sls 37

429 9 0
                                    

"I know you're awake," kumuyumos naman ang noo ko at dahan-dahang nagmulat. Alam naman pala niya, pero patuloy pa din siya sa pakikipag-usap kay Isha kanina.

"Did you know?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi lahat. Ang alam ko ay napilitang kang ikasal sa putanginang 'yon," nanggagalaiti niyang turan. His veins protruded as his jaws clenched.

"Tone down your curses, Rash," hindi mapigilang hindi ko siya sawayin. Napakalutong naman kasi ng pagkakamura niya. James deserve the curse, but he didn't deserve our time.

I don't want to waste my time cursing a devil like him.

"What? He deserves it," naiirita niya pa ding sagot. Masuyong hinawakan ko ang kamay niya, nagbabakasaling kakalma siya kapag ginawa ko 'yon.

"You act like this without knowing the whole thing. How can I tell you all of it?" mapait kong tugon sa kaniya. Halos makapatay na siya kanina dahil sa kung anong binulong sa kaniya ni James.

Paano pa kapag nalaman niya lahat nang kabababuyan ng lalaking 'yon? He almost turn heaven into hell just to make him suffer.

Masuyong hinaplos ko ang sugatan niyang kamao. Dahil ito sa akin. Alam kong may kinalaman sa akin ang binulong ni James. Will he act like that if it's not?

"Astra," he breathlessly whispered. Inangat ko naman ang ulo ko hanggang sa magtama ang aming mga mata. His eyes screams worries and pain, feelings that I don't know what for.

Napapikit ako nang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napahigpit naman ang kapit ko sa kamao niya at sa kumot na nakapatong sa katawan ko.

"Rash!" napaiwas naman ako ng biglang niluwa ng pinto si Yanni. Mabilis ko namang inalis ang kamay kong nakahawak kay Rash at umubo.

I almost let myself submit to him again. Shit, bobo, Astra. Ni hindi ka nakakasigurado kung single ba 'yang hahalikan mo.

"Anong nangyari sa 'yo? What happened to your knuckles omg. Let's go, kailangang malapatan ng gamot 'yan," nag-aalalang turan ni Yanni. Yumuko naman ako at naghintay kung kailan sila aalis.

"But-"

"No more buts, Rashiel. Look at yourself! Para kang bumalik noong SHS tayo. Bumabalik ang pagkabasagulero mo," naiiritang sermon ni Yanni. Nagpantig naman ang tainga ko dahil doon.

SHS? What happened? Kailan pa siya natututong makipag-away? Okay lang ba siya?

"Fine, fine," sukong wika ni Rash pagkatapos ay narinig ko ang pagingit ng upuan. Hanggang sa bumukas sara ang pinto. Napahinga naman ako nang malalim nang makalabas sila.

At last, makakahinga na din ako ng maayos.

"Gising ka na pala. Sakto may dala akong pagkain para sa 'yo," pilit akong ngumiti pagka-angat ko ng ulo ko. Nakatayo doon si Isha na may dalang tray ng pagkain.

"Eat, then rest again," I pursed my lips because of that.

Rest? Kailan ba ako nakapagpahinga talaga ng ayos?

"Na naman? Can I go out, I kinda feel suffocated here," ngiwi kong wika. Nag-pe-play sa utak ko ang scenario kanina. I only can only hear them, hindi ko alam kung ano bang ginagawa noong dalawa habang nag-uusap sila.

What if, nakahawak sa pisngi ni Rash si Yanni kanina habang nag-alalang magkatitigan silang dalawa. What if, nakahawak nang mahigpit si Yanni sa kamay ni Rash gaya nang ginawa ko kanina. What if there's more to that. And I really hate my mind, because I kept on imagining the worst scenario.

"Nakikinig ka ba?" I blink my eyes at her question and stare innocently.

May sinasabi ba siya?

"Sabi na nga ba! Ano bang ginawa ni Rash sa 'yo. Lumabas sila kanina na nakalingkis 'yong higad. Ano bang nangyari?" madiin ang naging pagkakawika niya sa salitang higad na ikinangiti ko na lang.

