CHAPTER THREE

2K 89 4
                                    

Gabriella POV

"Kamusta ka na, Mika? Ilang buwan ka din naming hindi nakita at WOW! Your hair suits you the best! Pina-straight mo pala ang buhok mo at pina-dye mo pa ng itim?! Love it!" Malakas na tumili ang isang babae na nabungaran ko sa waiting room and her name is Genivive, isa sa mga close friend ni Mika.

Naka-ngiwi ko itong tinignan, napaka-over reacting naman kasi nito, daig pa bakla sa lakas ng tili.

"Hey! You're not in your usual self."

Nabaling ang tingin ko sa isang babae na hanggang leeg lang ang buhok. Papa said, erica daw ang pangalan nito. Curly ang short hair nito at maganda din ito, bilugan ang mata at maliit ang mukha. Hindi gaya ni Genivive ay mukha itong masungit at suplada. Tinitigan ko lang ito ng nagtataka. I already had a plan, I will disguise as my twin.

Naka-contact lens ako kaya hindi ang totoong kulay ng mata ko ang nakikita nila ngayon.

"I-im sorry, may mga bagay kase akong hindi naalala kaya pagpasensyahan niyo na." Pilit akong ngumiti.

Nakita ko silang nagulat.

"WTF?! What do you mean? Okay ka lang ba?! Bakit hindi ka nakakaalala?! Did something happen to you, ano?!"

Napa-pikit ako sa sunod-sunod na sigaw ni Genivive. Parang mic ang bunganga ng babaeng ito. Napa-iling ako.

"Yahh! What happened to you little bitch?"

Gulat akong napa-tingin sa sigaw ni Erica. For goodness sake! Mga kaibigan ba 'to ng kapatid ko? Maka-bitch siya ha! Baka gusto niyang ingudngud ko yang pagmumukha niya sa salamin at nang malaman niya kung sino sa amin ang bitch.

"Bitch? I'm sorry 'coz I'm not." Inis kong sagot kay Erica na siyang ikina-gulat nito. 

"Woahh! First time na hindi tinanggap ng babaeng yan ang salitang bitch ah!" Napa-ngiwi ako sa nagsalitang si Genivive.

"She really forgot a lot." Sabi naman ni Erica at tinitigan ako ng matalim na siyang tinitigan ko rin ng mas matalim.

"I got a car accident last month and I was in a coma about a week, doon ko nalaman na nagkaroon ako ng amnesia so I'm seeking your help to make me keep it up. Dahil marami akong nakalimutan." I sincerely said to them both. Ginawa kong kapani-paniwala ang mga pagsisinungaling ko and I was right, kumagat sila sa sinabe ko at nilapitan pa ako ng dalawa para usisain.

"Gosh?! Are you okay now? May sugat kapa ba?! Don't worry I'm here kahit anong tanong pa yan ay alam ko because for almost 5 years kilalang-kilala na kita." Humagikhik ito sa huling salita na siyang ikina-pagtaka ko.

"Yeah, and sorry for my words. Nasanay kase ako na lagi kitang tinatawag non." Hinging paumanhin naman ni Erica na siyang tango lang ang sagot ko.

Lumipas ng ilang oras ang pagkukukwentuhan namin at nagpaalam nadin ang mga ito.

"BYE!! See you at school! Be ready okay? Dahil alam kong marami nang magbabago!" Malakas pang sigaw ni Genivive bago lumabas ng mansyon.

"Bye, see you nalang." Naka-ngiting paalam ni Erica at tamad pang kumaway palabas.

Bahagya lang ako kumaway ng maka-alis na sila, napa-buntong hininga ako ng maka-alis na ang mga ito.

Tumalikod na ako at nagulat akong nasa harapan ko na si papa at seryosong naka-tingin sakin. Namawis naman ang mga kamay ko sa tensyon.

"You're not going, Ella."

Galit na bigkas ni papa sa akin at dahil sa sobrang diin ay napa-nginig ako.

"But, dad—" Naputol na naman ako.

"And that's final." Pagkasabi niya non ay tumalikod na ito at umalis.

Napa-buntong hininga ako.

'Papa, I'm sorry.' Naisabi ko sa isip bago tumungo sa kwarto namin ng kambal ko.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now