CHAPTER TWENTY SIX

1.3K 66 7
                                    

     Gabriella POV

Mabilis kong pinatakbo ang isang motor na nakuha ko sa garahe ng akademya. Lahat kase ng mga sasakyan na ginamit ng mga estudyanteng pumasok sa school na ito ay may mga dala-dalang sasakyan at ang mga susi kinokolekta saka nilalagay lang dito sa isang kwarto sa garahe.

Kinokolekta kase hindi pwedeng lumabas o gamitin.

Mukha ngang pamilyar pero hindi ko na lang inintindi at mabilis na pinatakbo ito palabas ng akademyang ito.

Suot ko din ang helmet ng may-ari, napa-ngisi ako ng maabutang bukas at naka-awang ang gate ng school sa malayo ngunit mabilis na napawi ng may nakita akong grupo ng mga kalalakihan na may mga maskarang itim at may hawak na mga patalim.

Assassins?

Mabilis akong napapreno sa harap nila at dahil mabilis ang pagpapatakbo ko e napa-slide muna ako bago pabalang na napa-hinto dahil humarang sila sa daan. Malapit na eh! Nasa likod na nila yung gate!

"What do we have here?"

Isang lokong tinig ang aking narinig bago lumingon sa kanila at sa relo ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas onse na. Isang oras nalang.

"Move."

Malalim ang aking tinig at hindi ko ginamit ang normal kong tono, palagi ko itong ginagamit kapag nakikipag-bakbakan ako o di kaya ay nakikipag-usap sa mga mafia boss o sa mga maimpluwensyang tao sa mundo.

"Woah! Palaban ang isang to, brad!"

"I want to kill her."

"I want to rip her throat right now."

"Talagang nakakagigil naman kase ang taga special academy, akala mo kung sino."

"I want to f*ck her!"

Matalim ko lamang silang tinitigan at muling pinaandar ang motor at piniga pa ng piniga lalo ito na syang naglikha ng ingay.

"Get out of the way or I'll hit all of you."

Bakas sa malalim kong tono ang inis na siyang hindi ko na naalis dahil sa pagmamadali. Wala na rin akong panahon para makipag-suntukan, anong oras na oh!

BOGSHH!!

Lahat kami ay nagulat sa malakas na pagsabog ng isang building dito sa academy at tanaw na tanaw ko ito mula dito dahil open space ang kinaroroonan namin. Marami ang sumigaw sa gawing iyon na syang hindi ko maintindihan ngunit hindi ko na muli itong pinansin at mabilis na pinaandar ang motor at diretso lamang ang takbo kahit naka-harang ang isang lalaki.

"MOVE!"

Sigaw ko ngunit hindi siya nakinig kaya napangisi na lang ako nang mabilis itong tumilapon nang malakas at bumunggo sa harap ng motor. Malaki kasi ang motor na nakuha ko.

Mabilis kong pinatakbo ang motor at halos magdiwang ang kaluluwa ko ng makalabas ako ng gate ng walang nagbabantay. May ilaw pa sa gawing ito dahil may konting ilaw na nakatayo sa gilid ng highway, ngunit nang maka-layo ako ay dumilim na ang paligid. Mabuti na lang at maliwanag ang ilaw ng motor na ito at nagugustuhan ko na ata kasi ang high-tech, nakakainggit. Bakit hindi ko naisipang mag-motor noon?

Mabilis lamang ang takbo ng motor para mabilis akong makalabas sa lugar na ito. Napangiti ako ng lumipas ang kalahating oras at nakalabas na ako.

Bumiyahe pa ako ng ilang minuto bago makarating sa siyudad ng Maynila. Mabilis kong pinatakbo ang motor sa lugar na pinag-usapan.

Inihinto ko ang motor sa isang tabi kung saan may ilang mga nagbabantay na pamilyar lamang ang mukha. Mga nakasalubong ko na siguro sa hideout. Tinitigan nila ako at handang-handa pa ang mga hawak na baril na nakatutok sa direksyon ko.

Inalis ko naman ang helmet at iwinagayway ang buhok. Napansin ko ang mga ito na nakatitig sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at nagulat naman sila bago nagbigay-galang, ngunit muling tinutok ang mga baril sa akin. Ay oo nga pala, si Estevan ang kumukontrol sa mga ulol na ito.

Naka-sunod lamang ang apat na bantay sa likod ko at ang dalawa naman sa harap ko. Nilalakad namin ang direksyon sa kung saan naroon daw si Estevan saka ang mga kasamahan ko. Lihim akong napatingin sa ilang mga lalaking nasa gilid sa bawat dinadaanan namin at gulat na napatingin sa gawi namin, o baka sa akin.

