CHAPTER THIRTY

1.3K 60 5
                                    

Gabriella POV

Lumilipad ang isip ko kakaisip kung paano pumasok dahil hindi naman pwedeng basta-basta nalang akong susugod.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko nang pumasok sa isip ko si Rafael. E dadial ko na sana ang number nito nang lumabas na lang sa screen ng phone ko ang number niya. Napangiti ako at sinagot ang tawag nito.

"Rafael, I'm here---"

["D*mn, brat! Bakit ngayon ka lang? Look at your back."]

Nakakunot naman ang noo ko pero lumingon na lang ako sa likod ko and there I saw my cousin. Salpok ang mga kilay habang nasa tenga ang cellphone at tila inip na inip kakahintay sa akin.

Napangiti ako at binaba ang tawag. Lumapit ito sa akin at nangunot ang noo ng dumapo ang tingin nito sa dala kong motor.

"Kaninong motor 'yan, Gab?"

Salpok ang kilay nitong tanong. Nag-shrug ako kasi wala naman akong alam kung kanino 'to, hinablot ko lang 'to sa garage ng school. Rinig ko naman ang mahinang mura ni Raffy at inis akong binalingan.

"F*ck, Gab. Kay White ang motor na 'yan, at tingnan mo. It's filled with mud ang puti-puti pa naman ng motor na 'yan. Hayop, binigyan pa ako ng problema, sh*t."

Napa-kamot ako ng batok at nginitian ng malawak si Raffy. Kahit papano, kailangan kong maging positibo. Limang buwan na lang ang nauukol kong buhay kaya kapag may pagkakataon kailangan ko ding magpakasaya.

"Okay lang 'yan, tutulungan kitang maglinis. San tayo dadaan? Hindi naman tayo makakadaan sa gate."

Nag-tsk ito sa inis sa akin at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Pinaandar ko naman ang motor kaya mabilis na lumingon sa akin si Rafael. Salpok na naman ang kilay nito, nubayan.

"Can you lower the f*cking noise of that godd*mn motorcycle?"

Tumango nalang ako at tahimik na sinundan siya. Pwede kasing pahinaan ang motor na ito, ang galing nga e, kinalikot ko kanina ang mga parts. Parang ginawa ang motor na ito na para lamang sa may-ari, kase wala akong nababalitaan may ganitong motor na ipinagbibili. Kahit sa black market wala. It's really exclusive for the owners preference.

Nagulat ako nang tumigil kami sa mataas na pader ng special academy. Napa-linga ang ulo ko ng makitang may pinipindot si Rafael sa gilid nito at may kung ano-anong hinawakan. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla humawi ang pader. Napa-woah ako at sumilip sa madilim na pathway sa loob.

High-tech, secret passage?

"Follow me."

Malaki din ang pader na humawi kaya kahit sasakyan ay kasya dito, pinaka-likod ito ng school kaya hindi kami nakikita ng mga nagbabantay saka maraming damo at ang tataas pa. Pero ang nakakapagtaka e walang damo sa nilalakaran namin na parang sadyang ginawa para pumasok diyan. Sumunod naman ako kay Rafael at mahinang pinaandar ang motor, inilawan ko na din ang daan.

"Psst."

Pagtawag pansin ko kay Rafael na sinasabayan ko lang ng takbo ng motor.

"What?"

Masungit nitong baling sa'ken. Napa-nguso naman ako.

"Sungit."

Napa-irap ito sa'ken. Ano nangyari dito?

"Sakay ka kaya sa likod ko, Raffy?"

Nakangiti kong anyaya ng lumingon ito sa'ken, inihinto ko naman ang motor ng huminto ito at walang sabi-sabing umangkas sa likod ko. Tahimik akong napa-tawa sa ginawa nito.

"Stop laughing, go straight ahead."

Natatawa akong tumango-tango sa sinabi nito at pinaharurut na lang ang motor.

...

"Don't let anyone know about this. Kapag may nagtanong kung nasaan ka ng mga sandaling lumusob ang mga assassins ay sabihin mong kasama mo ako. Okay?"

Tumango ako sa sinabi ni Rafael na nandito sa dorm namin. Nakapagbihis na din ako at nagsuot na ako ng contact lenses, naka-uniporme kase may klase. Puyat pa nga ako eh.

"Don't worry, kung ano man ang palusot ko o-oo ka na lang ha?"

Natawa ako ng lumubo ang pisngi nito sa sinagot ko at pinisil ang tenga ko. Napa-aray ako. Puta, ginagawa na naman niya.

"At ano naman ang iniisip mo ha? Baka anong kagagahan naman 'yan, Gab. I know you, masyadong makulit ang utak mo sa ganyang bagay."

Tumawa ako ng malakas at muling naalala ang mga nangyari noon.

"Arayy! Raffy naman e! Oo lang naman! Dami pang arte."

Inis ngunit natatawa kong sagot ng mas hinigpitan nito ang pagkaka-pingot ng tenga ko.

"Raffy, bitaw! Aray! Sakit! Bwisit ka!"

Hinila ko ang buhok nito kaya nabitawan nito ang pagkakahawak sa tenga ko. Tawa ako ng tawa dahil namumula na ang mukha ni Rafael sa inis dahil ang mas lalong kinaiinisan nito ay ang guluhin ang buhok niya.

"Wow, ang sweet naman. Kailan pa kayo naging ganyan ka close? Di ako na-inform."

Napa-lingon kaming dalawa sa pinto at nakitang si Erica ito na naka-cross arms pa. Napa-hagikhik ako dahil maraming masungit dito. Isa pa 'tong si Erica.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now