CHAPTER TEN

1.5K 67 0
                                    

Gabriella POV

"Alam mo ba ang pinasok mo, Ella? Hindi basta-basta ang eskwelahan na ito, mapapahamak ka lang dito! Kailangan mo nang umalis bukas na bukas din, kakausapin ko ang HM, gagawin ko ang lahat palabasin ka lang niya dito."

Napapa-iling ako sa mga sinasabe ni Rafael.

"Malaki ang atraso ko sa HM, Raf. Muntik ko nang sirain ang treasured trophy niya, saka pati na rin doon sa nangyari sa gym kaya pag-iisipan niya daw muna ang ipaparusa sa akin." Ikli kong sabi at pinatong pa ang paa sa ibabaw ng mesa habang nanonood ng TV.

Nandito ako sa dorm ni Rafael, pinapunta niya ako dito para ipaliwanag kung ano ang totoong nangyari sa kambal ko.

Gulat na gulat nga siya at nakita ko pang umiyak, pero mabilis din naman niyang pinunasan. Ayaw pa ipakita e.

Kinuha ko ang bowl ng popcorn at pinatong iyon sa puson ko.

"Hindi ka ba natatakot, Ella? Kasi ako? Natatakot ako sa maaaring mangyari sa iyo dito dahil sa mga pinaggagawa mo! Look! Ako na ang bahala sa paghahanap sa lalaking iyan! Just stay out of this school!"

Anong akala niya sa akin? Mahina? I think my dear cousin doesn't know the real nature of Gabriella Fei Lu. Well, we've been apart for 8 years. They don't know what I've been doing in Europe.

"You don't know what it feels to be useless, Rafael. Wala akong nagawa ng mangyari iyon sa kapatid ko, alam kong huli na ang lahat. Huli na dahil patay na siya, pero nangako na ako. I will find that murderer and I will kill him with my very own hands. I'll make him pay for what he did, Rafael."

Nanggalaiti kong hayag habang higpit na higpit ang pagkaka-kuyom sa palad.

Natahimik naman ito kaya binalik ko ang tingin sa TV at naging seryoso ang mukha. Wala na akong panahon para magloko, I will take everything seriously from now on, dahil alam kong hindi basta-basta ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw.

Kailangan kong maging maingat, kailangan kong hanapin ang taong iyon bago pa niya ako maunahan.

May your soul guide me, my twin. For I will give you justice.

"Mika, yung uniform mo nandun na sa kama mo. Dapat suot na natin 'yun bukas." Tumango ako kay Genivive.

Galing kasi akong banyo, umakyat naman ako ng hagdan habang pinupunasan ang buhok.

Napa-ngiwi ako ng binuksan ko na ang uniform namin. Oo, babae ako pero hindi ako nagsusuot ng maikling palda. Maikli kasi ang palda na ito, parang 2 inches above the knee. Mabuti na lang ang pang-itaas na uniporme kasi long sleeve at may neck tie pa. Kulay itim 'yong palda na may linings na gold sa laylayan nito, at itim din ang tie na may logo pa ng academy. Gold ang kulay ng logo habang ang pang-itaas na uniporme e puti pero de-butones sa gitna.

Nagtaka ako ng may nalaglag sa gilid ng kama at ng makuha ko iyon ay medyas pala. Isang mahabang kulay itim na medyas na may linings din na golden colors.

Maaga akong gumising at naunang naligo, suot ko ang bagong uniporme. Mabuti na lang pala at may medyas na hanggang babaw ng tuhod.

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin dito sa malapit sa kama ni Mika. Maliit lang ang salamin na ito kesa sa bahay, full body mirror din ito.

Nauna akong lumabas ng dorm at napansin kong sobrang napa-aga talaga ako ng gising kasi madilim pa ang paligid. Napa-tingin ako sa wrist watch ko at malapit-lapit na mag-ala sais.

Nagpasya akong tumungo sa garden dahil may mga bench doon. Pinatong ko ang bag sa bench at binuklat ang dala-dala kong libro, unti-unti na naman kasi lumiliwanag ang paligid kaya hihintayin ko nalang hanggang dumami ang mga estudyante.

Naka-rinig ako ng kaluskos malapit sa madahong parte ng hardin. Ngumunot ang noo ko.

Mabilis akong lumuhod at nagtago sa sandalan ng bench nang may lumitaw na lalaking purong naka-itim at naka-takip pa ang buong mukha at ulo na tanging mata lang ang nakikita.

May hawak itong patalim sa kanang kamay habang ang isa ay may hawak na cellphone.

"Boss? Nagawa ko na. Nalagay ko na sa kwarto ng isa sa special 10 ang device."

Tumango ito na parang nakikinig sa mga sinasabi ng nasa telepono.

"Wala po akong iniwan na kahit anong bakas, pulido ang ginawa ko. Tiyak na magkakagulo ulit ang special 10, sigurado 'yon."

CRASHHH

Shit! Napa-tingin ako sa direksyon ng paa ko at lihim na napamura.

Hindi ko alam na may naapakan pala akong tuyong tuyong dahon sa sobrang pag-a-adjust ko para lang marinig at makita ito.

Lumingon ito sa direksyon ko na ikinagulat ko.

Bumigat ang paghinga ko.

"Sandali lang po, boss." Nakita kong ibinaba nito ang telepono mula sa tenga at dahan-dahang tumungo sa direksyon ng kinalalagyan ko.

Mahigpit ang hawak ko sa bench. Hoo! Kaya mo 'yan, Gab, wag kang kabahan. Patahimikin mo na lang siya kapag nakita ka niya.

"Guys!! Bilisan nyo nga!"

Mabilis akong napatingin sa ilang estudyanteng papunta sa gawi namin. Lumingon ulit ako sa kinalalagyan ng taong iyon at nakitang wala na ito doon.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa paghahabol ng hininga.

P*ta. Muntik na ako doon ah.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now