CHAPTER FIVE

1.8K 81 13
                                    

Gabriella POV

Napa-hinga ako ng sobrang lalim habang nakatingin sa whole body mirror sa loob ng kwarto. Pina-blonde ko ang sariling buhok at pina-kulot ko pa ang dulo, suot ko rin ang binili kong contact lenses at bumili talaga ako ng tatlo just in case. I'm wearing my casual attire kasi wala pang uniform na naipadala. Sa first day of school pa ang distribution dahil ang school na ang nag-provide.

At ito ang unang araw ko sa Special Academy, naka-ligpit na rin ako ng mga gamit at damit dahil required na lahat ng student na manuluyan sa dorm doon. Mayaman ang may-ari e, saka hindi na pwedeng lumabas once you are enrolled, makakalabas lang daw ang mga estudyante kapag summer vacation o pagtatapos na ng school year.

Nainis nga ako, paano kung emergency? Hindi pa din palalabasin? Napa-iling na lang ako at isinukbit ang isang bagahe sa aking braso at ang isa naman ay binitbit ko.

Ang bigat pero keri.

Tinapon ko sa back seat ng kotse ko ang dalawang bagahe at mabilis na pumasok sa driver's seat. Wala si papa dahil may urgent meeting ito sa kumpanya nya na syang kagagawan ko. Dahil kapag nandito sya e baka ano pang gawin nya para lang pigilan ako. Napa-ngisi ako, ninakawan ko kase ng sampung milyon ang kumpanya nya kaya nagkaroon ng emergency kaya mabilis syang ipinatawag.

Mabilis kong pina-andar ang sasakyan, malayo-layo pa ang babyahiin ko para maka-punta sa academy na ito. Tahimik lamang akong nagda-drive ng biglang may nag-busina sa likod. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang puting kotse ni papa. Wala akong nagawa kundi pabilisin ang takbo ng kotse ko. Hindi dapat ako maabutan ni papa! Naku naman.

Napapikit ako ng mariin ngunit nagmulat din agad, nag-ring ang phone ko na nasa harap ko lang dahil kinabit ko iyon sa kotse.

I answered the call.

[Ella! Pull the brake! Stop your car, please! Listen to papa please Ella!]

Napa-kagat labi ako. I'm sorry dad but I can't.

"I'm sorry, you can't stop me papa, sorry." Mahina kong ani pero sapat upang marinig iyon ni dad.

Walang pasabing in-end ko ang call bago pa ito sumabat. Napatingin ako sa gilid ng salamin ng kotse, naka-layo layo na ako sa kotse ni dad at saka dumadami na din ang mga nakakasabay namin mga sasakyan. Alas syete na at alam kong late na ako sa unang pasukan. Aishh!

Napa-angat ang tingin ko sa road sign ng makitang malapit na mag-pula ang sign kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo ng kotse ko. Napa-ngiti nalang ako ng matagumpayan kong maka-lagpas bago pa pumula ang sign may naka-sabay pa nga akong dalawang kotse e, ang bibilis din ng takbo ng mga kotse nila.

Napa-iling ako at pinagpatuloy ang pagda-drive pero kita ko sa likod ng kotse ko ang naka-sunod na dalawang kotse. Sila yong naka-sabay ko kanina ah.

SCREECHH

Napa-preno ako ng wala sa oras ng may tumigil na motor sa harapan ko. Like what the fuck? Sino naman ang naka-laklak na lalaking ito? Mabuti nalang at naka-seatbelt ako, hayz! Inalis ko ang seat belt ko at bago lumabas ng kotse e pinusod ko ang mahaba at blonde na buhok sa isang sumbrerong puti saka hinubad ang isinuot kong jacket na itim. Hindi naman ako naka-suot ng lenses dahil plano kong suotin na lamang ito kapag nasa malapit na ako ng school. Inalis ko pagkapasok ko ng kotse.

Hindi kasi talaga ako sanay magsuot nito.

Inis akong lumabas.

"Excuse me! Gusto mo bang magpakamatay? Bakit ka humaharang sa daanan?"

