangiti naman 'yong lalaking may hawak sa akin at mabilis akong binitawan.
"Dapat sa susunod bantayan mo girlfriend mo. Ang ganiyan kaganda mabilis 'yan maagaw," paalala niya kay Rash. Tinapik niya pa ang balikat ni Rash bago umalis sa harap naming dalawa.
"Are you okay?" mabilis niyang tanong sa akin. Kinuha niya ang braso kong namumula na dahil sa ginawa noong lalaki kanina.
"Hm, konting pula lang 'yan. Maaalis din 'yan mamaya," sagot ko at kinuha na ang braso ko.
"Tsk, tara sa taas. We need to put some ice there, baka mamaga," mabilis niyang sagot at hinila na ako.
"Rash!" gulat kong tawag sa kaniya. Hindi naman siya sumagot. Diretso lang siya sa paghila hanggang sa makarating na kami sa taas.
Pagkarating namin sa taas ay inupo niya ako sa sofa samantalang siya ay lumapit sa ref para siguro kumuha ng yelo.
"May pwede kang paglagyan nito?" umiling naman ako.
"Kumuha ka na lang ng tela doon. May maliit akong towel sa kwarto. I'll go and get it," tatayo na sana ako nang mabilis niya akong pinigilan.
"Sabihin mo na lang kung saan. I'll get it for you," he told me. Napailing na lang ako sa ginawa niya. He trears me like I'm a incapable of doing that.
"Ah, nandoon kasi sa mga... undies," napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. I felt my cheeks heatened up.
"Huh? Ah! I-ikaw na," nauutal niyang sagot sa tanong ko. Mabilis naman akong tumakbo papasok sa kwarto ko.
"Shit, ang awkward noon. Bakit ko pa kasi sinabi 'yon?" I mumbled. Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa hiya.
I rummaged my drawer, finding some towel na maliit lang para paglagyan ng yelo. Bakit ba kasi hindi ako bumibili noong bag dati? Ang awkward tuloy.
"Here," inabot ko sa kaniya ang towel na nakita ko. He wrap the ice on the towel before facing me.
Inabot ko naman sa kaniya ang braso kong namumula pa din dulot nang nangyari kanina. He gently put the ice on the bruised part.
"Masakit?" he asked eyeing the red part.
"Hindi naman," malumanay kong sagot sa kaniya. Tumango naman siya sa sagot ko. He foucsed on applying the ice.
"About before-"
"What girlfriend na kita?" he smiled. Nag-init naman ang pisngi ko dahil doon.
"Girlfriend? Joke lang naman 'yon e," angil ko sa kaniya. Umiling naman siya sa sinabi ko.
"Hindi ako tumatanggap ng joke, Astra," seryoso niyang turan.
"W-what?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Let's date," seryoso niyang turan.
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
Date. Date daw. DATE?
"Pinagsasabi mo?" histerya kong tanong sa kaniya. I shifted on my seat to face him. Umayos naman siya ng upo sa tabi ko.
"Date. I want us to date," he shrugged.
"Are you kidding? Hindi magandang biro 'yan," banta ko sa kaniya. Dating will never be a good joke for me. Masyadong malaking responsibilidad para sa akin ang pagpasok sa isa relasyon.
"I'm not kidding, Astra. I'm serious, let's date."
BINABASA MO ANG
Shining Like Stars
RomanceWhen he started singing, he shines like the brightest star in the night sky. A star that I don't want to stop from shining, because when it does I know I'll be lost in the dark.