sls 14

397 15 2
                                    

"What happened?" nag-aalala kong tanong nang bumalik si Yanni mag-isa.

"Ah... Huh? Wala, wala," lutang niyang sagot at pabagsak na umupo. Napailing naman ako sa ginawa niya.

"Want some?" pag-iiba ko ng usapan. Mukhang ayaw niya magkwento kaya hindi ko na siya pipilitin pa. Inangat ko sa harap niya 'yong binigay na carbonara ni Rash.

"Kanino galing 'to?" tanong niya, sabay agaw noon sa akin. Napairap na lang ako sa ginawa niya. Ang bilis naman ata magbago ng mood niya.

"Kay Rash ulit."

"Really? Ang sarap naman. Sino daw nagluto?" mangha niyang wika. Kunot-noo kong pinapanood kung paano niya kaninin 'yong mga ham.

Iyong mga ham ko huhu. Inuubos na niya lahat.

"Yah! Huwag mo ubusin 'yong ham," hampas ko sa kamay niya. Napapout naman siya dahil doon.

"Sorry na. So, sino nga?" tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"Siya daw," turan ko. Nanlalaki naman ang mata niya, pero kalaunan ay napangiti din siya at matinis na umirit na ikinangiwi.

"Yanni!" angal ko dahil sa ginawa niya. Ang sakit sa tainga, god. Parang nasira ata eardrums ko dahil doon.

"Hoy! Anong mayroon sa inyong dalawa? Bakit ka niya pinagluluto? Naglilihim ka na sa akin ngayon, nakakatampo ka, girl!" kunwaring irap niya sa akin.

"Wala naman. Pinagluto niya lang ako," mabagal kong sagot sa tanong niya. Totoo naman e. Wala naman siyang sinabi sa akin. Basta niya lang ako binigyan. 

"Kausapin mo na kasi! Ang sweet sweet sa 'yo noong tao. Ibang level na 'yan," turan niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko at malakas akong inalog. 

"Yanni, wala naman kaming dapat pag-usapan. Friendly lang siguro talaga siyang tao," pagpigil ko sa ginawa niya sa akin. Para akong masusuka dahil sa bigla niyang pag-alog sa akin.

Daig ko pa ang sumakay sa roller coaster nito.

"Manhid mo, girl. Kainin na nga lang natin ito," irap niya sa akin at mabilis na sumubo ng carbonara. Kada kain niya ay sinusubuan niya ako.

"Alam mo, minsan naiisip ko kung bakit ganiyan ka. Kung anong tinalino mo, ganiyan ka naman umasta kapag ganitong usapan na. Hindi ko alam kung sinasadya mo ba o hindi mo talaga naiintindihan," pagpapatuloy niya pa.

"Huwag mo na sagutin. Ikaw na momoroblema tungkol diyan. Kailangan kong ayusin ang akin."

Buong maghapon kong iniisip ang tanong niya sa akin. Is it really like that? Sa totoo lang, nakikita ko minsan ang effort niya, but can they blame me for not assuming too much?

Ang hirap kasi i-assume na gusto na niya ako, tapos biglang may iba pala siyang motibo. Ayoko lang i-risk 'yong sarili ko. My pride makes me going, hindi ko kayang basta na lang 'yon isuko para lang sa sitwasyong wala namang kasiguraduhan.

What if, hindi naman talaga niya ako gusto. What if, may iba pala siyang kailangan sa akin. What if... what if, mali pala ako all along. 

"Astra," I almost jumped when somebody suddenly called me. Mag-isa kasi akong naglalakad ngayon. May lakad daw si Yanni ngayon kaya pinauwi niya ako nang mag-isa.

"Yes?" lingon ko sa kaniya. From there I saw Rash standing. 

Nakabukas na ang butones ng uniform niya, revealing the plain white shirt. Nasa left side na balikat niya 'yong strap ng bag niya na mukha namang walang laman. His hair is a bit disheveled, mahaba na rin 'yon, pero sigurado akong mababawasan ulit 'yon kapag malapit na mag-exam. This school is strict with hair measurement especially boy's hair cut.

Kahit pa nagbawas ka at hindi pasok doon sa requirements nila kailangang pa ding ayusin kung hindi mapapatawag ka sa disciplinary office.

He has pierced earings too, sa school inaalis niya 'yon, pero mukhang sinusuot niya tuwing nasa labas na.

"Nag-iisa ka ata?" pagsasabay niya sa lakad ko. It got a little bit uncomfortable, dahil na rin siguro sa mga pinag-iisip ko kanina. 

"Ah, oo. May pupuntahan daw kasi si Yanni ngayon," I answered back, brushing off the awkwardness that I'm feeling.

"Okay ka lang ba? You look a lil' bit uncomfortable," puna niya. Gulat naman akong napa-angat ng tingin sa kaniya.

"Hindi! W-wala... wala 'yon. I'm just preoccupied with something lately," mabilis kong angal sa sinabi niya. I don't want to offend him.

"Okay. Alam kong may tanong ka tungkol sa akin. I hope I can hear them," saad niya habang nakatingin sa malayo.

"I..." Marami akong tanong, but will you answer it honestly? 

"Nevermind. Sabay na tayo sa Argos? Busy din kasi 'yong ibang member, so I want to relax a little before the gig," nakangiti niyang wika sa akin. Alangang tumango naman ako sa sinabi niya.

"Sure. Let's go."

Magkasabay kaming nakarating ni Rash sa Argos. He excused himself for a bit, magpapalit daw muna siya ng damit. Ganoon na lang din ang ginawa ko kaysa maghintay sa kaniya.

"Any news?" I asked nang makasalubong ko si Linda. Mabilis naman siyang napalingon sa pwesto ko.

"Walang problema, Astra. Okay pa naman ang Argos, so far."

"Thank god," I sighed in relief. So far...

"I saw Rash downstairs. Ang aga niya naman ata ngayon," nagtatakang tanong niya sa akin.

"Sumabay sa akin e. Busy daw ang ibang members," I shrugged. I can sense that she's weirded out about it, pero tumango pa din siya.

"I'll go back to business. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Astra. Good luck," nagtataka man sa bigla niyang pag-goodluck sa akin ay tumango na lang ako.

There's really something wrong with people these days. Isang linggo lang akong nawala, pero parang masyado nang maraming naging ganap.

Pagkababa ko ay nakita ko si Rash sa harap ng counter. His drinking. Masyado naman atang maaga para doon.

"It's too early for that," pagpupukaw ko nang pansin niya. Gulat naman niyang binaba ang baso at lumingon sa akin.

"Pampagising lang," tugon niya.

"Just... don't drank too much. Hindi maganda sa katawan ang umiinom ng sobra," pangaral ko sa kaniya.

"Yes, ma'am," pabirong niyang wika. Natatawamg inirapan ko naman siya dahil sa ginawa niya. He's playful.

"Drink a little para lang sa pampagising, okay?" dagdag ko pang muli. It's not that I don't want him to drink. Hindi ko naman siya mapipigilan kung gusto niya talaga, but he's somewhat under my care, since ako na ang may-ari ng Argos.

"Opo, opo. Isang baso na lang," natatawang niyang sagot bago inisang lagok ang alak sa basong hawak niya. Tumingin pa siya sa akin pagkatapos ay nilapit sa bartender ang baso.

"See, last na talaga 'yon. May isa akong salita, Astra. When I say I will, I'll surely will. Lalo na kung para sa 'yo."

Shining Like StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon