CHAPTER EIGHT

1.6K 75 9
                                    

 Gabriella POV

"Good morning, students. I'm Benedict Harweys, your newly elected headmaster of this academy, and without further ado, I would like to announce the new main rules for this campus. No questions, just listen."

He stood there, a serious look on his face. Ang bagong HM, medyo may edad na at medyo mataba. Rules lang pala ang ia-announce, pinapatagal pa. Pwede naman sa classroom diba?

Nasipat ko sa baba ng stage ang grupo ng mga armadong lalaki katulad sa gate. Nagsalita na ito tungkol sa kung ano ano, tahimik lang akong nakikinig sa mga sunod sunod nitong anunsyo, dahil wala naman akong paki alam eto nanahimik nalang ako sa kinauupuan. Napapa isip ako, kung bago itong Hm e anung nangyare sa unang hm? Napa iling ako at humalukipkip nalang. Pake ko dyan

"FOR FVCK SAKE. FVCKING FINISH YOUR SPEECH, OLD HAG!"

Nangibabaw sa bawat sulok ng gym ang malakas na sigaw na may kasama pang mura. Napa lingon lahat ng tao sa direksyon ng sumigaw at syempre pati ako. Ang lakas naman ata ng loob nito para sumigaw sa hm, mas malakas pa ang tinig kesa sa mic. Naka lunok ba to ng mic yung mas malaki kesa sa hawak ng hm?

Saka hindi ko makita yong sumigaw ang daming ulo e kaya mas tumingkayad pa ako at nag ala geraffe ako para lang makita ang kung sino man ito,

"Excuse me? Mr. Williams? Can you please lower your voice? I'm talking to the students and also your a student so you should listen too. Wag mo kong bastusin." tila nagtitimping wika ng hm habang tutok pa din ang mic sa bibig.

May humalakhak naman na syang sinundan namin lahat ng tingin, isang lalakeng naka upo sa pinaka gilid ng stage at kitang kita ko na ang isang to kase ang taas ng upuan e. Yung inuupuan ng mga coach sa badminton sa gilid ng net parang ganun. 

Hindi pa din ito tumitigil sa pag tawa na syang ikina nuot ng noo ko. Nababaliw naba ito? Nakahawak pa ito sa tyan sa kakatawa e wala namang nakakatawa.

"Mr. Chu, what's funny? Did you take your meds?" natawa ako sa naging tanong ng hm. Pucha! Sa lahat ng tatanungin ganun pa talaga?

"Whahahaha!" halakhak ko dahil natatawa talaga ako sa tanong nito.

Tanga much? napa tigil ako sa pag tawa ng mapansing nasa akin na ang atensyon ng lahat. Napa lunok pa ako ng laway dahil ang sasama ng mga tingin nila. Napa ngiwi ako.

"Uhmm..." Nakagat ko ang pang ibabang labi kase ang talim na ng tingin sakin ng hm at kita ko din ang pagtingin ng lalaking tumawa kanina.

Hindi na ito tumatawa at seryoso na ito ngayong napatitig sakin. Ano ba naman gab! Ang tanga mo! Act like mika! Alam kong hindi ganto si mika, yan padalos dalos pa.

"Ms. Lu, right?" Tumikhim pa ang hm habang matalim pa ding naka titig saken

"S-sorry---" nakagat ko ang dila ko sa hiya

"Enough! Mr. Williams and Mr. Chu and also you Ms. Lu. Follow me in my office. NOW!"

Napa lunok ako ng ilang ulit. NAMAN E!

Tahimik akong naka upo sa gilid ng sofa dito sa opisina ng HM, sige siya na ang may magarang office. Pagka-dating at pagka-dating namin dito kanina, e pina-upo lang kami ng HM sa sofa at umalis na. San kaya pumunta ang matandang 'yon?

Napalingon nalang ako sa dalawa na seryoso lang ang pagkaka-upo sa mga single sofa. Ngunit nangunot ang noo ko nang bigla tumayo 'yung tawa ng tawa kanina. Nilingon niya ako, na siyang ikinapagtaka ko.

"Babe." he murmured.

Nanlaki ang mata ko.

"Excuse me?" taas kilay kong sabi at nagtaka.

Pero ngumisi lang ang loko. Napapa-pitlag ako nang bigla itong lumapit sa akin. Mabilis kong inilayo ang mukha dahil balak niya atang halikan ako. P*ta!

"Oh c'mon! We're always doing this, babe."

Nangunot lalo ang noo ko. The heck?!

"Anong pinagsasabi mo?!" singhal ko.

Nilapitan niya ako ulit at pilit inaabot ng mukha niya ang mukha ko kaya wala akong nagawa kundi itulak siya ng malakas at mabilis na tumayo.

"DON'T TOUCH ME!"

"What the hell?! Ano ba, Mikaella!"

Nanggigigil ako. Napaka-manyak!

"Settle down."

Hindi ko pinansin ang nagsalita at hinablot ang isang wooden trophy sa desk ng HM. Alam kong lumalabas na ngayon sa noo ko ang mga ugat ko dahil sa inis. Putang inang lalaki 'to! Akala ko decente, may tinatago din palang kati! Ang gwapo pa sana ng mukha, wala din palang hiya!

"STOPPP!!"

Rinig sa bawat sulok ng office ang ma-ala microphone na bunganga ng HM at may naramdaman din akong mga kamay na pumigil sa akin upang batuhin ko ng trophy ang lalaking naka-takip ang braso sa mukha at nasa sahig.

Puta! Sinong tumigil sa akin? Gusto niya bang untugin ko din--- sabi ko nga titigil na.

Nanlilisik ang mga mata ng isang lalaking kasama namin kanina, siya 'yung sumigaw kanina sa HM. Masama niya akong tinitigan at hinablot ng marahas sa kamay ko ang hawak ko.

"I said stop. What are you doing? Hindi ka naman ganito." nilingon ko ang nagsalita, naka-tayo na ito at naka-hawak pa sa noo niya.

Napa-tigil ako sa reyalisyasyong lumukob sa akin. Shit Gab! Nag-pa-dalos dalos ka nanaman! Mabilis akong umayos ng tayo at yumuko sa lalaki.

"S-sorry." hinging paumanhin ko.

Pero bakit nga ba ako nagsosorry? Duh! Ako kaya ang hinarass pero tangina parang kilalang-kilala ako ng lalakeng 'to.

Nagtaka naman ako nang tila tumahimik ang paligid. Nag-angat ako ng tingin at nakitang gulat ang mukha ng mga tao sa loob ng office.

'M-may sinabe ba akong masama?'

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now