Kabanata 33: Ang Huling Gabi

335 17 3
                                    

[Kabanata 33: Ang Huling Gabi]




Napadilat ang mga mata ko at agad akong napaupo kasunod nito ang paghahabol ko sa aking hininga.

"B-Binibining Amanda??!"

Napatingin agad ako kay Carmen. S-Si Carmen ... b-buhay na ulit si Carmen ..

"Anak .. Diyos ko maraming salamat at iniligtas mo ang aming anak."- napatingin ako kay Donya Hilda na nakapikit at nagdadasal.

Napatingin naman ako sa humawak sa balikat ko. S-Si Don Ernesto ..

Pinagmamasdan ko silang tatlo, heto yung araw na una akong nagising bilang si Amanda. Hindi ko na napagilang hindi bumagsak ang mga luha ko sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. B-Bumalik sila ...


"C-Carmen .."- agad kong niyakap si Carmen at halos mapahagulgol ako ng iyak, namatay siya at wala akong nagawa. Pero ngayon heto at kaharap ko ulit siya.

Humiwalay ko sa kanya at tumingin naman kila Donya Hilda at Don Ernesto. Nung kasama ko sila hindi mo manlang naiparamdam sa kanila ang bilang isang anak. Puro pasakit sa ulo ang dinala ko sa kanila.

"I-Ina .. A-Ama .."- naiiyak kong sambit, hindi naman nagdalawang isip na yakapin ako ni Donya Hilda.

Napapikit ako sa sobrang iyak, sa sobrang saya .. tama lang ang desisyon na ginawa ko. D-Dahil bumalik ang lahat sa dati, ang tanging gagawin ko nalang ngayon ay ilabas ang totoong nangyari sa pagka-aksidente ni Amanda.


_________________________________


Nakalipas ang ilang oras, nakaupo at tahimik lang kaming dalawa ni Donya Hilda habang si Don Ernesto naman ay balisang pabalik-balik na naglalakad sa harapan namin. Nakatayo naman sa gilid si Carmen at nakayuko lang ito.

Hindi mapakali ngayon si Don Ernesto dahil sa isiniwalat ko. Oo, sinabi ko na sa kanila ang tungkol sa kapatid nyang si Raul. Na si Raul ang may kagagawan kung bakit nalunod si Amanda.

"Ipakulong natin siya, ipakulong nyo siya."- sambit ko

"Anak hindi tayo maaaring mag-bintang ng walang ebidensya. Kailangan natin iyon upang tayo ay paniwalaan."

Napaisip naman ako at naalala ko agad si Abel.

"S-Si Abel .."

"Si Ginoong Abel?"- tanong ni Donya Hilda

Tumingin ako sa kanya at kay Don Ernesto.

"S-Si Abel po .. si Abel ang lalaking kasama ko sa dalampasigan bago ako mahulog sa dagat."

Halos magulat naman silang lahat.

"Si Abel po ang inutusan ni Raul para lasunin ako."


___________________________________

Habang sila Donya Hilda at Don Ernesto ay inasikaso na ang pagpapahuli kay Raul, ako naman heto .. nagpasama ako kay Carmen na pumunta ngayon kay Abel para kausapin sya. Upang gawin siyang ebidensya laban kay Raul.

"Binibini sandali."- huminto ako at lumingon kay Carmen.

"Bilisan na natin, Carmen bago pa mahuli ang lahat."

"Ngunit Binibini .. sigurado po ba kayo na kakausapin ninyo si Ginoong Abel tungkol sa ginawa nya sa'yo sa dalampasigan?"

Napahinga ako ng malalim.

"Kailangan ko siyang makausap upang hindi na lumaki ang kanyang kasalanan, alam ko namang hindi nya 'yon sinasadyang gawin."

Hindi pa kami nakakalayo mula sa Hacienda Viscano nang makasalalubong na namin bigla si Abel. Napahinto pa ako nang marahan dahil ang pagkaka-alala ko, pumunta sya sa Hacienda nun kinabukasan pagkatapos kong magising at kasama nya pa ang dalawang pinsan ni Amanda. Ibig sabihin .. dapat pala ay bibisita na sa Hacienda si Abel kay Amanda noong araw na 'yon.

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon