Gabriella POV
"Erica!"
Lumingon naman sa akin si Erica at nginitian ako ng matamis.
"Bakit?"
Ngumiti din ako at inabot sakanya ang isang paper bag na naglalaman ng dress nyang pinahiram sa akin nung nakaraang gabi. Isang araw na din kase ang naglipas ng mangyari yon.
"Salamat pala sa dress mo."
Nilapitan nya ako at hinablot ang paper bag kong hawak at bigla akong niyakap.
"I know you're in pain. That's why i'm giving you this tight hug. Dapat hindi mo na napanood pa ang video na iyon. Baka maalala mo lang."
Napa taas ang sulok ng labi ko sa mga tinuran ni Erica.
Hindi ako tanga para hindi malaman na siya ang nag paplay non sa screen. Akala ko nung umalis sya at iwan ako ay kukuha talaga sya ng wine. Pero sa daan na tinahak nya papunta sya sa computer section kong nasaan doon kinokonekta ang pag paplay sa screen.
"O-oo nga, naalala ko ang mga pangyayaring yon."
Malumanay kong hayag na sinamahan ko ng pag utal. Sya lang ba ang marunong umarte? Tsk.
Ramdam kong hinimas nya ang buhok ko at nanatiling niyakap ako.
"There, wag mo na isipin yon okay? Baka mawalan ka lang ulit ng malay kapag naalala mo yon gaya noon."
Tumalim ang mga mata ko. Fvck you, erica. Just, fvck you!
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa isa kong mata dahil sa galit at pagkamuhi.
Kumalas ako ng yakap at napa punas doon. Pansin kong nakita iyon ni Erica kaya lumambot ang mukha nito.
"Hush."
Lihim akong napa irap ngunit binigyan ko sya ng ngiti.
"Okay nako, salamat. Salamat sa comfort mo." anas ko
Kinuha ko ang shoulder bag ko para sa sunod naming klase. Sumabay naman ito sa akin.
"Myghadd. Ang rumi na pala ni Mikaella? Dalawang lalaki ang tumira e, hahaha!"
"Sinabi mo pa, girl."
"Hoy! Andyan na sya. tahimik."
Ginawang blanko ko ang ekspresyon at umupo nalang sa desk ko. Hindi ko pinansin ang tawanan at ilang komento sa akin ng mga kaklase ko.
Tsk, imbis na intindihin nila ang kalagayan ni mika ay mas lalo nila itong ginagatungan ng mga walang kwentang salita. What if ako talaga si Mika? Tsk, alam kong mas lalo syang masasaktan at mapapahiya.
Wala padin silang tigil sa pagchichismis. Kong dukutin ko kaya mga dila nila at putulin no? Good idea yon, gab.
*BLAGG!*
Napagitla ang lahat at napa tahimik ng biglang may humampas sa desk ng teachers sa harap at ng dumapo ang tingin ko doon ay nagulat akong si Estevan iyon at galit ang mukha.
"Who the fvcking hell told you to gossip something about her? DO YOU EVEN KNOW HER?! HA?!"
Napa hinga ako ng malalim at tinignan si Estevan. Galit na galit ang mukha nito at parang papatay.
Nasindak ang lahat pati na ang mga lalaki kong kaklase at halos tumahimik ang buong silid. Napansin ko pa ang guro namin sa unang subject na napatigil sa pinto at nagtago pa.
"SAGOT!!"
Lihim akong natawa at napa yuko. Bakit ba niya ginagawa iyan? Alam kong may gusto sya sakin pero hindi ganyang lalaki si Estevan. Tahimik sya at madalang magsalita nung kami pa ng kuya nya. Saka halos magkasing edad lang kami ni Estevan habang dalawang taon ang pagitan namin noon ni Dave.
"W-wala pong may nagsabi. N-nakita po namin l-lahat yon."
Narinig kong utal utal na sagot ng isang babae sa likod.
Napa ikot ako ng mata.
Napigil ko ang hininga sandali dahil bumunot ng baril si Estevan galing sa gilid ng pants nya at pinaputukan sa ulo ang nagsalita.
Humiyaw ang nakararami at natuod ako ng sunod sunod ng nagpaputok si Estevan sa iba naming mga kaklase.
Umawang ang mga labi ko at hindi alam ang gagawin.
Napawaksi ako ng ulo at mabilis na tumayo.
"Estevan, STOP!"
Hinila ko ang braso nyang may hawak na baril.
"Stop, okay?!"
Pilit kong hinihila ang braso ni Estevan pero nanatili syang nagpaputok sa mga kaklase ko. Napa mura ako.
Napatigil ito sa pagpapaputok ng hinila ko ang braso nyang may hawak na baril at inangat ito upang itutok sa noo ko.
"Sige! Magpaputok ka! Kill me too, estevan! Para wala na akong maramdamang sakit! Just d*mn kill me!"
Napa luha ako.
Binaba ni Estevan ang baril nya at tinitigan ako ng blanko.
"Ano?! You want me dead too, right?! JUST KILL ME! Magmamakaawa pa ba ako para patayin mo? Ha?"
Napa suklay ako ng buhok at napa upo.
Fuck! Ang sakit! Sobrang sakit!
Hindi ko man lang nakasama ang kapatid ko! Namatay sya pero hindi man lang kami nagkita. Nawalay kami ng mga sampung taon palang ang edad namin, kahit sabihing magkamukha kami pero iba pa din ang makita ko siya mismo ng dalawa kong mga mata.
I've suffered enough in europe, i struggle to beg my mom. Nagmamakaawa ako ng paulit ulit nung bata pa lang ako na bumalik kami ni mama kay papa dahil gustong gusto ko nang makasama ang kakambal ko. Hindi ako sanay noon na malayo sa tabi nya. Kaya tiniis ko hanggang sa nagka edad ako para makabalik dito.
Lagi kong ipinag wish sa bawat birthday namin ng kambal ko na sana makita ko na sya. Pero tangina! Bago pa ako makabalik dito patay na pala sya!
"I'm sorry... I'm sorry."
Napasinok ako.
Niyakap ako ng mahigpit ni Estevan at ramdam kong hinaplos niya ang buhok ko.
"I'm sorry."
...
"Drink more."
Inalok ako ng isang bottled water ni Estevan na tinanggap ko lang at hindi sya binigyan ng tingin.
"I'm sorry, gab."
"Don't call me gab, hindi tayo close."
Nilapag ko ang bottle ng tubig sa desk ko dito sa room ng mainom ko ang kalahati nito at tumayo.
"Wait."
Nilingon ko si Estevan.
"What?" masungit kong tugon
"Let's get out of here, you don't belong here. Masasali kalang sa mangayayari dito."
Winaksi ko ang kamay ni Estevan ng hinawakan nya ang braso ko.
Masasali? Tsk.
"Matagal na akong napabilang at napasali sa mga nangyayari sa loob ng akademyang ito, Estevan. Kaya hindi na ito bago sa akin lahat. Kung sino man ang hindi nabibilang dito sa special academy ay ikaw yon. Umalis kana, at sana naman. Wag mo nang tulungan pa si Shan sa mga putanginang mga plano nya."
[A/n: Try reading my new story INTOXICATED! Tenkyuuu💜]
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystère / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.