Gabriella POVMabilis akong nag-angat ng ulo at tila nawala ata ang puyat ko ng makitang nasa harap ko si Nathaniel at malawak na naka-ngisi ang mukha. Napa-lunok ako at umupo ng tuwid sa upuan at napatingin sa mga kaklase kong mga babae na ang sama ng tingin sa'ken.
"Ms. Lu, you're excused now."
Nangunot ang noo ko ng sinabi iyon ng gurong sobrang suplada. Napalingon akong muli kay Nathaniel.
"A-anong kailangan mo?"
Ngumisi ito na siyang ikina-taas ng mga balahibo ko. Huta! Hindi ko pa napag-isipan ang idadahilan sakanya.
"Come with me."
Tumayo ako dala ang bag at libro ko. Naglakad ito at nauna sa pinto na sinundan ko lang, nakikita ko pa sa gilid ng mata ko ang matalim na tingin ng ibang mga babae.
Pero wala akong paki.
Ng makalabas kami ay mabilis kong hinila sa braso si Nathaniel at dinala sa field, malawak ang field saka konti lang yung mga estudyante kaya tumigil kami sa gilid na may puno at malayo sa ibang tao. Malapit na ding mag-alas kwatro ng hapon kaya hindi na gaanong mainit.
Mabilis akong humarap kay Nathaniel pero halos lumuwa ang mata ko ng biglaan niya akong niyakap.
"A-anong—"
Naputol ako sa pagsasalita.
"Tell me your problems, Ella. And I promise, I'll help you with all my might."
Napa-kurap ako sa narinig. Wait? Ano daw?
Mabilis ko siyang itinulak sa pagkakayakap sa'ken at kunot noo siyang tinignan.
"What?"
Tumawa ito ng mahina.
"I now knew you very well, darling. Kaya hindi mo na kailangan itago sa'kin. I know that you're the qu—"
Mabilis kong tinakpan ang bunganga nito dahil naging madaldal na siya masyado sa part na yon. Inilibot ko pa ng tingin ang paligid at wala namang may nakarinig, mabuti nalang at malayo kami sa ibang tao dito sa field.
"Okay, okay. You got me, ano bang pwede kong gawin para wag mo lang ako ibunyag ha, Nathaniel? Ayokong masira ang plano ko mula ng pumasok ako dito."
Diin kong bigkas ng mahina sakanya at matalim siyang tinignan.
Mabilis kong inalis ang palad sa bibig niya ng dinilaan niya iyon kaya napa-ngiwi ako. Binalingan ko siya ng naiinis na tingin pero ang manyakis ngumisi lang at dinilaan pa ang kanyang labi. Kaasar! Nakakadiri.
"About that," tumayo ako ng tuwid sa harap niya. "Actually, hindi ko naman talaga ipagsasabi na hindi ikaw si Mikaella e kaya nga lang mas may nalaman pa akong higit pa doon. Malay ba namin na mayroon ka palang masamang binabalak sa akademya? E ako pa ang napagalitan, diba?"
Napa-irap ako at nag-cross arms sa harap niya.
"May hinahanap lamang akong tao sa school na ito, kapag nahanap ko na siya." Tinitigan ko siya ng seryoso. "Hindi mo na makikita pa ni anino ko dito." sa mundong to, Gusto ko iyang idagdag pero wag na.
Sumeryoso ang mukha nito at napawi ang mapaglarong ngisi mula sa labi. Naalarma ako sa kakaibang ekspresyon nito sa mukha at ilang hakbang akong napaatras."You want to find someone, and you don't want anyone to know who you really are. I can help with that. Be my girlfriend, and I won't breathe a word about your secret. Deal?"
Gulat na gulat akong napa-tingin sakanya at hindi makapaniwala. Ano daw?
...
"MIKA!"
Napangiti ako ng nag-tatakbo na lumapit sa akin si Erica. Nandito kami sa cafeteria at naghahapunan, marami ding ibang mga estudyanteng nandito at kumakain katulad namin. Gusto ko na nga bilisan dahil puyat na puyat na ako. Kailangan ko ng tulog.
Umupo naman agad si Erica ng makalapit ito sa'ken.
