Gabriella POV
Busy ako sa pag aayos ng bagahe sa loob ng kotse ko. Naintindihan nadin ni mama ang pinupunto ko kaya hinayaan nya akong gawin ang gusto ko basta daw susunduin ko sya at maghihintay sya sa araw ng pagdating ko.
Napangiti ako.
Napatingin ako sa black gloves na nakita ko sa loob ng bag at kinuha iyon. Tinignan ko ito ng mabuti at pinagpasyahang suotin.
"Hey."
Napapitlag ako at nasuntok sa mukha si white ngunit na hawakan nya ang kamao ko bago pa tumama sa tila kabute niyang mukha.
"White!"
Tangina, nakakagulat din ang isang to.
"Haha, not the face. Hahaha, by the way. Saan ka pupunta? Care to bring me over?"
Tinaasan ko ng kilay si white at winaksi ang kamay na hawak nya at pinukos ang pag aayos sa bagahe.
"Oh c'mon! Umalis ako ng patago sa school. Kaya lubos lubusin kona! Come on! Bring me over! Sige na!"
Hinila pa nya ang braso ko kaya nag init ang ulo ko at sinapok sya sa ulo.
"Tumigil ka nga!"
Nakita ko syang napalabi at umupo pa sa likod ng kotse ko.
"Sige naaa, babyyy~"
Nagulat sa tono ng boses nya.
Kinilabutan ako ng makita syang nag puppy eyes.
WTF.
Ano bang ginagawa ni white? Para syang tanga.
"Babyy~ Bring me over. I can be your shield, your sword. Just bring me over, i will protect you~"
Kumakanta ba sya?
"Baby? Mukha ba akong baby?"
Inirapan ko si white at isinarado and trunk sa likod ng kotse at naglakad papunta sa driver seat at binuksan ang pinto.
Napayuko ako at kinuha ang isang bag na inilagay ko doon.
"Baby ko."
"Putsang gala!"
Napahiyaw ako ng tumalikod ako sa kotse ay ang mukha ni white ang nasalubong ko.
Nabitawan ko pa ang bag ko at napahawak sa dibdib.
"Wag ka nga nanggugulat! Tsk, pupunta ako ng Underground. Sure ka na sasama ka?"
Tinaasan ko sya ng kilay.
Nakita ko syang napatigil sa sinabi ko at sumeryoso ang mukha.
"Why are you going in 'that' place?"
Napatitig ako kay white.
"You don't need to know why."
Ani ko at iniwasan sya ngunit hinablot nya ang kamay ko at hinila upang mapalapit sakanya.
He look at my eyes, at ang nakakapag taka ay tinititigan nya ako ng nag aalala niyang mga mata.
"Tell me. Be honest, I know when you're telling lies. And it's just the underground, I'm sure i can keep you safe. Now, tell me why do you want to go there. What's your motive, gab? Tell me so I can help you."
Tinitigan ko ang mga mata nya.
"Are you sure you want to help me?"
Tanong ko.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mistério / SuspenseWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.