Kabanata 24: Tunay na Pag-ibig?

233 12 1
                                    

[Kabanata 24: Tunay na Pag-ibig?]



Agad akong napadilat at tila bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ni Amanda. Pagtingin ko sa gilid nakatayo roon si Anton, nakatalikod sya at nagluluto.

P-Pero teka??? A-Anong nangyari??? Lumabas ba si Amanda kanina? Tsk! Ano ba??? Litong-lito na ako! Bakit hindi ko alam?? I mean alam ko naman kung kailan lumalabas si Amanda eh, p-pero bakit ngayon hindi ko na alam?! Hindi ko na alam kung ano ang ginawa nya nung lumabas sya ..

Tumingin ulit ako kay Anton, tinignan ko rin yung niluluto nyang adobong paa ng manok. Paluto na yung ulam, ibig sabihin may nangyari na kanina, may moment na silang dalawa ni Amanda kanina???

"Huwag kang mag-alala, Amanda. Magluluto ako ng iba pang putahe para sa'yo."- sambit ni Anton at humarap sa akin. Pansin ko na parang ang bitin ng ngiti nya.

"Bakit?"- tanong ko

Tumingin sya sa akin na may halong tanong.

"Sinabi mo na hindi ka kumakain ng paa ng manok kung kaya't ipagluluto kita ng iba pang putahe."

Ang bitin talaga ng ngiti ni Anton, yung itsurang disappointed ganun.

Ano bang ginawa mo, Amanda?! Nag-effort yung tao na paglutuan ka tapos magpapaluto ka lang ng ibang putahe? Kaartehan ng baklang 'to.

"Huwag na, kakainin ko yan."

Napatingin ng diretso sa akin si Anton.

"Ngunit ang sa---"

"Nagbago na ang isip ko, kakainin ko na."- pagkasabi ko nun pumunta ako sa harap ng niluto nya, pagka-amoy ko mukhang masarap. "Mukhang masarap ha, tikman natin."- excited kong sambit sa kanya.

"Titikman mo??"- hindi makapaniwalang tanong ni Anton. Tumingin ako sa kanya at ningitian sya.

"Oo nga, unli yern?"

"U-Unli??"

"Unli, ibig sabihin paulit-ulit."

Napatango-tango naman siya.

"Bilis na pahinging kutsara, titikman ko na."- sambit ko, binigyan naman nya agad ako ng kutsara then agad akong kumuha ng sarsa tapos tinikman ko.

Napangiti ako ng sobrang lapad dahil kakaiba yung adobong paang manok nya.

Tumingin ako sa kanya.

"Ano ang iyong masasabi, mahal ko?"

Tumango-tango ako habang nakangiti.

"Sobraaaang sarap! Biruin mo 'yon hindi ka lang gwapo, marunong ka ring mag-luto. Ang swerte ni Amanda sa'yo tol."- sabi ko at tumikim pa ulit ng sarsa.

"Ang ibig mo bang sabihin ay karapat-dapat ako para sa'yo?"

Napatigil naman ako at marahan na lumingon kay Anton. Seryoso syang nakatingin sa akin, dyusko ano bang ginagawa nyo sa akin Lord? Bakit naman kailangan kong makaramdam ng konsensya sa lalaking 'to? Tignan nyo naman siya oh, ang seryoso nya ..

I-I mean, hinahanap-hanap nya si Amanda ..

"Binibining Amanda?"

Napalunok ako.

"A-Ahm oo? O-Oo naman, tayo nga diba ang naka-tadhana."- sabi ko at napakagat ng labi.

Loka ka talaga, Amanda. Bakit naman kasi hindi mo muna itinapos ang moment nyo ni Anton bago mo ko pinabalik? Tsh!

"Ngunit nais ba ng iyong puso na ako ang makasama mo habang buhay pag-dating ng tamang panahon?"

Napatigil na naman ako, my goodness hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon