Gabriella's POV
Nakita ko ang malaking academy sa malayo, ang taas ng mga gusali. Nakita ko ulit ang malaking gate at may mga armadong lalaki na naka-bantay doon. Napalunok ako at pinilit kong kalmahin ang sarili. Kaya mo 'yan, Gab! Scanning lang ang gagawin nila at iko-confirm lang nila na isa kang tunay na estudyante sa paaralang iyon.
Itinigil ko ang sasakyan nang harangin nila sa gate, may isang lalaking lumapit kaya binuksan ko ang windshield ng kotse.
"ID, miss," tahimik kong ibinigay ang ID ng kapatid ko.
Nang tanggapin iyon, patuloy lang sa pagtitig sa akin ang lalaking iyon. Hindi naman pang-bodyguard ang mga suot nilang uniporme dahil naka-all black sila, na para bang handang makipaglaban dahil sa mga nakakabit sa katawan nila. They all look cool but deadly."Ms. Mikaella Lei Lu? You're Chinese?"
Ang angas nito ah, English speaking amputa... dami pang tanong. Inspection nga diba? Tanga mo nga gab. He had a rifle slung over his shoulder, and I quickly averted my gaze.
"My father is," I replied, keeping my voice calm.
He laughed at my answer. "I didn't know you can make jokes Ms. Lu, ohh okay. Just come out for physical inspection." I rolled my eyes internally. May ganun ba?What's the problem? Totoo naman ah, my father is half Chinese and half Filipino while my mom is a pure European. Basically, I'm half European pero may lahing Chinese at Pilipino.
I nodded and shut the window. Before stepping out, I removed my hat.Nang makalabas ako ay bumungad ang naka-ngising mukha ng lalaking ito at sinipat ako mula ulo hanggang paa.
May lumapit namang dalawang lalaki na kasama nito at siniyasat ang loob ng kotse ko habang itong lalaking una akong nilapitan e tahimik lang at titig na titig sa akin.
"Clear, boss," nagsalita ang isang lalaki matapos siniyasat ang likod ng kotse ko pati harap. Yung isa naman ay ang sumiyasat sa loob ng kotse ko at busy pa rin sa pag-inspection.
Nakita ko din sa mga kadadating lang na mga kotse na pinahinto din sila pero ang pinagtataka ko e ID lang ang pinakita ng mga ito at pinapasok na sa loob.Kunot noong binalingan ko ang lalaking nakatayo ng tuwid sa harapan ko. Titig pa rin ito sa akin na siyang ikina-taka ko. Naka-mask ito ng itim katulad ng iba nilang mga kasama kaya hindi ko nakikita ang buong mukha nito.
"Excuse me, sir?" pagtawag pansin ko dito.
"Yes?"
"Bakit parang ako lang yata ang pinalabas for 'physical inspection' thing na ito? Look, naka-pasok na yung mga kotseng nahuli pa bago ako dumating."
Tumaas ang kilay nito.
"Boss, it's all clear."
Pinutol ng isang tinig ang dapat ay sasabihin niya.
"Your ID, Miss Lu."
Inabot nito sa akin ang ID kaya inabot ko naman pero nagulat ako ng bigla niya itong binitawan, nanlaki ang mga mata ko.
Masama ko itong tinignan bago yumuko at pinulot ang ID ng kapatid ko sa lupa. Nilagay ko ito sa bulsa ko at inis na pumasok uli sa kotse ko.
Pinagana ko na ang makina ng sasakyan ko at pinaharurot papasok sa academy. Malawak ang espasyo ng academy na ito kaya pwede itong pasukan ng kotse o mapa-truck. Magkakalayo din naman yung mga building o classrooms, parang mini city ang academy na ito dahil pwede mong dalhin ang kotse mo para pumunta sa bagong classroom na papasukan kong paiba-iba yung mga subject.
Mabilis kong pinarada ang kotse sa parking lot ng school at mabilis na lumabas. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng akademya, maganda dito ngunit hindi ako pumunta dito para mag-focus sa mga ganitong bagay. Nandito ako para lutasin at hanapin kung sino man ang pumatay sa kakambal ko. Siguro nga nandito lang siya sa paligid kaya kailangan kong dumoble ingat.
"MIKA!!"
Lumingon-lingon ako sa paligid upang hanapin ang tumili sa pangalan ng kambal ko.
Nandito na kase ako sa school grounds bitbit ang dalawang mabibigat kong bagahe. Nakita ko naman si Genivive at Erica na patungo sa direksyon ko. Naka-kaway si Genivive habang naka-cross arms lang si Erica.
Nang makalapit sa akin ang dalawa ay mabilis na kumabit sa braso ko ang tanginang Genivive kaya napa-igik ako kasi dumagdag pa ito sa bigat ng bagaheng bitbit ko.
"Ay sorry, hehe." Napapa-iling ako.
"Ako na mag-bibitbit ng isa mong bagahe, Mika." Tumango ako sa suhestyon ni Erica at nakangiting inabot sa kanya ang isang bag ko.
Sabi nila iisang dorm lang daw kaming tatlo kaya sumunod na lang ako sa kanila. Dito din daw kami nag-aaral noong last school year—este, dito din pala nag-aaral noong last school year si kambal.
Namangha ako nang buksan ni Genivive ang pinto na kinasisidlan ng dorm namin. Ang lapad ng room, may dalawang palapag na halos kita lang dito sa may pinto. Sa una ay may dalawang kama na malalaki, kulay violet ang isang kama habang kulay pink ang isa. Marami ding mga unan na maliliit saka stuff toys, may mga sari-sariling drawer at closet. Tapos sa ikalawang palapag e may isang kama na pinapalibutan ng kung ano-anong stuff toys, may study table din at kulay brown yung motif ng kwarto nito sa ibabaw. Saka nasa gitna ng kwarto ang malaking lamesa na may sofa na sa tansya ko e ang mini sala ng buong kwarto. May CR din nakikita ko sa dulo saka walang kitchen.
"San ako?" Natanong ko sa dalawa pero sabay lang silang nagturo sa taas.
Huh? Ang magandang kama na nasa taas ay akin? Este kay Mika pala."Kama mo yan dito sa dorm saka dito naman kami sa baba. Sige na ayusin mo na ang mga bagahe mo or gusto mong tulungan kita? Kaya lang baka ma-late tayo e kung mamaya ka nalang kaya mag-ayos ng gamit? Nag-start na ang klase."
Hindi naman halatang ang daldal ni Genivive ano? Tumango ako sakanya at umakyat sa hagdan pataas, nilagay ko lang ang mga bagahe ko sa kama saka bumaba na din.
"Tara?" Aya ni Erica. Tumango kami at lumabas.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.