"Oh? Kamusta si Genivive? Mabuti na lang at hindi kayo napahamak sa pagsugod ng assassins kagabi."
Dagdag ko at sumipsip ng lemon juice sa baso ko.
"About that, where were you that night? Nang may pumuntang assassins sa dorm natin ay walang tao yun yung sinabi ng mga discipline committee na pumunta doon at dinakip ang mga assassins na nag trespass."
Nabilaukan naman ako sa sunod-sunod niyang tanong. Napa-lunok ako ng maka-recover sa pagka-bilauk.
"H-ha?"
"Sabi ko nasaan ka kagabi?"
Napa-lunok naman ako at napa-hilot sa sintido para mag-isip ng palusot.
"A-ah, hmm. W-wala ako sa dorm kagabi."
Kumunot naman ang noo nito.
"E nasan ka?"
Nakagat ko ang labi.
"Nasa kay Rafael, sinundo niya ako bago pa may lumusob na assassins sa academy."
"Ahh."
Tumango-tango ito at nagsimulang kumain ng inorder nitong pagkain. Napapa-tingin na lang ako dito kase nawalan na ako ng gana kumain.
Nagulat naman ako ng biglang tumahimik ang paligid at nasa pinto ang tingin ng lahat ng nasa loob ng cafeteria kaya lumingon din ako doon.
Si Isaac at wait, si h-haize?Napa-lunok ako at naalala ang nangyari kagabi. Napa-hawak ako sa aking labi.
"Hoy? Bat ka namumula? May lagnat ka ba?"
Niyugyog ako ni Erica at dinadampi ang likod ng palad nito sa noo ko. Namumula? Napa-iling ako.
"H-ha? Wala naman."
Pilit akong ngumiti at napa-yuko habang sumusipsip sa straw ng lemon juice ko. Inangat ko pa ang kanan kong kamay para takpan ng bahagya ang mukha ko.
Napapikit ako ng maalala ang nangyari. Jusmiyo gab! Wag mo kasing iniisip! Alam kong nakalimutan na iyon ni Haize dahil 1 hour amnesia pill ang binigay ko dito.
Kapag nag-take ka nito ay mabilis kang mawawalan ng malay at mabubura ang mga alaala mo sa mga nakaraang isang oras lang. Hindi din gaanong nagtagal ang away namin at alam kong saktong isang oras lang yon hanggang tumalon ako sa harap niya at nakita niya.
Kaya alam kong hindi na niya natatandaan ang bawat nangyari pero ako heto, para akong natuturtore dahil di ko mapigilang maisip.
There are times that my pills can be sterilized! He might remember if he has a strong mind.Nakagat ko ang straw at nainis na ako kase hindi na ako nakakapag-sipsip ng maayos sa juice.
"Uy, Mika? Okay ka lang ba talaga?"
Tumango-tango ako sa tanong ni Erica at nanatiling naka-yuko. Waah! Ako yong nakunan ng halik tapos ako pa itong parang nahihiya tumingin sakanya.
Tsk! Tsk! Hindi puwede to! You're the victim gab! And, wala naman siyang naalala kaya chin up!
Umayos ako ng umupo at taas noong humarap sa harap.
"Uy? Parang tanga e."
Inikutan ko ng mata si Erica at hindi ito pinansin ngunit mabilis na natigilan ng dumapo ang tingin ko sa direksyon nila Haize at halos lumuwa na ang mata ko sa gulat dahil pawang silang nakatingin sa direksyon ko o sadyang asyumera lang ako?
Mabilis akong napa-lihis ng tingin ng makitang ngumiti sa direksyon ko si Isaac ngunit seryosong mukha lamang ang kay Haize. Napapa-kamot ako ng batok ng maalala ko ang sinabe nito noon sa likod ng school building at nakita niyang umiyak sa ikalawang pagkakataon.
Sinabi nitong gusto niya akong maging kaibigan at wala akong nagawa kundi umu-oo kase nakakahiya pag humindi ako diba?
"Hala, papunta dito si Isaac. Anong ginawa mo, Mika? Sayo nakatingin o."
Kinabahan naman ako sa sinabi ni Erica na tila nananakot pa.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Tajemnica / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.