CHAPTER FIFTEEN

1.4K 66 0
                                    

Gabriella POV

Gulat akong napalingon kay Nathaniel ngunit blanko lang ang ekspresyon nito. Hindi ba siya natatakot? At teka, sino ang kalaban niya? This is really insane. Ngayon lang ako nakapasok sa eskwelahan na ganito.

Samu't-saring komento din ang naririnig ko sa mga estudyante sa paligid ngunit hindi ko na lang sila pinansin.

{"OKAY! Hey, fucking students! I'm not finished yet. Shut your damn asses!"}

Sino ba ang nagsasalita sa speaker? Bakit napaka-pamilyar ng boses niya sa akin?

{"Scotty? You ready? Ano bang ginawa mo at hinamon ka ng hinayupak na ito? Hahahaha! Okay! The challenger!"}

Muling nasa iba ang tutok ng camera at halos mapanganga ako nang si Niccolo ang nasa flat screen at naka-ngisi pa ang labi. Nandito rin siya sa cafeteria at kasama niya ang pandak niyang girlfriend.

{"NICCOLO VALDEZ!! It's gonna be a good fight! WOOOOO!! FUCK YEAH! HIGH FIVE, FUCKERS!!!"}

Marami ang humiyaw sa nabalita ngunit may ilan na tumahimik lang katulad ko.

{"Okay, this is the head of discipline committee signing out."}

Biglang naging malamig ang boses nito sa huling salita. Napa-taas ang kilay ko dahil mabilis itong mag-iba ng tono ng pananalita. Ngunit biglang bumalik ako sa reyalidad ng padabog na tumayo si Nathaniel at tumungo sa lamesa nila Niccolo sa harap.

Nanlaki ang mata ko ng mabilis ang naging pagkilos ni Nathaniel at sinapak niya ang mukha nito habang hawak niya ang kwelyo ni Niccolo.

"You want to fight me? And what's the reason this time, fvcker?"

Kalmado ngunit may panganib na wika ni Nathaniel sa naka-ngisi lang na si Niccolo, ngunit maya-maya ay nagtaka ako ng lumingon sa gawi ko si Niccolo.

Anong tinitingin niya? Napa-taas ang kilay ko.

"Oh my gosh!" Napa-lingon ako kay Genivive.

"Bakit?" Tanong naman ni Erica dito.

"You are the reason, Mikaella!"

Napantig ang tenga ko sa sinabi ni Genivive.

"At bakit naman? Ano naman ang kinalaman ko sa problema nila?" hindi ko napigilang magsungit.

BLAGG!

Nabaling ang aming atensyon sa nag-aaway ng makitang tumalsik si Niccolo sa isang direksyon.

"BULLSHT, VALDEZ! BULLSHT!"

Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng cafeteria dahil sa nanggagalaiting sigaw ni Nathaniel na halos lukubin ang kabuuan ng cafeteria.

Anong nangyare? Bakit galit na galit siya?

"HAHAHAHA! I can't believe you fancy a bitch like her, Scotty."

Gulong-gulo na ako. Anong pinag-uusapan nila? Nalingat lang ako sandali, naging mas intense pa ang away nila. Tinuro pa ako ng Niccolo na iyon habang sinasabi niya 'yon.

Purgang-purga na ako sa "bitch bitch" na 'yan ha!

"SHE'S NOT A BITCH! SHE'S NOT EVEN—"

Mabilis akong tumayo at tinapon ang tray ng pagkain ko kay Nathaniel dahil malakas ang kutob ko na alam niya kung sino ako. I'm not gonna let him spit those words.

Gulat na gulat ang lahat sa ginawa ko, ngunit mabilis lang akong lumapit kay Nathaniel at hinawakan ang kamay niya bago ko siya hinila palayo sa gitna. This is going too far, so I need to meddle.

Napadpad kami sa garden na malapit lang sa cafeteria at hinila ko siya sa hindi medyo mataong lugar.

Hinarap ko siya bago huminga ng malalim.

Nabungaran ko siya ng puno ng pasta ko dahil hindi ko alam na napasama pala iyon sa pagtapon ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sitwasyon niya, ngunit agad na tumikhim at nagseryoso.

"Kilala mo ako, hindi ba, Mr. Nathaniac?"

Ngumisi ito sa sinabi ko.

Inalis niya pa ang mga pagkain sa ulo niya bago niya ako binalingan at binigyan ng nakakalokong ngiti.

"How dare you throw your food at me? Ni hindi mo man lang kinain ang pagkain mo, nagsayang ka pa." my brows arched.

"At bakit hindi ko itatapon sa'yo ang tray ng pagkain ko? E baka nabuking na ako pag nagkataon do'n." inis kong sagot.

He just scoffed and rolled his eyes.

Napa-isip ako, paano niya nalaman kung sino ako?

"Hey." Lumingon naman siya. "How did you know that I'm not Mikaella?" taka kong tanong.

He smirked at me and sat on the grass. Umupo na din ako hindi malayo sa tabi niya.

"Simple." Nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang napunta sa harap ko at mas lalong pinagkatitigan ang mata ko.

"I'm an expert in terms of inspecting the eyes, and I know what lies beneath them. I know if you're lying or not, it's just one of my capabilities. I can also tell if you're wearing contact lenses or not." He uttered.

Woah, that's kinda dope if it's real or he's just boasting.

"And want to know what my hobbies is? Ms. Ella?" Napa-lunok ako ng biglang naging mapanganib ang tono ng boses nito.

"W-what?" utal kong tanong.

"Collecting rare kind of eyes. The eyes that I took with my bare own hands." Nanlaki ang mata ko.

"ANO??! Baliw ka ba?!"

"Maybe? But darling, I'm so addicted in your green eyes. I want it."

Mabilis akong tumayo at gulat pa din siyang tinignan.

"PSYCHOPATH!" sigaw ko.

Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Rinig ko pa ang halakhak niya bago ako maka-layo.

[A/n: Try reading my new story INTOXICATED! Tenkyuuu💜]

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now