CHAPTER ELEVEN

1.4K 69 0
                                    

   Gabriella POV

Tahimik akong kumakain ng sandwich sa cafeteria kasama sina Erica at Genivive, bumabagabag pa din sa isip ko ang nangyari kaninang umaga.

Sino ang taong iyon? Bakit may hawak siyang patalim? Anong device? Special 10? Nakakabobo.

"AHHHHHHHHHHHHH!! Papasok sa loob ng cafeteria si Isaac!!"

Naagaw ang atensyon ko sa isang babaeng hingal na hingal na pumasok sa cafeteria.

"WHATTT?! YUNG PURSE KO BILIS! MAGRETOUCH AKO! MY GOSH!"

"WAAAH! Makikita ko na ulit si Isaac, my loves!"

Nangunot ang noo ko. Isaac??

"HE'S HEREEE!!" tili pa ng isang babae sa labas ng pinto ng cafeteria at mabilis na pumasok pagkasabi niya no'n.

Okay? What the hell is happening right now?

Tiling-tili ang lahat ng kababaihan, kasama na doon si Genivive, habang walang paki naman si Erica at pinagpatuloy ang pagkain katulad ko.  Tinapunan pa nga ako ng tingin ni Erica na tila hindi makapaniwala.

Nagtaka ako ng biglang tumahimik ang buong paligid.

"What's happeni---"

"Shh!"

Tinakpan naman ni Genivive ang bibig ko at nag-sign pa na tumahimik ako.

Inis kong inalis ang kamay nitong nasa bunganga ko at masama siyang tinignan. Ano bang problema niya?

Napa-lingon ako sa pinto ng cafeteria ng may pumasok doong isang lalaki. Napaka-gwapo nito, kaya pala parang mga bakla kong tumili ang mga babae kanina.

Nangunot ang noo ko, bakit napaka pamilyar nito? Saan ko ba 'to nakita?

"Eehhhhhh." Nabaling ang tingin ko kay Genivive.

Parang natatae ang ekspresyon nito habang pinipigilang huwag tumili. Napa-buga ako ng hangin at uminom ng juice dahil natapos ko na ang pagkain ko.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa braso at tumayo. Nagtaka naman ako ng halos lahat ng mata ay naka-tutok sakin dahil sa pagtayo ko. Naglikha kasi ng ingay ang upuan ko ng tumayo ako.

Tinaasan ko ng kilay ang mga nakatingin sa akin. Problema nyo?

Nag-iwas lang ng tingin ang iba habang ang iba ay masama pa din ang titig sa akin.

"Hoy Mika. San ka pupunta?"

Mahinang bulong ni Erica. Tinitigan ko ito ng naka-kunot noo.

"Classroom." Ikli kong sagot at naglakad na papunta sa pinto.

Napunta ang paningin ko sa lalaking nasa pintuan pa din at hindi pa umaalis. Balak mo bang maging taga-bantay ng pinto? Hindi ko nalang ito pinansin.

"Excuse me." Paggalang ko para makalabas na. Ang laki kasi ng katawan at nakaharang pa sa pinto. Nagtaka ako ng hinarangan niya ako. Problema nito?

Pansin ko ding may mga estudyante sa labas na dapat ay papasok dito sa loob ng cafeteria kung hindi lang hinarang ng mataas at malaking lalaking 'to ang pintuan.

Inis kong inangat ang tingin sa kanya at bahagyang nagulat. Napa-awang pa ang mga labi ko.

'Sya 'yong nakita ko sa park!'

Mabilis kong hinalungkat ang laman ng shoulder bag ko na may kalakihan dahil may laman itong mga notebook. Hinanap ko ang pitaka nito at ng mahanap ko, inabot ko 'yon sa kanya.

Nagulat pa ito sa inabot ko at nagtatakang tinignan ang wallet nitong nasa kamay ko.

"Diba sayo 'to? Here." sabi ko.

"Why did you have my wallet?"

Nagtaka ako ng mahimigan ko sa boses nito ang inis.

"Nakita ko kasi--"

"ARE YOU FVCKING KIDDING ME?!"

Napa-pitlag ako sa lakas ng sigaw nito at ilang hakbang pa akong napa-atras.

Hinawakan nito ng madiin ang braso ko at inagaw ang hawak kong wallet nito. Ano bang problema niya? Ako na nga itong may magandang kalooban para ibalik ito e!

"Where did you find this?" Napa-lunok ako.

Nakakatakot ang mukha niya, ngl.

"S-sa park... sa park ko nakita--- aray! Bakit ba?!"

Nakita kong paano nandilim ang mukha nito. Mabilis kong winaksi ang kamay para mabitawan niya. P*tangina naman oo!

"Your lying!"

Napa-pikit ako ng mariin at napakagat pa ng pang-ibabang labi dahil sa pagtitimpi.

"Ano ba?! Kung ayaw mong maniwala e wag mo!" Inis kong singhal sa kanya at binunggo pa ang braso nito para makalabas.

Walang modo! Ni thank you wala. Ako pa pinagalitan! Heh! Akala ko mabait, yun pala napaka suplado din. Hindi mo pala malalaman ang totoong budhi ng tao sa unang pagkilala at sa kaunting pag-uusap lang ano?

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now