Kabanata 6: 'Ginoong Antonio Hermedillia'

287 14 5
                                    

[Kabanata 6: 'Ginoong Antonio Hermedillia']


*****

Hapon na nang bumalik kami dito ni Abel sa Hacienda. Bago ako pumasok sa loob nagtaka naman ako dahil hindi siya sumunod. Tumingin ako sa kanya.

"Oh kupal, bakit ayaw mong pumasok?"

"Dito nalang ako, Binibini."- nakangiti nya pang sambit

Best friend ba talaga 'to ni Amanda? Tsh! Ang pormal kasi.

"Bahala ka sa buhay mo, arte neto."- pagkasabi ko nun papasok na sana ako nang biglang ..

"Binibining Amanda???"

May biglang lumapit sa aking lalaki na galing sa loob ng Hacienda, niyakap ako ng sobrang higpit.

"Ano ba?!"- sambit ko at agad na tinulak siya.

Sino na naman 'to?!! Infernes mukha siyang anak mayaman! Maputi siya at hindi siya parang pinoy.

"B-Bakit?"- tanong nya

"Anong bakit? Sino ka ba?!"- irita kong tanong

Napatingin siya kay Abel tapos tingin ulit sa akin. Lumingon naman ako ulit kay Abel.

"Kilala mo ba 'tong hinayupak na 'to?!"- tanong ko kay Abel

"Ahm siya si--"

"Ako ang iyong kasintahan, Amanda."

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

"Anong shota?! Ang kapal naman ng pagmumukha mong unggoy ka!"

Napapakunot ang noo nya.

"Amanda totoo ang kanyang sinasabi, siya ang iyong nobyo."- dinig kong sambit ni Abel

Napatigil na ko, tinititigan ko yung lalaki. Iba ang kutob ko sa lalaking 'to eh. Tsh!

"Hindi ako si Amanda, kaya hindi ako ang shota mo!"

"Abel a-ano ang nangyari sa aking kasintahan?"


*BOOGGGSSS*


Sinuntok ko siya. Bakas na nagulat siya at napahawak sa pisnge nya.

"Sinabing hindi kita shota! Naiintindihan mo?!"

Pagkasabi ko nun pumasok na ako sa loob. Pero napahinto ako bigla. Ang talim ng tingin sa akin ni Tandang Ernesto.


__________________________________


"Humingi ka ng tawad kay Ginoong Anton."- sambit ni Don Ernesto.

Hindi ako sumagot.

"Amanda?"- gigil na mahinang sambit ni Don Ernesto.

Tumingin ako sa Anton.

"Eh bastos 'yan eh! Kaya ko siya sinuntok sa mukha."- pagkasabi ko nun halos magulat naman ang mga nasa paligid namin.

"A-Amanda batid mong hindi 'yan totoo."

Ningisehan ko siya.

"Anong hindi? Niyakap mo ko ng walang permiso galing mula sa akin. Bastos ang tawag dun hindi ba?"

Tsh! Akala mo ha.

"Anton bakit nagawa mo 'yon kay Binibining Amanda?"- pinapagalitan siya ng nanay nya. Tsh! Hahaha!

Tumingin ako kay Don Ernesto. Nakatingin lang siya sa akin, umiwas naman ako tingin. Hays!

"Ako na ang humihingi ng paumanhin dahil sa ginawa ng aking anak kay Ginoong Anton. Batid kong hindi nya 'yon sinasadya dahil sa karamdaman nya ngayon."- sabi ni Don Ernesto

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon