CHAPTER NINE

1.5K 74 1
                                    

   Gabriella POV

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang tinatahak ang daan papunta sa classroom ko, kaklase ko 'yong dalawa at nauna na silang pumasok sa classroom. Napuyat kasi ako.

Napuyat ako kakaisip at pag-aadapt sa paligid.

Ilang araw na rin akong nandito, naka-civilian pa din ako kasi napahuli daw ang delivery ng girl uniforms na stranded daw overseas. Sino ba namang tanga ang magpapagawa ng uniform sa ibang bansa? Syempre ang HM ng school na ito, sino pa.

Marami na rin akong mga nalaman tungkol sa kakambal ko, hindi ako makapaniwala. Ganun ba talaga si Mika? Bakit parang ginagawa niyang katawa-tawa ang sarili?

Bakit niya pinababaan ang pride niya bilang babae? Hindi ganito ang kambal ko.

Nilibot ko ng tingin ang school ground.

Kaunti na lang ang mga estudyanteng gumagala sa labas ng campus.

"It's hard to disguise as Mika." Mahina kong bulong.

Hindi ko na lubos na kilala ang kambal ko. May ex pala siya? At sabi ni Genivive e madami din itong ka-fling. Iniling ko ang ulo para waksiin ang mga naiisip.

"Aw!"

Napahawak ako sa noo ng bumunggo ako sa matigas na pader. Tanga din e.

Iniling ko nalang ang ulo at umiwas sa pader, lalakad na sana ako ng may humigit sa braso ko.

"Ano ba?!" gulat akong bumaling sa mga kamay na humawak sa akin.

Nagulat ako, nanlilisik ang mga abo nitong mga mata habang nakatitig sa akin. Mahigpit niya ding hinawakan ang braso ko kaya hindi ko mapigilang ngumiwi.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba masakit!" Napa-inda ako sa sakit pero parang bingi lang ito.

Umigting pa ang panga niya habang naka-titig sa akin ng matalim. Bakit galit na galit ang mukha nito? Sino ba 'to?!

"Hey. Bitawan mo na."

Napa lingon ako sa nagsalita. Isang mestisong lalaki ang pumigil sa kamay ng lalaking mahigpit ang hawak sa braso ko.

"Let go!" nagpumiglas na ako.

Tinitigan naman sya ng mestisong lalaki at tila nag uusap ang kanilang mga mata

Binitawan ako ng lalake kaya mabilis kong inangat ang long sleeve ko sa braso at halos magmura ng namumula na iyon at bakat na bakat pa ang korte ng kamay ng p*tangina!

Mabilis kong binaba ang sleeve ko at hinarap ang lalaking tila walang emosyon lamang na naka-tayo sa harap ng lalakeng tumulong sa akin.

"Ano bang problema mo?! Inaano ba kita para gawin mo 'yon sa akin ha?!" nanggagalaiti kong sigaw.

Tila nagulat naman ang kaharap nito habang siya ay binalingan ako ng masamang tingin.

"Mika!" Nagtaka ako dahil tila sinuway ako ng mestisong lalaki na ito.

Masama ang timpla ng mukha nito na para bang mangangain ng tao, at bago pa may magawa 'yong lalake sa akin ay hinigit na ako ng mestiso palayo.

"What's wrong with you?! Diba sinabe kong huwag kang magpakita kay Haize? Alam mong malalim pa din ang galit no'n sa 'yo! Anu ba naman Mika!"

Napa-pitlag ako ng pina-upo ako ng lalaking ito sa isang upuan dito sa kwartong pinasukan namin na parang office.

Habang ito ay naka-tayo sa harap ko at tila nagtitimpi sa akin, ngumunot ang noo ko at pinagkatitigan pa ng maayos ang mukha niya.

"Rafael?" Halos mapa-sigaw ako.

What the f! Kaya pala parang napaka-pamilyar ng hinayupak. Pinsan ko pala, ilang taon din kaming hindi nagkita!

Mabilis ko itong niyakap ng mahigpit, na siyang ikina-gulat nito at napa-atras pa ng bahagya.

"Rafael! I missed you! How are you?" Kumunot ang noo nito.

Malawak ang ngiti ko dito, at siya parang gulat na gulat naman dahil lumaki ng bahagya ang masingkit nitong mata. May lahi ding Intsik e.

"Mika? What the hell is wrong with you?" Kunot noong tanong nito.

Nabalik ako sa reyalisasyon at napa-layo sa kanya at natahimik. Shit! Anong kagagahan na naman 'to, Gab?!

Sinuri niya ang mukha ko at parang may hinahanap.

"Your not Mika." Nagulat ako sa bigla nitong sinabi.

"H-ha? Nagpapatawa ka ba--"

"Who are you?!"

Napa-lunok ako.

"Where's Mika ha?! Where is she?!"

Napa-hinga ako ng malalim, kilalang-kilala niya talaga si Mika.

"She's dead."

Napa-tigil ito sa pagsisigaw-sigaw sa akin at gulat na tinitigan ako.

"What the hell?" Napa-ngiti ako ng mapait.

"Wala na si Mika, Raffy. She's dead, someone murdered your cousin-- my twin, that's why I am here to know who is the murderer." Seryoso kong ani.

"So, you m-mean-- your Gabriella? Naka-uwi ka na?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

Tumango ako. Mabilis niya akong niyakap kaya pinatong ko nalang ang chin ko sa malapad niyang braso. I miss my cousin, but I miss my twin a lot more.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now