CHAPTER TWENTY TWO

1.3K 66 3
                                    

 Gabriella POV

Nandito kami sa isang kwarto kung saan nilagay si Genivive, naaawa ako sa sitwasyon nito dahil napakaraming aparato ang naka-kabit sa bawat katawan nito. In coma parin sya.

"Mika, sino kaya ang gumawa nito kay Genivive? At bakit niya ito ginawa? Hindi naman maimpluwensya ang pamilya ni Genivive wala naman silang ugnayan sa mafia world pero bakit may nagtangka sa kanya?"

Napa-kagat labi ako.

"Hindi ko din alam."

Napa-yuko ako. Ang killer ang may gawa nito, kahit gusto kong sabihin ay hindi ko kaya. Kapag sinabi ko mabubuking ako at tiyak 'yon. Kapag sinagot ko kung sino ang may gawa nito ay magtataka si Erica at magtatanong iyon.

Nabaling ang atensyon naming dalawa ng bumukas ang pinto ng silid na ito at pumasok doon si White na naka-lab gown ng doctor ngunit uniporme ng lalaki sa school ang panloob.

White Barquin daw ang pangalan nito.

Hindi niya kami pinansin at diretso lamang ito kay Genivive. Nag-check ito ng kung ano-ano sa kanya kaya hinayaan lang namin. Hindi ko mapigilang maalala ang pag-uusap namin noong nakaraang araw. Hindi pa ako pumayag sa gusto nya, nagtataka ako kung bakit gusto nya akong tulungan. Wala din siyang tinanong na kung ano tungkol sa sulat.

"Wait."

Pagpigil ko dito dahil aalis na sana ito.

"What?"

Taas-kilay nitong tanong. Kahapon pa 'to e, maka-react parang babaeng may menstruation.

Nauna akong lumabas ng kwarto at naupo sa isang upuan sa gilid. Lumabas naman ito sa loob at nilapitan ako.

"Problema ko 'to, kaya hindi ko matatanggap ang alok mo." tinignan ko siya ng seryoso. "At nakikiusap akong sana ay huwag mong sabihin ito sa kahit na sino."

Ayokong mandamay. At ayokong lumapit lapit siya sa akin. Kaya nga ako nagpanggap bilang si Mika dahil alam kong hindi na ako mahihirapan pang hanapin ang killer dahil kapag siya nga ang pumatay sa kakambal ko ay alam kong magtataka ito. Aalamin nito kung sino ako at tama nga ang hinala ko at umayon lahat sa plano.

Halos dalawang buwan din ang inukol ko sa eskwelahan na ito at nagparamdam na din ito.

"Okay."

Balewala nitong sagot at naka-pamulsa pang umalis. Naguguluhan talaga ako sa lalaking 'to. Napapa-iling ako.

KRING! KRING! KRING!

Napatigil ako sa pag-bukas sana ng pinto papunta sa loob ng kwarto ni Genivive ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtataka ako, tanging ang imbestigador ko lang ang may alam ng bago kong number at matagal ko nang sinabi dito na huwag muna siyang tumawag dahil ako ang unang tatawag dito.

Nagtaka ako ng unregistered ang number na ito ngunit sinagot ko nalang.

"Hello?"

["Gabriella."]

Nagulat ako ng boses ni Caroline ang narinig ko sa kabilang linya.

"Caroline?" hindi makapaniwala na tanong ko.

"How did you know my phone number?" taka kong tanong.

Caroline is a half-American and a half-Filipino pero hindi siya fluent in speaking Tagalog kaya kailangan ko pang mag-English dahil hindi din siya marunong mag-intindi ng Tagalog ng husto.

["Gab, where in the Philippines. I'm with the gang."]

Halos manlaki ang mata ko.

"What?"

["G-gab, I'm sorry. I was forced to. They threatened me and the rest, they were looking for you, Gabby. They want you back, they want the queen back. If you don't show yourself they will kill me and the rest who is loyal to you. They can't accept you quitting."]

Napapikit ako at napakagat sa pang-ibabang labi. This can't be happening.

I'm in the middle of a war and this? This makes everything messy. I thought everything is clear out there. Why now?

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now