Kabanata 19: 'Suspetsa'

248 15 1
                                    

[Kabanata 19: 'Suspetsa']



Pagkatapos ng sandaling moment na magkasama kaming dalawa ni Abel, heto ngayon .. nandito na kami sa tapat ng Hacienda.

"Hindi na ako maaaring mag-tagal pa dito sa inyong hacienda. Bueano, ako'y mag-papaalam na sa'yo."- sambit nya sabay tanggal ng sumbrero at yuko sa harapan ko.

Napahinga ako ng malalim at tumango.

"Sige ingat ka."- sambit ko

Umalis naman na siya agad at hindi ko na 'yon pinigilan dahil baka makita pa siya nila Don Ernesto.

"Binibining Amanda, tila mas malapit kayo sa isat-isa ni Ginoong Abel."

Tumingin ako kay Gloria, para rin pala siyang si Carmen.

"Siguro dahil sa kababata ko si Abel."- sagot ko nalang at pumanik na sa loob ng Hacienda.

"Nakakasiguro ka ba sa iyong mga desisyon? Ha? Hindi na ba talaga kita mapipigilan sa mga pina-plano mong mangyari?!"

Napahinto naman ako sa malakas na boses na 'yon na nagmumula sa itaas. Pamilyar sa akin yung boses.

"Huwag mo akong pagtataasan ng boses sa sarili kong pamamahay!"- dinig kong sigaw rin ni Don Ernesto. Nagkatinginan na kaming dalawa ni Gloria at hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papanik sa itaas.

"Ako ang nag-iisang kapatid mo, Kuya Ernesto. Mas malamang ang aking karapatan kaysa sa anak mong isang babae lamang na walang ibang kayang gawin!"

What?! Nakita ko naman agad na bukas ang pinto kaya agad ko itong itinulak ng bahagya. Bumungad sa akin sina Don Ernesto at si Ginoong Raul, nagulat pa sila lalo na si Don Ernesto nang makita ako. Sabi na nga ba at pamilyar ang boses ng lalaking 'to.

"A-Amanda anak."- sambit ni Don Ernesto

"Ano nangyayari dito? Nag-aaway ba kayo?"- tanong ko

Napatingin naman ako kay Raul nang tumingin siya sa akin ng masama. Napatitig ako bigla sa kanya dahil parang nagiging pamilyar sa akin ang mga mata nya, may pumapasok sa utak ko pero hindi ko maaninagan. Napapikit ako ng madiin.





"Sa oras na mawala ka mapapasa-akin ang lahat ng kayamanan ng mga Viscano. Ako ang magiging kaisa-isang tagapag-mana at hindi ang isang babaeng katulad mo lamang, Amanda."




Napadilat ako agad at halos manlaki ang mga mata ko sa naalala ko bigla. A-Ang boses ng lalaking 'yon sa panaginip ko ..

Tumingin ako kay Raul, nananatili syang nakatingin lamang sa akin na parang binabantayan ang magiging reaksyon ko.

Napalunok ako bigla at tumingin sa sahig. K-Kung hindi ako nagkakamali sa mga iniisip ko .. siya? P-Posible na siya ang may nais na mawala si Amanda???


"Amanda umalis ka rito at hindi mo kailangan pakinggan ang usapin ng mga kalalakihan."- sambit ni Don Ernesto

Tumingin ako sa kanila at agad nalang na sinunod ang utos ni Don Ernesto. Pagkababa ko napahinga ako ng malalim at napaupo sa upuan. Nakaka-over think tuloy! Tsk.

Posible ba kaya? Dahil narinig ko ang sinabi nya kanina, na galit sya kay Don Ernesto dahil sa akin ipapamana lahat ng ari-arian ng mga Viscano? Tsh, pero ayoko munang mag-judge hanggat walang patunay dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung gagawin ko man 'yon. Pero tsh, siya na ang suspetsa ko.


_____________________________

Kinagabihan ..

Guess what?

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon