[Kabanata 16: Ang Sinumpaang Araw]
*****
"Hindi mo isinabi sa akin na dadalo ka rin dito sa pagtitipon ng mga Dela Torres."
Tsk!
"Inaya lang naman ako ng dalawang betlog eh."
"Betlog?"- nakasalubong kilay na tanong ni Don Ernesto.
"Ang ibig ko pong sabihin yung dalawang pinsan ko."
Napahinga ng malalim si Don Ernesto.
"Nakita ko ang pagsuway ninyong dalawa ni Ginoong Antonio."
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
"Anton?"
"Pasaway ang batang iyon. Sinabihan ko na siya na hindi muna kayo maaaring magsama dito sa kasiyahan ngunit gumawa parin pala siya ng paraan upang makita ka at maisayaw ka pa."- sambit ni Don Ernesto at napangise pa ito ng tawa.
Pero wait??? I-Ibig sabihin hindi si Abel ang lalaking 'yon? Napalunok ako. Feeling ko kumirot yung dibdib ko. Hays!
Habang nakaupo kami dito sa tabi nang may napansin akong para may mga papalapit sa amin, sabay kaming napatayo ni Don Ernesto.
"Amigo kanina pa kita hinahanap."- sambit nung matandang lalaki kay Don Ernesto at nagkamayan pa sila.
"Cómo estás amigo?"- tanong nung matanda, ano daw?
"Buen amigo, como estas?"- sambit rin ni Don Ernesto.
Pucha feeling ko dudugo ang ilong ko sa mga oras na 'to.
"Mabuti rin. Bueno, heto na pala ang iyong nag-iisang anak? Si Amanda?"
Tumingin naman ako sa matanda at ngumiti ng pilet.
"Siya nga amigo, siya ang kaisa-isa mong inaanak mula sa akin."
"De Verdad? Dios mío, lo siento y olvidé que en realidad estaba teniendo a Amanda."
Ano daw?!!
Si Don Ernesto eh natatawa naman.
Bigla ko naman nakita si Araceli at kasama nya ngayon si Raul? Bakit hindi nya kasama si Bergillo? Eh ayun jowa nya eh.
"Ahm pwede po ba akong magpaalam?"
"Saan ka pupunta?"- tanong ni Don Ernesto
"Lalapitan ko lamang po ang mga kaibigan ko."
Wala naman na siyang magawa kundi payagan ako. Palapit na ako kila Araceli nang makita ko agad si Nando na papalapit sa akin kaya napahinto ako.
"Nando!"- sigaw ko
Halata namang nagulat sya at napatigil sandali.
"Bakit? Bakit ka sumisigaw, Binibini?"- taranta nyang tanong habang tumitingin sa paligid.
"Ano? Ano ng gagawin mo ngayon? Sinasaktan mo na ng sobra si Carmen!"
Napahinga sya ng malalim.
"Batid ko 'yon kung kaya't narito ako sa iyong harapan upang itanong kung nasaan siya."
Tsh!
"Bigla narin syang nawala kanina. Pero nandyan lang yan, hanapin mo at magpaliwanag ka."
Tumango naman siya ng marahan at agad ring umalis. Tsh!
Pagtingin ko naman kila Araceli at Raul halatang may pinag uusapan silang seryoso. Lalapit pa ba ako sa dalawang 'to? Napalingat ako ng tingin, nakita ko si Bergillo malapit sa kanilang dalawa at nakatanaw lamang ito sa kanila. Agad akong lumapit kay Bergillo.
BINABASA MO ANG
Huling Gabi
Historical FictionLunar Trilogy: Ikatlong Serye "Huling Gabi" Gabby Almario, the bad girl who came from the present time will be transported to the ancient times due to the mysterious Lunar Eclipse. Gabby will temporarily replace the persona of a kind and elegant wom...