Gabriella POV
["I'm sorry, ma'am. Pero wala na po akong nakalap na impormasyon tungkol sa killer."]
Napa-buntong hininga ako sa sinabi ng private investigator ko sa kabilang linya.
"It's okay, pero ipagpatuloy mo lang ang pag-iimbestiga. May gusto din sana akong ipaimbestigahan. I want you to investigate the special academy at gusto ko lang malaman ang mga lihim nito. I also want to know about the special 10 na sinasabi ng lalaking nakita ko a few days ago."
[Yes, ma'am. Maaasahan n'yo ako diyan.]
Napangiti ako at pinatay ang tawag. Nilingon ko ang paligid dahil baka may mga estudyanteng nandito.
Tumakas lang kasi ako sa klase dahil tinawagan ako ng private investigator ko. May kailangan din naman akong ipaimbestigahan kaya naghanap talaga ako ng lugar kung saan walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.."Cunning little bitch."
Halos mabato ako sa kinatatayuan. Fvck?
Mabilis akong lumingon dito at nakita ko itong naka-sandal sa isang puno malapit sa akin at naka-pikit pa. Yung long hair guy na ang lakas magmura! Yung isa sa dalawang kotseng naka-sunod sa akin nung first day of school.
Napa-lunok ako ng bigla itong magmulat at matalim akong tinignan.
"What do you want to know about the special 10, miss?"
Hindi ako makapag-salita dahil sa gulat. Nanlaki pa ang mata ko habang naka-tingin dito. Dahan-dahan akong tumalikod dito.
Tatakbo na sana ako ng may dalawang kamay ang humablot sa magkabila kong braso mula sa likod."You're not running away." Diin nitong bigkas.
Nagpumiglas ako sa hawak nito sa magkabila kong braso habang nasa likod ko ito at bumulong pa sa tenga ko.
"You want to know the special 10, right? Then, I will show you what kind of crap the special 10 is."
Kinilabutan ako sa tinig nito.
Mabilis nya akong hinila at tinangay kong saan. Halos murahin ko na sya dahil sa pagkakahigpit ng hawak nya sa kamay ko mula sa likod.Pansin ko ang kakaibang tingin ng mga nakakasalubong naming estudyante pero mabilis lang silang napapa-iwas ng tingin at tila kinalimutang nakita nila kami.
Nang akmang ililiko nya ako sa lobby, mabilis kong tinapakan ang paa nito pero halos magulat ako ng hindi man lang sya natinag.
Dahil sa ginawa ko, mas lalong humigpit pa ang hawak nito sa kamay ko sa likod. Napa-daing ako sa sakit.
"San mo ba ako dadalhin?!"Nagpumiglas na ako, nanlaki ang mata ko ng makita ko sa kalayuan si Rafael. Ngumisi ako.
Pinilit kong harapin ang lalaking nasa likod ko pero hinahawakan nya lang ng mahigpit ang braso ko kaya wala akong nagawa kundi ang ibunggo ang likod ng ulo ko sa panga nya.
Napa-ngisi ako ng mag-mura ito sa sakit at lumuwag ang pagkaka-kapit nito sa kamay ko.
"YOU! Stop right there! Fvck!"
Mabilis akong tumakbo sa direksyon ni Rafael, I'm a fast runner kaya alam kong hindi nito ako maabutan ng ganun kadali. Mas lalo akong napa-ngisi.
"RAFAEL---AHH!"
Napa-hiyaw ako ng may humila sa mahaba kong buhok. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang ang long hair guy pala ito at mas lalong hindi ako makapaniwala kase naabutan ako nito! Paano nangyare yon?Mabilis nitong pinulupot ang isang braso sa tiyan ko at idinikit ako sa katawan niya. P*tanginang lalake!
"Ano ba!! RAFAEL!! BITAWA--"
Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko ng isang kamay na hawak ang buhok ko kanina lang. Mabilis din niya akong pinasok sa isang classroom.
Nabungaran namin ang mga estudyanteng titig na titig sa amin pati na rin ang guro na nanlalaki pa ang mata na may hawak na libro sa isang kamay at chalk naman sa isa.
"Mr. Thompson? What are---" magsasalita na sana ang guro ng pigilan siya ng may hawak sa akin.
"Shut up."
Nagpumiglas ako sa hawak niya pero mas lalo niya lang akong idinikit sa katawan niya kahit naka-talikod ako at naka-harap sa guro at sa mga estudyanteng nakanganga."Talaga bang may narinig ka, Rafael?"
Nanlaki ang mata ko.
"Yes, I'm sure. She sounded like Mika, maybe she's here but where is she?"
Rinig ko ang usapan nina Rafael at ng isang babae sa labas ng classroom na ito. Mas lalo akong nagpumiglas kaya mas lalo niya akong niyakap sa beywang at humigpit pa lalo ang kamay nitong naka-takip sa bibig ko.
Napakalakas niya, halos sakopin na niya ang buong mukha ko. Dalawang kamay ko ang gamit para alisin ang pagkakahawak niya sa tyan at bibig ko, pero shit! Sobrang lakas niya kumpara sa akin!
"Mmmm! Mmmmmmmm!"
"Behave."
Bulong nito sa tenga ko, kaya mas lalo akong kinilabutan.
Halos maiyak ako sa sobrang inis ngayong araw. Wtf.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.