Napa-sigaw na ako habang naglalakad papunta sa naka-motorsiklo, naka-helmet ito kaya hindi ko nakikita ang mukha. Nakaharang talaga ito sa highway pero naka-tayo pa naman ang motor niya at naka-sakay pa naman siya dito. Pansin ko ding mamahalin ang motor nito at sapat na upang magpantay ang presyo sa mga mamahaling kotse.

Dahan-dahan nitong binitawan ang pagkakahawak nito sa motor at iniangat papunta sa helmet nito at dahan-dahan niya itong inalis, bumungad sakin ang puti nitong buhok at kung gaano man kaputi ang buhok nito e ganun din siya kaputi. Wow! Ilang libong gluta ang nilaklak nito?

Lumingon ito sa akin ng naka-sampok ang kilay, hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-ikot nito ng kanyang mata bago dumapo ang tingin sa'kin.

"Pwede ba--- who are you?"

Nagtaka ako sa pagbabago ng ekspresyon nito, bakit bigla-bigla atang umamo ang mukha nito? E kanina naka-sampok pa ang mga kilay!

Napa-kuyom ako ng kamao.

"Get out in the way, mr. white whatsoever." Inis kong sabi dito at tumalikod.

"Woah? Panu mo nalaman white ang pangalan ko-- hey miss!"

Hindi ko na ito nilingon at inis na bumalik ng kotse ko, natanaw ko pa ang dalawang kotse sa likod na naka-hinto din. Napa-tigil ako ng lumabas ang isang sakay ng isang kotseng kulay pula at ang nakaka-pagtaka e pula din ang buhok kaya lang kita ko ang mahabang peklat nito sa mukha malapit sa mata na para bang sinugatan ng kutsilyo o anong matulis na bagay.

Napaka-seryoso din ng mukha at para bang isang mabagsik na lobo kung tumingin. Napa-lunok ako ng magtama ang mga tingin namin, nagsimula itong maglakad sa direksyon ko pero akala ko sa akin siya tutungo, hindi pala. Dumiretso ito sa white hair man at halos malaglag ang panga ko ng makita kong pano sinapak ng lalaking naka-red hair ang lalaking naka-white hair.

Tumabingi lang sa kabilang direksyon ang mukha nito at hindi ako makapaniwala kasi napaka-lakas ng suntok ng red hair man! Panu niya nagawang hindi tumalsik?

"Fucking get off the road, Barquin! Or do you want me to get you off?" Napa-lunok ako ng laway.

Sobrang nakakatakot ng boses nito pero ang Barquin na tinawag nito ay tumawa lang ng sobrang lakas. Nababaliw na ba ito? Bakit hindi pa siya umaalis ng daan?

Gusto niya ba ulit masapak? Mukha palang sa hitsura ng red hair man ay para nang papatay! Alam ko ding gwapo ito pero nakakamatay naman ang tingin niya!

"HEY ASSHLES! GET THE FVCKING OFF THE ROAD OR I WILL FVCKING RAIN BULLETS IN YOUR FVCKING GDDAMN BODY! IM FVCKING LATE! SH*T!"

Napa-talon ako sa gulat ng may sumigaw sa likod, nanlalaking mata naman akong napa-lingon dito at nanggaling siya sa isang kotse na naka-sunod sakin kanina.

Naka-shades ito at naka-pony tail ang mahabang buhok ngunit nangibabaw ang kagwapuhan nito. Bakit puro gwapo nalang ang nakikilala ko these days? Sanaol gwapo, kaya nga lang lahat sila puro may saltik, may nakakatakot at saka may manyak, may creepy din-- ay ewan!

Pumasok nalang ako sa loob ng kotse ko. Marami nang nakakita saken, kailangan kong magpalit ng damit. Kita ko paring nag-aaway sa harap ang dalawang lalake at napapa-tili ako ng mahina kapag nagpapalitan sila ng sapak sa bawat isa. Inabot ko nalang ang isang bag ko sa back seat at kumuha ng isang red long sleeve at isang fitted black jeans. Mabilis kong sinuot yun at pinukos ang mata sa rear mirror at isinuot ang contact lense.

Nang matapos ay pinaharurut ko ang kotse ng mapansing nasa gilid na ang dalawa na nag-sasapakan, hindi ko naman masasagasaan ang motor ng white hair man kaya umalis nako.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now