Gabriella POV
"ARE YOU READY!!??"
Isang masigabong na sigawan ang pinakawalan ng mga estudyanteng naririto sa loob ng dark arena. Nasa likod ito ng academya at hindi ito kita sa likod dahil may mga kahoy pang naka-harang bago ka makapunta dito.
Naka-upo lamang ako nang tahimik sa isang sulok at nag-iisang naka-upo dahil lahat ng estudyante ay naka-tayo at nagtatalon-talon pa sa excitement. Hindi kasi pwedeng hindi lahat ng estudyante ang pupunta dito dahil required ang lahat pumunta dito whether we like it or not.
Naka-uniporme pa rin ako dahil gabi na nang pinalabas kami sa opisina ng mga discipline committee.
"THIS IS GONNA BE A GOOD NIGHT! I am Ian Palmer Chu, your emcee, I think?" tumawa ang lahat sa pagdadalawang isip nito.
Kilala ko 'to e, Ian pala ang pangalan nito? Umismid ako nang maalala ang ginawa niya nung nasa opisina kami ng Hm. Napa-isip din ako kung nasan na 'yong isa niyang kasama.
"LET'S GET THIS THING STARTED! OUR CHALLENGER! SIYA AY MAY PITONG PANALO SA MGA NAKARAANG LABAN. AND ONE WIN AGAINST A MEMBER OF SPECIAL ONE. ISN'T HE CHARMING? ISN'T HE STRONG?" tumawa ito ng parang walang bukas. "He's here, appearing in front of us. LET'S GIVE HIM A HAND, FOLKS! COME IN, NICCOLO VALDEZ!"So, all of this is a normal occurrence since before my sister enrolled here. Special One's? What a bunch of crap.
Humiyaw ang lahat ng lumabas sa isang pinto si Niccolo na todo ang ngiti. Napa-irap pa ako ng kumawit sa leeg niya ang girlfriend niyang Patricia daw ang pangalan.
Lihim pa akong natawa ng makitang halos sumabit na ito sa leeg ni Niccolo. Binigyan niya ng malalim na halik ang nobyo ngunit blanko lang akong tumingin. What an eyesore.
"NOW! ANG HINAHAMON! HAHA! PTA ANG MALAS NG PAGBABALIK NG PTANGINA! HINDI NA NATIN PAPAHABAIN PA. NATHANIEL SCOTT!"
Humiyaw lalo ang madla at lumabas na naka-bulsa ang kamay at pa-simple lang na lumakad sa arena ang Nathaniel na ito. Bagot na bagot ang mukha nito at lumingon-lingon sa mga taong nandito. Di hagdan kasi ang upuan dito at saka pataas 'yon kaya nasa ilalim at nasa gitna ang arena na hugis bilog.
Nagtaka ako ng dumapo ang tingin nito sa direksyon ko, or I mean, sa akin. Ngumisi e.
Tumili naman ang mga katabi kong babae sa ginawa niya.
"Did you see that? He smiled at me! Nathaniel smiled at me!!"
"Gaga! Ako 'yon! Gosh! I'm so lucky!"
"Ang asyumera niyo! Halata namang ako 'yon!"
Napapailing ako at hindi nalang sila pinansin. Ngiti ba 'yon? Ngisi kasi sa akin 'yon e. Ngising manyakis.
Pumwesto sila sa loob ng arena habang nasa pagitan nila si Ian. Kita ko pa ang pag-ngisi ng malawak ni Niccolo at tila may sinabi na siyang kinainisan ni Nathan.
Nagpalitan sila ng salita ngunit hindi ko sila naririnig dahil malayo-layo din ako naka-upo. Nagtaka ako ng biglang pumagitna si Ian sa dalawa dahil biglang napikon si Nathaniel at aatakihin sana si Niccolo na siyang pinagtataka ko. Sa pagkaka-kilala ko sakanya these days ay parang hindi naman siya madali mapikon, siya pa nga ang namimikon e.
"WOAH! CALM DOWN, BUDDIES. Babae lang pala ang pinag-aawayan niyo dinala niyo pa sa dark arena, pucha! HAHAHA!"
Nagtaka ako sa salita ni Ian dahil tinutok niya talaga ang mic sa bunganga niya."START! START! START!" Pa-ulit-ulit na sigaw iyan ng mga estudyante.
Lumayo naman sa isat-isa ang dalawa at pumwesto sa gilid ng arena. Walang anumang harang ang bilog ng arena at kung sino ang tatalsik palabas ng arena ay siyang hihiranging natalo at ang naiwan naman ay ang hihirangin na nanalo.
"START!" Sigaw ni Ian at mabilis na umalis sa arena at tumalon sa ibaba ng bilog at umupo sa hindi kalayuan.
Nagkaroon ako ng gana upang panoorin ang mangyayari kaya pumokus ako ng tingin dito.
Mabilis na sumugod si Nathaniel kay Niccolo at umamba ng isang suntok na siyang nailagan lang nito. Napaka-bilis nilang gumalaw at umiwas sa atake ng bawat isa na walang kahira-hirapan. They make me think they're not just ordinary students.
Nagpa-ulan ng suntok at sipa ang dalawa ngunit parehas nila itong naiiwasan. Napa-nganga ako. Ang gagaling nila! Not gonna lie, kaya ko naman 'yan kaya nga lang kulang ako sa lakas. I don't have that strength I was had before. Nasapo ko ang dibdib ng may naalala.
Bahagya akong kinabahan ng nasuntok si Nathaniel sa mukha at tiyan. Ngumisi naman ang Niccolo na ito at tumatawa pang nakatayo sa harap ng nakahigang si Nathaniel.
"COME ON!" rinig kong sigaw nito kay Nathaniel.
Napa-ngisi naman ako ng pinatid ni Nathaniel ang paa ni Niccolo kaya bumagsak din ito sa sahig. Tumayo ng mabilis si Nathan at pinatungan si Niccolo bago pinaulanan ng suntok."COME ON, VALDEZ! YOUR GONNA LOSE! HAHAHA!" sigaw naman ni Ian sa mic at nakita kong humagalpak pa ng tawa sa labas ng arena at tila natutuwa pa sa nangyayare.
Biglang umiba ang posisyon ng dalawa at si Niccolo na naman ang naka-patong sa ibabaw ni Nathaniel at sinuntok din ito. Huminga ako ng malalim dahil sa tensyon.
Hila ni Niccolo ang kwelyo ni Nathaniel at pinatayo ito. Nakita kong gumalaw ang mga labi ni Niccolo at tila may sinabi na siyang ikina-dilim ng mukha ni Nathaniel.
Anong sinabi ng lalaking 'yon? Bakit biglang nagalit bigla si Nathaniel?
"WOAHH!" halos sambit ng lahat ng biglang tumalsik sa gilid ng arena si Niccolo at muntik pang malaglag kung hindi lang ito umaksyon kaagad.
Tumakbo si Nathaniel sa gawi ni Niccolo at sisipain na sana ito ng biglang gumulong si Niccolo sa ibang direksyon at naging dahilan ng kamuntik malaglag ni Nathan sa labas ng arena.
Lumakas na din ang tibok ng puso ko sa mga nangyayare at halos mag-iisang oras na ang kanilang laban ngunit wala pa ding nagwawagi.
Pawang hingal na hingal ang dalawa pero walang nagpapatalo sa bawat isa. Taas ng pride e. Napa-tingin naman ako sa gawi ni Ian ng may lumapit sakanya isang lalaki at may bumulong dito. Tumango-tango naman ang Ian na ito.
"Okay!! WEAPONS ARE ALLOWED NOW!"
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.