Nagising ako ng may mabigat na bagay na nakadantay sa katawan ko. Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko dahil doon.
"Rash," ungot ko bago tinulak ang braso at niya, pero hindi ko talaga matanggal. Umungol naman siya, pero hindi nagsalita. Siniksik lang niya lalo ang ulo niya sa leeg ko na nagdala ng kiliti sa akin.
"Rash, ang bigat mo," ungot ko pa muli. Umungol pa din siya at hindi sumagot. Napasinghap ako nang bigyan niya ako ng halik sa aking leeg. Mabilis na dumapo ang palad ko sa mga bisig niya.
"What the, aren't you tired?"
"Can't get over my baby," tugon niya habang nagbibigay pa din ng maliliit na halik sa leeg ko. Napapaigik naman ako dahil sa kiliting dulot noon.
"Stop it! Gutom na ako," pagpigil ko sa ginagawa niya. Ang kulit-kulit. I didn't know he has this kind of side.
What happened last night was a blast. Sa totoo lang ay kabado ako dahil sa nangyari dati, but he did it gently and passionately. Ibang iba sa ginawa ni James sa akin.
"Let's eat then," wika niya, pero hindi man lang siya nag-abalang tumayo o igalaw man lang ang katawan niya.
"Rash kasi. Cook for me please... namimiss ko na ang luto mo," request ko sa kaniya habang inuuga siya. Umungol naman siya at inangat ang ulo niya na naging dahilan para magtama ang tingin naming dalawa.
He's really handsome despite of those growing stubbles. Ang haba na din ng buhok niya, he seriously need a haircut. Hindi naman pwedeng ganiyan lagi kahaba ang buhok niya. There's still a small hole in his lips, mukhang sinusuot niya pa din ang piercing niya kaya hindi pa 'yon nagsasara.
"Please?" pagmamakaawa ko pa sa kaniya. Gusto ko na talagang kumain at matulog ulit. Mabilis naman siyang tumango at tumayo na, forgetting that he's still naked.
"Rash! Magdamit ka nga," bigla kong sigaw at mabilis na tinakpan ang mata ko. He chuckled but didn't say anything. Minulat ko ang mata ko nang marinig ang pag-lo-lock ng belt niya. Lintek lalaki ito, hindi na nahiya.
"Get up and get dressed. Magluluto muna ako sa baba," paalala niya bago lumabas ng kwarto ko. Namula naman ang pisngi ko dahil sa biglang nag-flashback ang nangyari kagabi. Rash was too energetic na umabot na kami ng umaga. Nanakit pa nga ang buong katawan ko.
Hindi nagtagal ay tumayo na din ako. Paika-ika akong naglakad papunta sa CR para magayos. Argh, hindi pwedeng laging nandito si Rash, dahil kung laging dito matutulog si Rash ay talagang mababanat ang buong katawan ko.
Pagkarating ko sa baba ay napangiti ako, hindi dahil sa bumungad sa akin si Rash na topless at tanging apron na pink lang ang nakalagay, kung hindi dahil nag-hu-hum siya. He's humming the song 'Your Love' the first and last song that we dueted.
"Still not done?" pagkuha ko ng atensiyon niya. Lumingon naman siya sa akin.
"You alright? I can just bring the food to you upstairs. Pinagbihis lang kita dahil baka lamigin ka masyado, you can catch a cold if that happens," nag-aalalang suri niya sa akin.
"Nah. I can manage," pinamulahan naman ako dahil doon.
Sino ba naman kasing may kasalanan?
Magkasabay kaming kumain noong araw na 'yon. Kagaya ng dati, we just lay in the couch lazily and binge watch. May time na bigla siyang manghahalik, pero hanggang doon lang. There's this time na nilalaro niya ang mga daliri ko o kaya ang buhok ko.
"Astra!" napatayo naman ako dahil doon. Niluwa ng pinto ang excited na excited na si Isha habang nasa likod si Creon. Yup, ang lalaking tinutukoy ko ay si Creon na dating miyembro ng FA.
BINABASA MO ANG
Shining Like Stars
RomanceWhen he started singing, he shines like the brightest star in the night sky. A star that I don't want to stop from shining, because when it does I know I'll be lost in the dark.