Gabriella POV
Hindi na ako nagpumiglas dahil alam kong hindi naman niya ako bibitawan at halos maiyak ako nang marinig ang yapak nila Rafael palayo.
Noo! Rafael is my only chance! Putanginang lalake 'to! Bakit ba kasi siya nandoon sa masulok na garden? Narinig tuloy niya ang pinag-uusapan namin sa telepono. Gusto kong umiyak.
Ramdam kong lumuwag ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko ngunit nanatili ang kanyang isang kamay sa baywang ko. Napa-buga ako ng hangin at masama siyang binalingan ng tingin kahit nasa likod ko siya.
"BITAWAN MO'KO!" singhal ko sa kanya.
Inis na inis na ako para lang makalaya sa hawak niya, ngunit nginisihan niya lang ako at nilapit pa ang mukha niya sa mukha ko.
Anong gagawin ng tarantadong ito?!
"Ano ba!"
Pilit kong nilayo ang mukha sa kanya, ngunit inilapit pa niya ang mukha niya kung saan ko ito inilalayo. Fvck! Isang manyakis din! Ano gagawin nito?!
"Lumayo ka nga!"
Ilang na-ilang na ako dahil patuloy pa rin niya akong nilalapitan ng mukha sa mukha.Nainis yata siya sa paglalayo ko kaya hinawakan niya ang batok ko at inilapit sa mukha niya. Halos maduling ako sa sobrang lapit nito at dumikit pa ang ilong namin sa isa't isa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Mataman niya lamang akong tinitigan sa mata, napaka-seryoso din ng kanyang mukha habang ginagawa iyon. Nagulat ako nang may tumikhim kaya iniwas ko ang mukha sa kanya.
Alam kong pulang-pula na ako ngayon. Huta! Ano ito, Gab?!
"What is the meaning of that, Lucas?"
Napa-angat ang tingin ko sa nagsalita na alam kong ang tumikhim din kanina, at halos murahin ko ang sarili sa pag-iisip kung sino ang taong iyon.
Ang manyakis na si Nathaniel? Bakit siya nandito? Dito din siya nag-aaral? Kung hindi ka din isa't kalahating tanga. Siyempre! Nandito sa loob ng classroom na pinasukan nyo. Gusto ko na lang mawala sa lugar na ito.
Umawang ang labi ko.
Bakit ang malas ko naman ata ngayong araw?
Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari noon sa plane.
FLASHBACK~
"Can I have a taste from these feisty lips you have, Ms. Ella."
Nanlaki na ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"WHY YOU BIG PERVERT!"Sa sobrang inis ko ay tinapun ko sa pagmumukha niya ang suot-suot kong headphone at sumalpok iyon sa mukha niya. Gago 'to ah?!
"Ahh! Shit!!"
Daing nito habang hawak niya ang kanyang ilong dahil dumugo iyon at wala akong pakialam! Ang arte!
"OH MY GOD! BRITNEY! GET THE MEDICAL KIT!"
Nagtaka ako ng biglang sumulpot ang stewardess kanina at mabilis na inalalayan ang lalaking ito at inilipat sa ibang upuang bakante dito sa loob.
Halos tignan na ako ng ibang mga pasahero pero hindi ko sila pinansin at masama pa rin ang tingin sa lalaki iyon kasama na ang malanding stewardess.
Pinagkaguluhan ng ilang stewardess ang lalaking manyakis na iyon para gamutin ang ilong at mata nito. Pansin ko din ang masamang tingin ng malanding stewardess sa akin. Makakatitig! Ano ka, girlfriend?!Inis akong umirap dahil ako ang pinapalabas na masama ng stewardess na iyon sa mga kasama niya at sa pasahero. Tanga din e!
Hindi ko rin mapigilang mapatingin kay Nathaniel na iyon at muntik ko nang masamid ang iniinom kong juice nang makita itong nakangisi sa akin.
-END-
Dumapo ang tingin ng lalaking ito sa akin at nakita ko kung paano kumunot ang noo nito.
"Why do you care?" bagot na sagot ng lalaking Lucas daw ang pangalan sa likod ko, at mas lalo pa akong idinikit sa kanya.
P*ta oo!
Aalis na sana kami sa loob dahil hinila na naman ako ng tarantado ng nagsalita ulit ang manyakis.
"Leave her here, you go."
Halos magdiwang ang kalooban ko sa sinabi niya at naka-ngiti pa siya habang binalingan ako ng tingin.Tama! Yan nga! Para naman makabawe kang manyakis ka!
"And why should I?"
Sumalpok na ang mga kilay ni Lucas habang sinasabi iyon at hinawakan pa lalo ang beywang ko.
Nakita ko namang lumapit sa amin si Nathaniel at walang pasabing hinila ang dalawa kong braso papunta sa kanya.
"ARAY! Dahan-dahan naman!" reklamo ko.
Mabuti na lang at nabitawan na ako ni Lucas. Mabilis akong nagtago sa likod ni Nathaniel na siyang ikina-gulat nito pero hindi ko na lang pinansin.
Nakita ko kung paano mandilim ang mukha ni Lucas sa ginawa ko.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.