Kabanata 8: Mga Bagong Kaibigan?

282 17 1
                                    

[Kabanata 8: Mga Bagong Kaibigan?]




Napahinga ako ng malalim. Kanina pa ako nakatayo dito sa bintana at kanina pa ako boring na boring. Kainis! Wala bang ibang magawa dito kundi tumunganga? Tanginang buhay, Amanda. Tsk!

"Binibining Amanda nais nyo ho ba ng tsaa?"

Napalingon naman ako kay Carmen. Agad ko siyang hinila.

"Huy may alam ka bang maypa-party dito?"

Tinignan nya ako na may halong tanong.

"Ang ibig kong sabihin, hmm kasiyahan. Oo tama kasiyahan nga."

"Bakit nyo po naitanong, Binibini?"

"Subukan mo nalang kayang sagutin yung tanong ko. Ano? May alam ka ba?"

"Meron po ngunit tuwing gabi lamang 'yon, Binibini. At batid naming lahat na hindi mo hilig ang makihalubilo sa ganung kasiyahan."

Unti-unti akong ngumiti.


_________________________________


"B-Binibini sigurado ka ba sa iyong gagawin?"- pag aalalang tanong ni Carmen

"Oo nga basta huwag kang maingay. Kapag nag-ingay ka sasabihin ko ikaw ang may pakana ng lahat."

"B-Binibini?"- natatakot na siya. Hahahaha!

"Kaya tara na!"- hinila ko na siya sabay talon mula sa bintana.

"Aray!"- sambit ni Carmen at napahawak sa balakang nya.

"Ano? Ang baba lang ng bintana nabalian kana agad ng buto?"

"Paumanhin po, Binibini."- sambit nya at marahan na tumayo.

Tumingin naman ako sa buong bahay at napahinga ng malalim. Tsh, minsan lang naman 'to eh. Lulubusin ko ang panahon at ang katawan ni Amanda hanggat nandito ako.

Tumingin naman ako sa suot ko, ginaya ko yung style ni Carmen na simple lang. Nakaputing blouse ako at saya tapos nagpalibot nalang ako ng tapis sa baewang. Basta ayun na 'yon!

"Sa tingin mo may makakakilala pa ba sa akin kung ganito ang suot ko?"

Ngumiti naman si Carmen ng excited.

"Hindi na po, Binibini. Tiyak at aakalain nilang isa kang ordinaryong mamamayan sa ating barrio."

Ngumiti naman ako tapos naisipan ko rin na ibuhaghag ang buhok ko.

"Tara na baka mahuli pa tayo."- sambit ko at hinila na ulit si Carmen.


Maya-maya ..

"Nandito na po tayo, Binibini."

Napakunot ang noo ko at pinagmasdan ang paligid.

"Nasaan ang party dito?"

"Naroon po sila."- sabay turo nya doon sa natatawa kong parang may bonfire

"Halika, Binibini."

Punyemas? Ang sabi ko party hindi fieldtrip.

Pagka-lapit namin sa mga taong nakapalibot sa bonfire napatingin silang lahat sa amin, yung iba bakas naman ang gulat nang makita ako. Okay?

"Carmen?"- may isang lalaking napangiti, agad itong napatayo at niyakap si Carmen. Ay wow!

"B-Binibining Amanda?"- gulat na tanong nung isang babae

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon