Kabanata 7: Kasintahan

287 14 7
                                    

[Kabanata 7: Kasintahan]




Kinaumagahan ..

Nandito ako ngayon sa malawak na lupain ng Hacienda ng mga Viscano. Ang ganda ng tanawin, puro berdeng damo at malalaking puno ang nakikita ko. Bukod pa dun marami ring mga kabayo.

"Hindi ka ba sasakay kay Minda?"

Nalito at napalingon ako sa tanong ni Tandang Ernesto.

"Minda??"- tanong ko

"Sa alaga mong kabayo, anak."

Napa-ah ako.

"Nasaan?"- tanong ko ulit

"Nasa iyong harapan."

Napasalubong ang dalawang kilay ko. Tinutukoy nya ba ang sarili nya? Charot! Heto ang tinutukoy nya na nasa ilalim ng puno at nakatali ito.

Lumapit naman ako doon sa kabayo.

Kulay brown sya, ngayon lang ako makakahawak ng kabayo. Tapos sasakay pa----

Wait???

Tumingin ako kay Tandang Ernesto.

"Sasakay ako sa kabayo?!"- gulat kong tanong

"Iyan ang 'yong ginagawa sa twing umaga ng Sabado, anak. Batid kong hinahanap-hanap mo na si Minda."

Pota? Paano 'to?? Hindi naman ako marunong sumakay sa kabayo?! Tsk, lintek naman Amanda oh.

"Ahm wala ako sa mood sumakay ngayon sa kabayo."- sambit ko nalang

"Pati ang pagsakay sa kabayo ay nakalimutan mo na rin?"- tanong nya

Tsk! Ano bang isasagot ko sa matandang 'to?! Hays!

"Ah hindi naman sa ganun."

"Huwag kang mag-alala, Binibining Amanda."- napalingon ako sa nagsalita.

Heto na namang unggoy na 'to. Lumapit sya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Amanda?"- warning ni Don Ernesto.

Tsk!

"Narito ako upang samahan kang ikutin ang buong Hacienda upang kahit kaunti ay may maalala ka."

"Tsh, hindi nga ako sasakay sa kabayo. Wala akong gana."

Mas lumapit naman siya sa akin. Lumayo naman ako.

"Batid kong nalimutan mo na rin ang magpa-takbo ng kabayo kung kaya't nais kitang tulungan."


_________________________________


Dahil sa wala akong magawa napapayag ako sa nais na mangyari ni Anton, nakabantay rin si Don Ernesto kaya naman sige oo na. Tsh!

Nilibot ako ni Anton sa buong Hacienda. Nakaangkas lang ako dito sa likod ng kabayo habang sya naman ang nagpapatakbo nito.

Maya-maya huminto kami sa tabi ng malaking puno.

"Oh bakit ka huminto?"- tanong ko

"May naaalala ka ba sa lugar na 'to?"- tanong nya

Tinignan ko naman ang buong lugar. As if naman na may ipaalala ulit sa akin si Amanda. Tsh!

"Wala."- diretso kong sagot.

"Sa lugar na 'to, dito kita unang nakita."

Napatigil ako sandali sa sinabi nya, pagtingin ko sa kanya bakas na inaalala nya ang nakaraan nila ni Amanda.







Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon