The plan push through just like what he wanted. May mga binago akong designs na feeling ko mas makakaganda doon sa bahay. Mayaman naman siguro siya, kayang-kaya niyang bayaran lahat ng materials na gagamitin.
Weeks have passed, approved naman sa kaniya ang design. Nagsimula na din kaming maghanap ng mga contractors and supplies, and mayroong time na contradicting kaming dalawa. Si Isha muna ang nag-aaccomodate ng ibang clients habang ako stuck dito.
"I told you, mas okay 'to. Hindi naman porke mas mahal doon na agad tayo," naiirita ko nang paliwanag sa kaniya.
"I want to make sure. Mas mahal mas okay, mas safe," napairap naman ako sa sinabi niya.
"I am the engineer here," madiin kong paalala.
"So what? Ako ang may-ari ng bahay."
See? Ang kulit-kulit niya. Mas kaya ko pang galit siya sa akin kaysa naman ganitong feeling close siya. I want the cold yet warm side of him, in short mas gusto ko 'yong dating siya.
In the end, ako pa din ang nasunod sa aming dalawa. Ewan ko ba sa lalaking 'yan, hindi na siya natuto. Walang away kaming dalawa na hindi ako ang nanalo. It's either he'll back or he'll say sorry.
"Rash!" sabay kaming napalingon nang marinig ang pangalan niya. Napaiwas naman ako nang makitang si Yanni 'yon. I saw the way how Yanni cling onto Rash' arm from my peripheral vision. Mas lalo ko naman inisod ang tingin ko para hindi ko makita 'yon.
"Let's eat first. Kaya na naman siguro nila 'yan," napatingin naman ako sa relo ko dahil sa sinabi niya. It's already half past 1 o'clock. Lampas na sa oras ng pagkain ko.
"Sure. Where are we going to eat?" rinig kong tanong niya hanggang sa unti-unting nawala ang boses nilang dalawa sa pandinig ko. Napayuko naman ako nang maramdaman ang biglang pagsakit ng dibdib ko.
Kasalanan ko ba talaga? Ako ba ang dahilan kaya kami nagbreak dalawa? Was it really my fault that we ended up away from each other... maybe it was.
"Ma'am kain ka po!" mabilis kong inangat ang ulo ko at pilit na ngumiti sa isang trabahador na nag-alok sa akin. Lunch time pa din nila ngayon.
"Nako, huwag na po. Busog pa ho ako," magalang kong sagot sa kanila. Umiling naman 'yong matanda sa akin.
"Nako, Ma'am. Hindi po namin kayo nakitang kumain, paano po kayo mabubusog niyan? Para kayong 'yong anak ko laging... ano nga bang tawag doon Gabo?" nagtataka niyang tanong. Natawa naman ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Diet ho, Mang Isko. Hindi niyo na natandaan," iling na wika noong Gabo. Nagulat naman ako ng biglang hinampas ni Mang Isko si Gabo, mabilis naman akong lumapit sa kanila.
"Masama bang makalimot? Itong batang ito, oo. Porke iyang mga memorya niyo'y gumagana pa ng ayos, pero ginagamit lang naman sa chicks niya," humagalpak naman sila ng tawa kaya napatigil na ako sa pagtakbo papalapit sa kanila at mabagal na naglakad.
"Wala ho akong chicks. Loyal ho ako sa anak ninyo," mabilis namang umamba ng hampas si Mang Isko na ikinalayo ni Gabo.
"Ikaw! Mag-aral ka muna, bago mo ligawan anak ko. Gwapo ka, pero wala namang magagawa iyan kapag wala kang naipakain doon," sermon niya kay Gabo. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kung buhay pa ba sila Papa noon at pinakilala ko si Rash, ako kayang magiging reaksyon nila?
"Kaya nga ho ako nagtatrabaho para may pangbaon sa pasukan," kamot ulong sagot ni Gabo. Pinagmasdan ko naman ang mukha niya. Tama si Mang Isko, gwapo nga si Gabo. May kaitiman lang, pero maganda ang tikas ng katawan niya dahil na rin siguro sa trabaho niya.
"Aba'y dapat lang. Prinsesa namin ang anak ko. Hindi pwedeng sa pipitsugin lang siya mapunta," sermon niya pa uli bago nilipat ang tingin sa akin, "Upo po kayo, Ma'am. Mababait ho ang mga 'yan kahit mukhang adik."
BINABASA MO ANG
Shining Like Stars
RomanceWhen he started singing, he shines like the brightest star in the night sky. A star that I don't want to stop from shining, because when it does I know I'll be lost in the dark.