"Wala namang nangyari," napahinga ako nang malalim.

"Disappointed ka, ghurl?" pang-aasar sa akin ni Isha. Inirapan ko naman siya at kinuha na ang tray ng pagkain.

On the second thought, that was really something to be disappointed about. It was almost... we almost... but then someone came in.

"Will you still tell him?" tumango naman ako sa sinabi niya, "Then, what will you do after? Malaking responsibilidad 'yan. Alam mong hindi basta-basta ang pinagdaanan mo, can he handle it calmly? Just make sure wala ang higad doon."

"He deserved my explanation. Alam kong sa kabilang banda ay sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagkaganoon kaming dalawa. Siguro 'yong ibang details na lang sasabihin ko. Hindi ko naman kailangang lahatin e," I shrugged then continue on eating. Tumango naman siya at nag-isip-isip.

"If you can't, pwede naman ako ang magpapaliwanag. Telling him yourself, will only severe your open wounds. It's like walking back to the past, ayokong makitang nahihirapan ka para lang malaman niya 'yon," masuyo niyang wika at hinawakan ang kamay ko. Binaba ko naman ang kutsara at pinatong sa kamay niya.

"I'll be okay. How can I heal if I don't open it up again?"

"Healing can take time. You don't need to resort in that. You can heal without opening the wounds again," iling niya sa tinuran ko.

"Nah, 'yong sugat nga kapag tinatanggalan ng langib kadalasan nagdudugo ulit. Hanggang sa maubos 'yon, then it's the same with me," masuyo kong turan sa kaniya.

"Astra, I don't like you before, pero hindi naman ibig sabihin noon ay hahayaan na kita sa gusto mo. Think about yourself too, open the wounds when it's time so that it won't bleed."

"Paano mo malalamang oras na kung hindi mo susubukan?"

"You. Nakakainis ka. You're twisting my words," naiiyak niyang turan. Natatawa naman akong umiling at niyakap siya.

"I'm just stating facts, Isha. Ganoon naman talaga. Sooner or later, makikita din siya. Be brave and face him. Hindi lang naman siya ang may kasalanan 'di ba?" mahinahon kong paliwanag sa kaniya. Mabagal na hinimas ko ang buhok niya para patahanin siya.

"I know, I know, pero hindi ko naman 'yon gagawin kung hindi dahil sa kaniya. I can't let my pride be damaged," naiiyak niyang paliwanag na ikinailing ko.

"Will you still choose your pride or be in good terms iwth him. Hindi lang ikaw ang nagluksa. Hindi niya naman inaasahan na magkakaganoon," pagpapaintindi ko pa sa kaniya. Isha's still the one I know before. The bitchy one, but she's actually just wrecked inside like me.

We two have a battle with our own self, and that's the battle that is really the hardest to win. Because one wrong decision can make you lose yourself for life.

"You still love ain't you?" napasinghot naman siya at marahang tumango bago mahigpit akong niyakap at umiyak nang malakas.

Parang kanina lang ako ang pinapangaralan niya, tapos ngayon siya na ang iyak nang iyak.

"Mahal na mahal ko 'yon e, pero hindi ko na kayang pakisamahan pa siya. I don't know how to start again sith him, Astra."

"Feel your heart and follow your mind. Huwag laging paganahin ang puso. What does your mind says? Just like me, explaining is what my mind screams sa 'yo ano ba?"

"To get him back," mahina niyang bulong at inangat ang ulo.

"Then go. Get him back, Isha. Bring home that jerk, I'll punish him for you. Aalis na siya 'di ba? What are you still waiting for?" doon naman ay parang natauhan siya at biglang tumayo.

"I need to go, I'll just call Rash for you," nagmamadali niya wika.

"No need, fix yourself first. I'll call Rash myself!" natatawa kong sigaw dahil kumaripas na siya ng takbo. Napailing naman ako. They're still kids. Malayo pa ang aabutin nang dalawang 'yon.

Giving those advice makes me feel old. How odd it is, that I can advice to someone close to me, but I can't even decide for myself. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Can this all end?

Shining Like StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon