CHAPTER TWENTY NINE

1.3K 63 5
                                    

  Gabriella POV

Gulat na gulat ako ng mabuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong lalaking kilalang-kilala ko at kasama nila si Estevan sa loob. Napa-higpit ang aking kapit sa kamay ni Caroline at mabilis na umatras.

"Stop."

Natuod ako sa nakakatakot na boses ni Jarred Nawrat, ang mayroong pulang buhok at nakakatakot na peklat sa mukha. Nandito din ang Simon Williams na ito na kasama ko sa loob ng opisina ng HM at gulat akong napalingon sa gawi ni Nathaniel.

Why are they here? Akala ko ba hindi pwedeng lumabas ng school na iyon?

"Stop. Gabriella, didn't I tell you to stay still in that room?"

Inis na tanong ni Estevan at napatayo mula sa kinauupuan. Mabilis kong iniwala ang emosyon sa mukha ng dumapo ang tingin ng lahat sa akin lalong-lalo na ang tatlo.

"You're not the boss of me, Estevan."

Matalim kong paliwanag at sinamaan siya ng tingin. Kailangan kong ibahin ang mga kilos ko kesa sa mga kilos ko sa academy.

"She looks so familiar."

Napigil ko ang hininga ng magsalita si Simon at itinuro pa ako ng hintuturo niya.

"Familiar? She can't be, Williams. She's our Queen. She's from Europe, She has never gone here in the Philippines for quite a while. Ngayon lang."

Mahabang paliwanag sa kanila ni Estevan. Bahagya akong napangiti ng tila naniwala si Simon dahil tumango ito at inalis ang tingin sa akin. Aalis na sana ako ng magsalita si Nathaniel at dumapo ang madilim nitong mga mata sa akin. Which is nakakabigla.

I never saw that part of him.

"Queen?"

"Yes. You know her, she's our famous alchemist. She's good at making pills and such but sadly she's going to die sooner or later."

Ngumisi ang tarantadong Estevan sa akin.

Napa-buga ako ng hangin ngunit lahat kami ay nabigla sa paghampas ni Nathaniel ng kanyang kamay sa lamesang kanilang kaharap.

"What do you mean?"

Galit na wika ni Nathaniel at matalim na binalingan ng tingin si Estevan. Mabilis akong kumilos at nagsalita.

"You're out of that topic, Mr? And oh, Estevan? We're heading out, I won't break my promise and you got what you want. Don't meddle with my business and don't f*cking tail me, got it? Now, I want you to take us out of here because we're freaking lost."

Napa-halakhak si Estevan at lumapit sa akin. Mabilis akong umiwas ng hinaplos nito ang buhok ko.

Natawa itong muli.

"I'll miss you, Gab."

Sumalpok ang kilay ko ng matitigan siya. Miss? Miss he's freaking face!

"Don't dare."

Pagbabanta ko ng akmang hahawakan niya na naman ang buhok ko. Humalakhak itong muli at naunang lumabas sa kwarto. Palihim akong sumilip sa tatlong taimtim lang na nakikinig at tumitingin. Pawang wala silang emosyon na siyang kabigla-bigla kay Nathaniel dahil palagi itong mapaglaro ang ngisi sa mga labi.

Mabilis akong tumalikod dahil kumurba nga ng ngisi ang labi nito. Jusmiyo, sa ginawang pag-ngisi ni Nathaniel parang alam ko nang may nalaman siya. Okay naman sana 'yung dalawa e dahil iisang beses ko lang silang nakita pero 'yang Nathaniac na 'yan ay palaging lumalapit sa akin plus! Alam niyang hindi ako si Mikaella.

Habang tinatahak namin ang daan palabas, biglang tumigil si Estevan sa paglalakad at pinaunang naglakad si Caroline. Tinuro pa nito kung saan ito liliko kung sakali para lumabas. Tumango na lang ako kay Caroline kaya nauna na siyang umalis.

Nilingon naman ako ni Estevan at biglang nilapitan. Hinawakan nito ang magkabilang kong pisngi at gulat akong tinitigan niya ako ng malumanay.

"Gab, change your mind, be my Queen please... don't quit the gang. Let me be your man. I can protect you like how Dave protected you."

Napalihis ako ng tingin sa gawing kanan dahil sa salita nito. Napaka-moody niya masyado, ngayong dalawa lang kami biglang ganito ang pinapakita niya?

"That's a promise of a mafia Queen, Estevan. Inungkat mo ang tradisyon ng samahan kaya bilang dating leader kailangan ko ding gawin ang nakagawian."

