CHAPTER FOURTEEN

1.5K 68 1
                                    

Gabriella POV

Pagod akong napa-salampak sa kama dito sa dorm. Ako lang mag-isa ang nandito kasi may klase pa ang dalawang kasama ko, ibang major kasi ang kinuha nila kaysa sa akin kaya magkaiba-iba ang klase naming tatlo.

Talagang napakaraming nangyari sa araw na ito. At pagod na pagod na ako. Iidlip na sana ako nang marinig ko ang kalabog, mabilis akong napabalikwas ng bangon at nagtataka habang lumingon sa gawi ng mini terrace dito sa dorm naming tatlo.

Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang pinto ng terrace. Maingat kong binuksan ang pinto at sumilip.

Kumunot ang noo ko at tuluyan na akong lumabas. Napahawak ako sa railings ng terrace at tinanaw ang paglubog ng araw, napapikit ako at sinimoy ang masarap na hangin. Mabuti na lang at sariwa ang hangin dito sa academy, malayo-layo din kasi ito sa syudad.

"Don't move."

Nagulat ako at hindi makapagsalita nang tinutukan ako ng baril ng kung sino man sa tagiliran. Napalunok ako sa kaba.

"Alam kong may narinig ka mula sa lalake sa hardin. Speak. Tell me, what did he say?"

Napalunok ako sa napakalamig nitong tinig, mas lalo akong napakapit ng mahigpit sa railings at mariin na napapikit.

Nagtaka ako sa sinabi nito? Hardin? Napakagat ako ng ibabang labi nang maalala ang pangyayari sa hardin ng umagang iyon.

'Nagawa ko na. Nalagay ko na sa kwarto ng isa sa Special 10 ang device.'

'Tiyak na magkakagulo ulit ang Special 10, sigurado 'yon.'

Napalunok ako nang paulit-ulit nang maalala ko ang mga sinabi ng lalaking naka-itim, ngunit nagtataka ako kung bakit alam ng lalaking ito na naroon ako at nakikinig.

Hindi kaya, nandoon din sya?

"I said speak!"

Mas lalo nitong diniin ang baril na hawak sa tagiliran ko at hindi ko mapigilang manginig ng kaunti.

"H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo, kaya pwede ba! Umalis ka na!" na-utal kong wika ngunit nilakasan ko ang loob ko.

Napa-sigh ako ng inikot niya ako paharap sa kanya at itinutok ang ulo ng baril sa noo ko. Hindi din ako makapaniwala na mapagsinungaling ang taong ito.

"Don't fool me, woman! Tell me or I fvcking shoot your g*ddamn head!"

Hindi ko alam ang gagawin, nanginginig na ang mga daliri ko dahil parang gagawin niya talaga ang mga sinasabi niya. Ganun pa rin ang mukha niya, para pa ring tila mabagsik na lobo kung makatitig, nanlilisik ang kanyang maiitim na mata. Kitang-kita ko rin ang mahabang peklat nito malapit sa mata papunta sa gitna ng kanyang ilong.

"H-hindi ko din naiintindihan ang sinabi ng lalake sa garden... i-im sorr---"

"Just tell me!"

Napa-pikit ako.

"It's about the Special 10! Kaya wala akong alam, I tried to investigate that Special 10 pero wala akong nalalaman! He just said about something like a device and that they will be in chaos again because of it!"

Sunod-sunod itong napa-mura at ibinaba ang baril sa noo ko at doon na ako naka-hinga ng maluwag. Ngunit agad ding kinabahan nang hinawakan nito ang magkabila kong braso.

"Listen. Wag na wag mo itong ipagsasabi sa iba or else, sasabog ang utak mo ng hindi mo man lang nalalaman." Diin nitong babala at iniwan akong nakatulala.

...

"Oy Mika?! Okay ka lang? Kagabi ka pa tulala ah? May nangyari ba?"

Nabaling ang atensyon ko kay Genivive at Erica na parehong nakatingin sa akin. Umiling ako at pilit na ngumiti sa kanila.

I never knew coming here can be this dangerous and confusing. There's more to it that needs to be known. Grabe Mika, this school is so confusing.

"I'm okay. Napuyat lang," sagot ko.

Nandito kami sa cafeteria dahil lunch time na namin, ginagalaw-galaw ko lang ang pagkain ko at wala talaga ako sa mood kumain dahil sa nangyari kagabi.

Who is he? Bakit galit na galit ang red hair na 'yon? Yan ang tanong ng isip ko.

Napalingon ako sa tabi ko at may tumabi doon, bahagya pang nanlaki ang mata ko nang makita si Nathaniel na naka-ngisi.

"It's nice to see you again, Ms. Ella," sabi ni Nathaniel. Napantig ang tenga ko at gulat na gulat na napatingin sa kanya.

"W-what are you---"

"You can't fool me."

Napa-lunok ako sa sinabi niya..

"Wahh! Si Nathaniel! Hindi mo sinabing close pala kayo nito, Mikaella!" sigaw naman ni Genivive. Inis ko siyang tinitigan dahil tinawag niya ang buong pangalan ng kakambal ko.

"Mikaella?"

Nasipat naman ang tingin ko sa katabi ko ng tila naguguluhan ang tinig nito.

"RIGHT! I'm Mikaella and I don't want you calling me Ella. Call me Mika, Mr.?" Putanginang Nathaniel.

Ngumisi ito sa akin.

"It's Nathaniel Scott, darling."

Halos kagatin ko ang sariling dila sa pagtitimpi. Plastic akong ngumiti at magsasalita na sana nang bigla naman humuni ang speaker ng kabuuan ng school.

{"Splendid day students, I'm Shan De Villa, the head of discipline committee. And guess what? We're having great news!"}

Tumaas ang kilay ko dahil sa mga sinasabi nito, masyado itong jolly ngunit nakaramdam ako ng pagkapanganib sa boses niya.

{"We're having a one-on-one duel! A combat fight that will be held tomorrow. Right in our school! Isn't it fun?! It's been a long time, right? Students of special academy. The dark arena will be open tomorrow, and I'm fucking excited! Aren't you my co-student?"}

Humalakhak pa ito matapos sabihin 'yon. What? One-on-one combat fight? I didn't read this in the information. And it looks like it's a normal thing here.

{"And guess what who's our fighters?! I guess y'all be fucking excited for tomorrow."}

Humalakhak pa ito muli.

"Sino? Sinong lalaban?"

"Shit! Nakaka-excite!"

"I got a bad feeling about this," rinig kong sabi ng katabi ko kaya napa-tingin ako sa kanya.

Seryoso ang mukha nito at tahimik na nakikinig.

"Anong ibig mong sabihin?" Naitanong ko nalang dahil sa kuryusidad.

{"Hey assholes! Lakasan n'yo ang volume! I want all the students of Special Academy to hear this! Okay! As I was saying, our fighters!!"}

Napa-iling ako dahil mas lalong lumakas ang volume ng speaker. Napatingin ako sa malaking flat screen TV sa tabi ng speaker ng bumukas iyon at biglang tumutok yata ang camera sa lalaking katabi ko. Nagtaka ako na ang mukha nito ang nasa TV na parang live siyang vinivideohan. And I know every corner of the school can see and hear this. As far as I know, every corner and room have a flat screen TV.

{"It's NATHANIEL SCOTT! FUCK SCOTTY! HAHAHAHA!"}

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now