Isang taon ka ba namang nawala ng parang bula. Syempre magugulat ang mga 'yon na biglang susulpot ang tinaguriang Queen ng mga 'to. E hindi ko naman gusto maging queen nila, sunod lang naman sila ng sunod sa'kin kase gusto nilang matikman ang mga gawa kong pill. They're just being selfish, they want to follow me because of that and I hated it.

My pill has its uses, it's poisonous at the same time helpful in a situation. I concoct poisonous pills and I also concoct useful and edible ones. Like what I gave to Haize a while ago. That pill will knock him down for quite a time. Serves him right.

Binuksan ng isang lalaki sa unahan ang isang pinto ng hindi ko namalayan narito na pala kami sa lalim ng iniisip ko.

Bumungad sa'kin ang malawak na kwarto at nakita ko kaagad si Caroline na tila busy na busy at tila nagmamadali sa paghahalo ng kung ano-anong chemical. Nasa harap din niya ang mga iba't ibang kulay ng mga gamot at chemical na nasa glass tubes. Hindi dapat minamadali ang paghalo ng mga ito, tanga ba 'to? Ilang beses ko na 'tong tinuruan ah? Baka bigla na lang sumabog ang buong lugar na 'to.

Nagtataka akong pumasok at naka-kunot noo.

"What's happening?"

Lahat sila ay napatingin sa akin. Pati na rin ang mga pamilyar na mukha na tahimik lamang sa gilid at binabantayan ng ilang armadong lalaki.

"Gabriella!"

Humahangos na lumapit sa akin si Caroline na may mga luha pa sa mukha. Nag-alala naman ako.

"Where's that bastard Estevan?"

Inis kong tanong dito ngunit napalingon na lang kami pareho ng biglang lumabas ito sa isang pinto na sa tingin ko ay karugtong ng kwartong ito. Ngunit bago niya naisara ang pinto na nilabasan ay nahagip ng mata ko ang ilang mga lalaki doon na napaka-pamilyar ng pangangatawan.

Napa-lunok ako, wag naman sana Lord.

Naka-ngising lumapit sa amin si Estevan at sumenyas sa mga lalaking nasa likod ko lang na kanina ay naka-sunod sa'kin. Hinawakan ng dalawang malaki ang katawan ang magkabila kong braso na hinayaan ko lang at inip na napatingin kay Estevan na naka-upo na sa isang upuan sa harap ko. Feeling talaga ng hayop na 'to.

"It's nice to see you again, my Queen."

Puta. Sarap ingudngud sa kumukulong mantika ang hayop na 'to para mabura ang bwisit na ngisi sa mukha.

"It's not nice to see you, assh*le."

Walang emosyon kong wika at matalim lang siyang tinitigan. Tumawa ito sa harap ko at ako naman ay hirap hanapin kung nasaan ang nakakatawa sa paligid. Parang baliw na ewan. Ke gwapo gwapong tao baliw naman.

"You never changed. Kahit na nawala na siya just a year ago."

Sabi nito na siyang ikina-dilim ng mukha ko. Ramdam ko ang paggalaw ng mga may hawak sa akin dahil alam nila kapag nagagalit ako.

"Shut up."

Tumawa lamang ito at tila nasisiyahan sa nakikita sa mukha ko. Bwisit talaga, gusto ko na siyang pugutan ng ulo. Ini-imagine ko na nga eh.

"Hahaha! Hindi ka pa pala naka-move on? Shit, ganun ka pala ka in-love sa kuya ko?"

Napa-kuyom ako ng kamao sa galit.

"Don't mention anything about him!"

Galit na galit kong sigaw at nanlilisik mata siyang tiningnan pero sinalubong niya lamang ako ng malutong na tawa.

"Hahaha! My Queen, my Queen. Masyado kang high, hindi ko na hahalungkatin ang nakaraan if that's what you like. Ang kailangan ko lang naman sayo kaya kita nais pumunta dito ay sa mga pill mo. I want all your pills to be my sample. Ako na ang gagawa ng mga ginawa mong pill dahil ayoko na ding makipag-ugnayan sayo."

Na-ngitngit ko ang ngipin sa galit at tila may bumuhay sa loob ko. Malakas kong tinulak ang dalawang naka-kapit sa akin at pupunta na sana sa direksyon niya nang marinig ko ang pagtili ni Caroline.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now