CHAPTER TWENTY FOUR

1.3K 70 0
                                    

Gabriella POV

Mabilis ang pagkilos nito. Ngunit mabuti na lang at nasasabayan ko ang bawat atake nya, napa-ngisi ako. Hindi isang Mikaella ang makikita mo ngayon Haize, hindi isang babaeng mabilis mong saktan at mabilis matakot. I'm not Mikaella, I am being who I am right now.

Napa-bridge style ako upang maiwasan ang matalim nyang katana.

"You're good."

Mabilis akong lumayo dito. Kita ko ang malawak nitong ngisi sa tulong ng buwan. Wala na akong oras, pasimple akong napatingin sa relo sa aking kamay at halos mapa-mura ng makita kong alas dyes na. Isang oras ang byahe palabas ng sakop ng akademya kaya pag nagtagal pa ako-- aish!

Iwinagayway nito ang hawak na katana sa kamay at nilalaro habang ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sakin. Hindi ko mapigilang ma-intimidate sa bawat titig nya na para bang hinahalungkat ang kaluluwa ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ng mabilis itong sumugod at hindi agad ako naka react. He's good! Napaka galing nya!

This time ay hindi niya ginamit ang talim nang hawak na katana para atakihin ako bagkus ay binaliktad nya ito at pinatama sa tiyan ko na syang hindi ko naiwasan. Napa ubo ako sa sakit ngunit mabilis siyang hinawakan sa kwelyo at pinag salpok ang aming mga ulo. 

Hilong hilo ako matapos ihampas ang sariling noo kay Haize at nakita kong ganun din sya. Yumuko ako at pumulot ng isang bato at binato ang hawak nitong katana dahilan upang tumalsik ito sa di kalayuan.

Hawak ko ang noo matapos gawin yon dahil parang nasugatan yata ito. Kung bakit ba naman binunggo mo ang ulo mo gab?

Kita ko syang pilit winawaksi ang ulo kaya mabilis ko syang nilapitan at patalon pang sinapak sa pisngi. Lihim akong napa aray. Puta, bato ba ang mukha nito?

Nanlaki ang mata ko ng mabilis nyang sinalo ng kanyang malalaking braso ang isa kong kamay na susuntokin ko sana sya ulit at susuntok din sana ako gamit ang isang kamay ngunit napa inda ako ng mabilis nya din itong sinalo at higpit na higpit na hinawakan. Oh shoot! Im trapped!

"You're darn head is bleeding? Guess you're not that hard headed, missy."

Ngumisi ito, argh! Putangina!

Kompletong mura na yan! Titirisin ko talaga ang hinayupak nato!

Higpit nya lang na idinikit ang dalawa kong braso sa magkabila kong beywang at mas lumapit pa ito sakin na halos magdikit na ang aming katawan. Hindi ko mapigilang mapa sigaw ng mabilis nya akong binagsak sa lupa at pinatungan.

"Let's see, who the fvck you are."

Itinaas nito ang dalawa kong braso sa uluhan ko at hinawakan lamang ito ng isa nyang kamay, mabilis agad akong kumilos at sisipain na sana ang pinag iingatan nito ng nanlalaking mata akong napa tingin sakanya dahil mabilis nyang binukaka ang paa ko at muling pinatungan. 

Gusto kong pumatay sa mga sandaling ito.

"I very well know that technique, missy."

Mas lalong lumawak ang pagkaka ngisi nito at mabilis na hinila ang itim na takip sa mukha ko at bago pa tuluyang makita nito ang mukha ay mabilis ko ulit na binunggo ang nagdudugong noo sa mukha nya kaya nabitawan nya naman ang mga kamay ko ngunit hindi pa din sya umaalis sa pagkaka dagan saken.

Mabilis ang ginawa kong pag kilos at buong lakas syang tinulak at dinaganan. Tinakpan ko ang mga mata nito upang hindi nito makita ang mukha ko, nagsimulang iginalaw nito ang mga kamay at pilit inaalis ang palad ko sa mata nya habang ako ay pilit inaabot ang telang itim na itinapon nya na nasa ibabaw na ng ulo nya pero hindi ko maabot dahil ang likot ng lalaking to! Isali mo na din ang mga paa nya!

Napasinghap ako ng naalis nito ang palad ko sa mga mata nya.

Sh*t! No!

Mabilis kong binalik ang palad sa pagkakatakip at hinila ng isa kong kamay ang kanang braso nito at pinatungan ng aking binti at ganun din ang ginawa ko sa isa.

And guess what? Nakapatong lang naman ako ngayon sa dibdib nya habang pilit na dinadaganan ng mga tuhod ko ang dalawang braso nya. This is the worst fight I've ever done in my entire life! Nakakabwisit!

"F*ck! F*CK! GET OFF OF ME!!" murang sigaw nito at napaka lakas pa.

Napa lingon ako sa likod ng maka rinig ng mga boses at muling bumaling ng tingin sa lalaking ito at gulat na gulat ng makitang namumula ang buong mukha nito pati tenga at leeg. Alam kong ganun din ako pero, d*mn!

Magsasalita na sana ito ng walang habas ko itong hinalikan sa labi upang tumahimik dahil alam kong may tao sa kalayuan. Ramdam ko ang pagka bato nito sa kinahihigaan at hindi na ito nagpupumiglas. Ngunit ako yata ang mas nagulat ng mabilis itong tumugon at pinasok pa ang dila nito sa loob ng bibig ko.

Nanatiling nakatakip ang kamay ko sa mata nya at hinayaan lamang ito sa pag halik sa akin at hindi ko maipagkakailang napaka sarap nitong humalik. Ramdam ko ang dila nitong sinusuyod ang loob ng bibig ko at kinagat pa nito ang dila ko na siyang ikina laki ng mata ko at ikina balik ko sa ulirat.

Mabilis akong bumitaw ngunit hinabol nito ang mga labi ko dahilan upang mapaupo kami sa ginawa nya.

Jusko lord, patawarin nyo po ako sa ginagawa namin at okay lang po kung ayaw nyong patawarin ang Haize na ito dahil siya naman itong may kasalanan pero hindi ko po ito gusto.

Pinulupot nito ang dalawang braso sa bewang ko kaya hindi ako naka-kilos kaagad ngunit nanatiling nasa mata nya ang kamay ko. Anong gagawin ko? At puta hindi ako makahinga.

Pinag-papalo ko ng isa kong kamay ang dibdib nya at nakuha naman nito ang ibig kong sabihin. Bumitaw ito sa halik at mabilis akong napayuko at hinabol ang hininga habang nasa mata niya pa rin ang palad ko.

This freaking pervert! He intends to kill me by kissing the air out of me!

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now