Napa-tiim bagang ito sa aking harapan.

"You've told me you want to find someone. Who is he? Who is she? Kung mahanap ko ba 'yang hinahanap mo tatanggapin mo ba ako sa buhay mo, Gab? Kaya kong baliwalain ang pinangako mo basta mahalin mo lang ako, Gab. Handa kong harapin ang lahat ng problemang dadating basta sabihin mo lang na pumapayag kang maging babae ko. I can defy the will of the mafia lords. I can."

Tinabig ko ang mga kamay nito sa mukha ko at umatras ng ilang hakbang mula sa kanya. Kapag ginawa niya iyon mamamatay lang siya. Wala siyang laban sa mga mafia lords.

"Hindi mo ako kayang pilitin mahalin ka, Estevan. I only loved your brother. Mahal na mahal ko siya at kahit patay na siya, it will never change that he still has my heart."

Napaluha ako.

"He's the man I loved. Even if he's dead, he'll always be."

Halos paos kong wika at napayuko. Narinig ko ang pagsapak ni Estevan sa pader sa kanyang gilid ng paulit-ulit. Nang mag-angat ako ng tingin at nakita ko itong umiiyak, ngunit maya-maya ay humalakhak ito sa aking harapan na tila nababaliw.

Napapa-iling ako at napakuyom ng kamay.

Nanatili itong tumatawa kaya umiwas ako ng tingin dito at napakagat sa ibabang labi.

"F*CK! Ano bang meron sa kanya? Minahal ka lang naman niya ah! Hindi mo alam pero ako ang unang nagmahal sa iyo bago pa siya, Gabriella! Mahal na kita nang minahal ka ng kuya ko! Pero bakit siya pa ang pinili mo? Pwede naman ako diba? Hahaha! Sh*t!!"

Ginulo nito ang sariling buhok at tumawa ng tila nababaliw sa aking harapan. Nanlambot ang aking mukha.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Estevan kahit tumatawa ito sa aking harapan.
A laughter without humor, ika nga.

Hinawakan ko ang braso nito at tumingin sa kanya. Ramdam kong napatigil siya at napatingin sa kamay kong hawak ang kanyang braso bago lumingon sa akin.

"Thank you for loving me. But, I don't deserve your love, Estevan. I love someone else and I'm dying." Umiling ako. "We're not meant to be with each other."

Napaka-big deal ng patakarang kapag may lumabas sa samahan ay kailangang pumili sa dalawang pagpipilian, na kung pipili kang patayin ang isa sa iyong pamilya o patayin mo ang iyong sarili. Kailangang gawin ito ng bawat miyembro, kahit na ang nagtatag. Kung hindi namin gagawin iyon ay aaksyon ang mga nakakataas sa mafia world. Dahil kahit anong tago ng isang grupo maraming mata ang nagmamasid.

Gagawa sila ng paraan kapag hindi nasunod ang patakarang inilathala ng ulo ng isang mafia gang. Hindi ko pa nakikilala ang mga nasa taas ng mafia world. Dahil kapag kumilos sila lahat ay madadamay sa nabanggit na gang. They can wash a powerful gang if they want. With just a sway of a hand kikilos ang mga assassins at mga reapers nila. They're powerful enough to do that.

Ilang minuto kaming natahimik. Hindi na din ako nagsalita matapos sabihin iyon ngunit maya-maya lang ay nagsimula nang maglakad si Estevan na sinundan ko na lang.

He was silent after that.

...

"Are you sure you still want to go back to that school?"

Inayos ko ang motor na dadalihin at akmang isusuot ang helmet ng sumagot muna ako.

"Yes. I only have months to live in this world, y'know. I need to find whoever he was as soon as possible."

Iiwan ko lang si Caroline sa isang apartment na binili ko noon, and I know she can handle herself while I'm away.

"Be careful."

Tumango ako at isinuot ang helmet bago pinaharurut ang motor dahil malapit ng mag-alas singko ng umaga. Hinatid ko pa kase si Caroline sa lugar na pagmamay-ari ko.

Mabilis kong pinaharurut ang motor at halos lipadin ko na ang daan sa bilis. Buti na lang at mabilis ang takbo ng motor na ito. Alas singko y media na ako nakarating sa gate ng eskwelahan at nagulat akong may mga armadong lalaki na ang naka-bantay doon kaya tumigil ako sa di kalayuan mula sa gate sapat na upang hindi nila makita.

Shit anong gagawin ko?

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now