sls 27

323 11 0
                                    

"Don't curse, baby," he breathlessly whispered. Kaunting distansya lang ang binigay niya sa akin kaya ramdam ko pa din ang hininga niya sa labi ko.

"You ruined my lips," naiirita kong tulak sa kaniya. Kalalagay ko lang ng lipstick doon, pero sinira niya 'yon.

"Lagyan mo na lang ulit. I'll be glad to ruin it again," he winked na ikinainit ng pisngi ko. Inirapan ko naman siya bago naglakad na patungo sa sasakyan. Nakangising sumunod siya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Won't your Mamita be angry with you piercing?" hindi mapigilang hindi ko maitanong sa kaniya 'yon. Kasi naman birthday ng Lola niya, pero nandoon pa din ang piercing niya.

"Nah, hindi naman mahigpit si Mamita," mabilis naman siyang lumingon sa pwesto ko.

"Face the road, Rash," mabilis naman siyang lumingon ulit pabalik.

"What about it?"

"Bakit mo ako hinalikan?" I breathlessly asked.

"You stopped me, but that doesn't mean I can't do whatever I want right?" ngisi niya. Namula ang pisngi ko dahil doon.

"Kissing isn't that casual, Rash. Hindi pwedeng basta ka na lang hahalik ng ganoon," naiirita kong wika.

So, kapag gusto niyang manghalik gagawin niya? What an ass.

"Jealous? Ikaw lang naman gusto kong halikan e," masuyo niyang tugon. His eyes softened and stare at my lips. Napalunok naman ako umiwas ng tingin.

What the hell, Astra. Huwag kang magpapadala. Si Rash lang 'yan. Nahalikan ka lang hindi ka na mapakali. He chuckled lowly before pulling the car on the side.

"Here we are."

"Seryoso na ba talaga?" bumalik 'yong kabang nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi niya. Siniklop naman niya ang kamay ko at marahang pinisil.

"Be confident, baby. They will like you," masuyo niyang turan.

"Hindi naman 'yon ang problema ko. It's just that - I feel like it's not appropriate for me to meet them. Wala namang tayo," mahina kong saad sa huling pangungusap. May dumaang sakit sa mga mata niya noong sinabi ko 'yon na nakakapagpasikip sa dibdib ko.

"Still, I want them to meet you. Labeled or not."

"You're that sure?"

"Uhuh, never been this sure, baby."

Sabay kaming pumasok sa loob pagkatapos noon. He's holding my hand tightly slightly pinching it from time to time. Sumusunod ang mga tingin ng tao sa amin kada daan namin sa harap nila. May mga bumabati kay Rash kaya nagtatagal kaming dalawa.

"Hijo! She is?" biglang bungad ng isang babae sa amin. I bet this is not her Mamita, masyado naman atang bata.

"My girl, Tita," ngiti niya Rash bago binitawan ang kamay ko at nilipat sa baywang ko na mas nakapagpadikit sa aming dalawa.

"Oh! She's beautiful. Paano mo napikot ang ganiyan kaganda?" nang-aasar na wika noong tita ni Rash na nakapagpangiti sa akin.

"Welcome to the family, Hija. I still need to go, nasa taas pa ang Mamita niyo. Visit her as soon as possible, okay?" niyakap niya ako bago tinapik ang balikat ni Rash at mabilis na umalis sa harap namin.

"See? She's kinda fond of you," pagbibigay ng lakas ng loob sa akin ni Rash. Tumango naman ako at ngumiti ng matipid.

"We'll go see my sister, first. Bago natin puntahan si Mamita," aya niya sa akin. Naglakad pa kaming dalawa hanggang sa nakita ko ang buong member ng FA. May kasama silang babae, medyo mas matanda sa amin.

Shining Like StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon