sls 24

318 10 0
                                    

Malamig na ang simoy ng hangin tuwing umaga. Unti-unti nang nabubuhay muli ang mga tugtuging pampasko. Ber months na, ewan ko ba sa mga tao, pero tuwing papasok ang Ber months simula na ng countdown.

Kagagaling ko lang sa may SM kanina. I was too bored, kaya natripan kong i-treat naman ang sarili ko. It's been weeks since the talking scene with Yanni.

It still hurt, but it was bearable now. Siguro ganoon talaga, pero hindi ko pa din maipaliwanag kung bakit kailangang magkaganoon. What went wrong is the main question that keep on lingering in my mind.

I roam my eyes to the road. Nasa jeep kasi ako ngayon, malakas ang tugtog ng pampaskong kanta sa sinasakyan ko na kahit ang ingay ng paligid ay naririnig ko pa din ang tunog noon.

Dati kapag pupunta ako sa Mall hindi pwedeng hindi ko kasama si Yanni. I never thought this day could happen... sad to say, it didn't cross my mind and now here I am... confused and alone.

"Para po!" mabilis kong sigaw ng mamataan ang village namin.

Might as well, visit them. Wala din naman akong gagawin. Halos tumilapon na ang mga pasahero dahil sa biglang preno na ginawa noong driver. Nagulat din at siya sa akin. Nagsiungulan naman ang pasahero at kaniya-kaniyang hawak sa mga gamit nila.

Nahihiyang bumaba naman ako. Malay ko bang mag-pe-preno ng ganoon kalakas 'yong driver 'di ba? Ayoko lang kasing lumalampas, at least sakto sa harap ng gate ang tigil namin.

Napahakbang naman ako palikod nang makilala ang lalaking nakatayo sa harap ng bahay namin. Nakahilig siya sa may gate habang busy sa pagkakalikot sa cellphone niya. Napaigtad naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, dahil doon ay napalingon siya sa pwesto ko at binaba ang hawak na cellphone.

"Ginagawa mo diyan, Rash?" kuyumos ang noong tanong ko sa kaniya. Paano naman niya nalaman na dito ako pupunta at hindi sa Argos?

"Hm," he shrugged.

Lumakad naman siya papalapit sa akin at kinuha ang mga paperbag na hawak ko. Hindi naman 'yon karamihan sakto lang para mapuno ang mga kamay ko.

"Thank you."

Pumasok na ako sa loob. Kasunod ko siyang pumasok. Padalawang beses na niyang pumunta dito sa bahay. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto dahil hindi na niya 'yon magagawa sa sobrang daming dala.

"Ipasok mo kaya muna 'yon sasakyan mo? It's safer here," suhestiyon ko matapos niyang ibaba ang mga dala niya.

"Wait for me," muntik na akong umirap sa sinabi niya. Saan naman ako pupunta? Para namang makakatakas ako sa kaniya ngayon.

"Oo na po. Iaakyat ko lang 'tong mga pinamili ko," natatawa kong paalam sa kaniya.

Kahit naman kasi noon kapag may bago akong damit dito talaga sa bahay ang dala. Ewan ko kung bakit ganoon ang ginagawa ko. Tapos kukuha ako ng damit na tinambak ko dito noon. Bale parang tambakan ko lang 'yong closet ko dito sa bahay.

Kinuha ko muna ang scented candles at nilagay 'yon sa may altar - kasama ang mga urn nila Papa at Mama. Pinapatay ko 'yon bago umalis dahil baka magcause pa siya ng apoy. Pagkatapos ay inakyat ko na ang mga damit na binili ko. Naglagay naman ako ng mga damit na panibago sa isang paperbag para dalhin sa Argos.

Naririnig ko pa ang tunog ng makina ng sasakyan ni Rash pagkababa ko. Pumunta na ako sa kusina at kumuha ng baso at plato. Nagtake out na kasi ako ng pagkain kanina dahil wala namang stock dito sa bahay. Twice a day lang pumupunta ang mga tagalinis dito kaya hindi na kailangan ng stock na pagkain.

Inayos ko naman ang binili kong pagkain sa may lamesa sa living area. Binuksan ko na din ang tv para naman malibang kami kahit paano.

"You brought some food? May dala din ako e," lumingon naman ako sa pwesto niya nang marinig 'yon. Inangat niya ang hawak niyang mga paperbag. Puro snacks lang naman dala niya kaya pwedeng dessert na lang namin.

"Uhuh, baba mo na lang dito. Naglunch ka na ba?" tanong ko sa kaniya habang nag-aayos pa din nang kakainin naming dalawa. Buti na lang sobra-sobra ang binili ko, kung hindi nakakahiya naman.

"Have you ever wondered what will happen if my parents is still here?"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinanong ko sa kaniya 'yon. Ganito siguro epekto ng pagkamiss sa akin. Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin. My eyes are still darted on food, afraid to see his reaction in my question.

"Then, I need to court them as well," doon umangat ang tingin ko. My eyes darted on his lips. Piercing. Kakapalagay niya lang siguro 'yon dahil ngayon ko lang 'yon nakita.

"You have a piercing," mabagal kong turan habang nakatitig pa din sa piercing niya. I bet that hurts. Imposible namang hindi 'di ba?

"Uhuh, pinalagay ko kahapon," tango niyang sagot. Hindi ko napigilan ang kamay ko sa pagdama ng piercing niya. The steel felt cold in my fingers. Dama ko pa na dumanggil ang daliri ko sa labi niya.

Kita ko naman ang pag-iwas ng tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko. His Adams Apple moves as he gulped. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Alam mo naman siguro na bawal 'to sa school 'di ba?" natatawa kong tanong sa kaniya. Binaba ko na ang kamay ko na ikinahinga niya ulit nang malalim.

"Hm, pwede namang tanggalin e," pagdadahilan niya.

"Masakit?" faint concern lies on the edge of my question. His lips cracked into a smile.

"Bearable. Kain na tayo?" tumango na lang ako. Habang inaayos niya ang kakainin namin ay napunta ang mata ko sa buhok niya. Nakapag-exam na kami, pero ang haba pa din noon. Pasaway.

"Ba't 'di ka nagpagupit? Ang haba na ng buhok mo o," turo ko sa buhok niya.

May bangs na nga siya dahil sa haba noon. Pasalamat siya at malakas siya sa mga teacher, kung hindi paniguradong napatawag na magulang niya. Bias din talaga ang teacher sa school e.

Pinadaan niya ang daliri niya sa buhok niya bago inabot ang pinggang punong-puno ng pagkain sa akin.

"This is too much," halos ibalik ko na sa kaniya ang pinggang inabot niya dahil doon. Mauubos ko ba 'yon? Ginawa naman niya akong patay gutom nito.

"Nah, mauubos mo 'yan. Kapag may natira saka natin problemahin. For now, try to empty the plate," wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Ganiyan din ang sinasabi sa akin ni Papa.

Simple lang ang ginawa naming dalawa noong araw na 'yon. We just ate, talk, and watch, but it made me relaxed. Hindi niya din ako kinulit kung anong problema ko. At isa 'yon sa pinakapinasasalamatan ko sa ugali niya. He'll always distract me without knowing the reason why I'm in such mood.

All I can say is he's worth it — too worth it for someone like me.

Shining Like StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon