CHAPTER SEVEN

1.6K 83 15
                                    

  Gabriella POV

"Bat mo pina-blonde ulit ang buhok mo, Mika? Ang ganda pa naman ng black alam mo yon? Pero di bale na maganda din naman sayo ang hairstyle mo ngayon kaya nga lang parang naging simple na ang pananamit mo. Nawalan kana ba ng taste?"

Dada ni Genivive habang nilalakad namin ang lobby papunta sa gym. Doon kase pinapunta lahat ng mga estudyante.

"I just feel like blonding my hair saka anong nawalan ng taste gusto mo sapak?"

Nagulat yata ito sa sagot ko kase bahagyang nanlaki ang mga mata nito. Kinalabit nya pa si Erica na tahimik lang na naglalakad.

"Naging violent naba si Mika pagkatapos nya mawalan ng alaala?" Rinig na rinig kong bulong nito.

Bumulong pa e sa sobrang hina narinig ko. Tsk.

Hindi ko nalang sila pinansin na nagbubulungan at naunang naglakad. Wait, san yung gym? Napa-lingon-lingon ako kung saan ako liliko pero napa-inda ako sa sakit ng biglang may bumunggo sa akin. Shit naman oo.

"Napa-angat ang tingin ko sa isang lalake, ang tangkad e, basketball player siguro to? Biglang may sumulpot sa braso nito, 'Kabuti ka girl?' Isang matangkad na lalake ang nasa harapan ko ngayon at isang pandak naman na babae na kamukha si Dora. May bangs e saka short hair amputa. Asan si Booths? Naligaw ba? Yan kase hindi mo binigyan ng mapa.

"Excuse me? A simple sorry would do," kalmado kong ani sa dalawang nasa harap.

Alam ko kasing hindi ko kasalanan na nabangga ko sila.

Hindi ko din ipagkakaila na sumisigaw sa kagwapuhan ang lalaking ito, naka-parong pa ang buhok nya kaya lang may belt ito sa leeg na akala mo aso. Pero nakadagdag iyon ka-angasan sakanya. Pero para sa akin para syang aso. Maganda din naman ang babaeng nakaka-kawit sa braso nya kaya nga lang pandak saka parang kinulang sa tela yong suot nya katulad sa height nya.

Ang harsh ko naman.

"Oh, look who it is! Fancy seeing you here. Why don't you say hi to your ex, Niccolo?" nagtaka ako.

Anong ibig sabihin ng babaeng ito? Sinong ex?

Naka-kunot ang noo ko ngayon habang naka-tingin sa dalawang taong nasa harap ko. Ang landi din ng boses ng babae.

Napa-iling ako, lahat nalang talaga napapansin ko. Nagulat ako ng kinalabit ako ni Genivive na nasa tabi ko na pala.

"Gosh. Yan si Niccolo yung dati mong kalandian---i mean ex mo." Bulong naman nito.

Tumaas ang kilay ko. Ex? Ex kamo ni ate kambal? Napa-tingin ako sa kabuuan ng mukha nito, hindi naman ganun kababa ang taste ng kambal. Gwapo ang Niccolo'ng ito saka mukhang may lahi. Kaya nga lang mukha ding babaero.

Nagulat ako ng ngumisi ito sa akin.

Napa-ngisi din ako na ikinabigla nya, akala mo magpapatalo ako sayo ha. Ex pala ha,

"Excuse me? Do i know you? Okay na wag kayo mag sorry pero late na kase kami, pwede ba kayong tumabi kahit konti lang?" itinaas ko pa ang isa kong kamay at nag sign na umalis sila sa harap.

Rinig ko namang humagikhik ang dalawa kong kasama sa gilid ko at itong babae naman sa harap ko ay bahagya pang nakanganga sa gulat habang ang Niccolo daw na ito ay biglang nagseryoso ang mukha.

Gulat na gulat? Napa-ismid ako sa kawalan at umalis na lang na sinundan lang ako ng dalawa. Ng makalayo-layo na kami sakanila ay humirit nanaman si Genivive.

"Grabe! Niccolo was shut! Hindi nya siguro inakalang gagawin mo yon, hahahaha! Ang epic ng mukha ng ulok!"

Nagtaka ako sa mga sinasabe ni Genivive.

Nagpatuloy lang kaming tatlong naglalakad hanggang sa natanaw ko na sa malayo ang malaking gym dito sa campus. Marami na ang mga estudyanteng naroon kaya mas binilisan namin ang paglalakad.

"Sino ba talaga si Niccolo na yan?" Hindi ko na napigilang magtanong sa dalawa ng maka-pasok kami sa loob ng gym.

Tumawa naman si Genivive habang napa-ikot mata si Erica.

"Niccolo Valdez, senior natin kase 3rd year college na ito." Napa-tango ako, 1st year college palang kase kami.

"Naging mag on kayo nung senior high pa lang tayo at halos umabot kayo ng isang taon in relationship kaya nga lang nag break kayo kase nakita ka nyang nakikilandian sa ibang lalake kaya ayon, nag wala si ex mo. Nasampal kapa nga sa harap ng maraming tao at pinahiya kapa." Napantig ang tenga ko sa narinig mula kay Genivive.

Sinampal? Pinahiya? Aba! Sumusobra din ang Niccolo na ito na magkasing tunog ang pangalan kay Piccolo sa Dragon Balls ah. Pero kung iisiping maigi, may kasalanan din si kambal dahil nangaliwa ito. Pero hindi din naman pwede yong saktan nya physically si Mika at ipinahiya pa.

"Tapos ano?"

Umupo na kaming tatlo sa mga bleachers na bakante dahil halos maging sardinas na kami sa dami dito sa loob pero infairness, hindi mainit. Ang dami ba namang malalaking stand fan at may kung anu-ano pang mga air blower sa bawat gilid ng gym. Mayaman may-ari e.

"Tapos, pagkatapos nang break up nyo e nilayuan kana nya pero ikaw tong si tanga ay kinukulit mo pa kaya ayon mas lalong uminit ang ulo sayo. Ang tigas kase ng kokote mo ilang beses ka na naming pinagsabihan ayaw mo naman makinig. Araw-araw mo ba namang kinukulit at check! Nilalande."

Nagulat ako, ganun ba ang kambal ko? Napa-buntong hininga ako at umayos ng upo, ilang taon din kaming nagkahiwalay kaya marami akong mga pagbabago nya na hindi ko nalalaman. Natahimik ako at may naisip.

Maari bang siya ang pumatay sa kambal ko? Base sa mukha nito ay parang wala lang naman ang tingin nito saken pero may mumunting galit akong nakikita sa itim nitong mata. Napa-kuyom ako ng kamao.

[FIRST SUSPECT: NICCOLO VALDEZ]

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now